Chapter 41

63 6 19
                                        

"What's that?" Lumakad palapit sa kinaroroonan ko si Zintony at mabilis na hinablot ang mga maliliit na papel na hawak ko.

"Darn it, Luther!" asik niya nang mabasa ang nakasulat.

Marami pa kaming mga nabasa na warning mula kay Luther. Bakit hindi naman sinabi sa amin ni Zhyna ang tungkol sa mga 'to! Eh, 'di sana baka nagawan pa ng paraan!

Kahit kailan talaga ang babaeng 'yon, kapag dating talaga sa mga ganitong seryosong usapan, mas pinipili niyang harapin nang mag-isa!

Pero ganoon na lang din ako naawa para kay Zhyna. Iniisip ko kung gaano niya hinarap ang takot niya sa bawat maliliit na papel na natatanggap niya. Kung paano niya nagawang balewalain lahat ng mga warning ni Luther sa kaniya na simula't sapul alam naman niya si Luther ang dahilan nang pagpasabog ng sasakyan niya na muntik na niyang ikasawi!

"Zintony," banggit ni Ms. Chu sa pangalan niya na tila nagbibigay ng pahiwatig. Lumingon naman ako para tingnan silang dalawa.

Naging matalim ang kaniyang mga matang lumingon sa gawi namin ni Ms. Chu at tiim-bagang lumonok. "Let's end this," nakakatakot na sabi ni Zintony.

I can't understand! Anong ibig sabihin do'n ni Zintony? Nakakatakot ang kaniyang naging tono ng pananalita niya na tila ba'ng handa siyang marumihan ang kamay para lang matapos ang giyerang hindi ko matukoy kung paano nagsimula!

"W-wait, hindi ko maintindihan ang nangyayari! Sino ba talaga 'yang Luther na'yan! Bakit pakiramdam ko ang laki ng galit niya kay Zhyna!" kinakabahan na tanong ko sa kanila.

"Hindi siya kay Zhyna may galit," mabilis na komento ni Ms. Chu.

"Kung hindi kay Zhyna, bakit niya ginagawa 'to sa kaibigan ko! Bakit si Zhyna ang pinagti-tripan niya at hindi do'n sa taong direkta niyang kinasusuklaman!" nang-gagalaiti kong tanong ulit sa kanilang dalawa.

"Kay Zintony," she replied.

Bumigay agad ang dalawa kong balikat at napaupo na lang bigla sa sahig. Kung gaano ako naging matapang na banggitin ang mga salitang 'yon ay ganoon naman ako kabilis na nanlumo.

Nilingon ko naman si Zintony at kitang-kita ng mga mata ko kung paano rin nanlambot ang kaniyang mga tuhod ngunit pinipilit na hindi ito ipahalata sa amin. Mas lalong naging matapang ang kaniyang itsura nang tila may binalikan siyang ala-ala.

Mabilis na kumilos si Zintony sa pwesto namin at isa-isa niyang pinagbabasa ang mga nakasulat sa maliliit na mga papel. Habang si Ms. Chu naman ay abala sa paghahanap sa hindi ko matukoy na bagay.

"Need back-up. Call Warren, now," ma-awtoridad na utos ni Zintony. Hindi ko alam kung ako ba ang kausap niya dahil ako ang nasa harapan niya.

"Okay," Ms. Chu replied.

Wait? Warren? Teka, familiar sa akin ang pangalan na 'yon.

Lumaki ang mga mata kong binalingan si Ms. Chu at inilipat din kay Zintony.

Warren? Hindi kaya ito 'yong lalaking tinulungan ni Ms. Chu dati? 'Yong nabaril sa balikat noon? 'Yong nasugatan ng bonggang-bongga? Hindi kaya siya 'yong ex ni Zhyna? Wait? So, kung tama ako ng hinala, ibig sabihin, magkakakila-kilala silang tatlo? Ibig sabihin, pinapaikot lang nila ang feelings ni Zhyna?

Umiling-iling ako. Imposible. Hindi nila 'yon magagawa kay Zhyna!

Tinawagan nga ni Ms. Chu 'yong may Warren na pangalan. Hindi na siya mapalagay sa pwesto niya. Halata na rin ang pagkabalisa niya. Mayroon siyang sinabi sa kausap niya pero hindi ko na maintindihan dahil kay Zintony na nakabaling ang aking tuon.

"Anong hinahanap mo, Zintony?"

"Please, help me to find the address," he replied without looking at me. Super serious niya! Hindi ko siya nakikitaan ng pagiging maamo na itsura ng isang Zintony.

Someone Holds Me (Part 1 of Someone Trilogy)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon