Mabilis na dumaan ang maraming araw. Palagi na namin kasama si Zintony kapag may lakad kami nina Diana at Dave.
Minsan kakain lang kami sa labas para mag-lunch nandoon din si Zintony. Kumbaga dumagdag siya sa tropa kahit hindi ko naman alam if he considered us as his friends also.
"Look! I guess we need to have some fresh air!" excited na wika ni Diana sa aming tatlo.
Kumunot naman ang noo ko..
"Kung ano man ang balak mo, I can't come," wika ko agad nang walang gana. I just shrugged my shoulder and continuing my business.
Nandito ngayon sila sa bahay ko. It's Sunday, so we don't have work today.
They decided to come here to watch Netflix. Mayroon naman silang sara-sariling Netflix sa mga bahay nila but they still chose to come here para sa Netflix.
Napagastos pa tuloy ako ng pera to prepare some foods for them.
Pabayad ko kaya sa kanila? Mga bigatin naman, eh.
"Bro. Look! Rampage is here!" Dave said to Zintony habang hawak-hawak ang remote at naghahanap siya ng mapapanood. Halata ang excitement nang makita ang nangunguna sa top na Rampage.
"Poor, I already watched it," pang-aasar ni Zintony kay Dave.
Aambangan na sana ni Dave si Zintony ngunit umiwas ito at lumipat ng ibang pwesto.
Diana wants to watch KDrama but these two guys aren't fans of it. Kaya ayon, naka-cross lang ang kaniyang kamay sa kaniyang chest at nakasimangot na nakasandal sa couch.
"Give me the remote! Ako naman manood, babe!" pagmamaktol ni Diana nang hindi na niya mapigilan ang sarili pero hinawi lang ni Dave ang remote at pinandilatan pa nito ang girlfriend atsaka tumatawa.
Mga isip bata talaga.
Sige asarin mo pa, para kapag napikon break-up kayo d'yan.
Bahala kayo d'yan hindi ako magiging peacemaker niyo, ha. Manigas kayo.
"Are you not done? I'm hungry."
Hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala si Zintony at kunyaring nakasimangot.
Bakit siya nagpapa-cute? Psh.
'Yong boses niya pa tila kinikiliti nito ang tainga ko dahil sa husky ito kahit hindi naman siya galing sa tulog.
Napa-amang pa ako ng bibig nang makita ko ng mas malapitan ang kaniyang mukha.
So innocent yet delicade. Ito yung mukhang unang tingin ay napaka-inosente pero sigurado lang kapag nagalit 'to mukhang tigre o dragon. Paano kaya magalit ang lalaking 'to?
He's just wearing a simple short na may apat na bulsa na kulay cream. Anong tawag ba sa ganitong short na panlalaki? Basta ganon while wearing a white plain v-neck shirt.
Lagi siyang nagsusuot ng white shirt. Madalang nga lang ata siya magsuot ng ibang color ng damit, e. Hindi ko alam kung bakit. Iba't ibang style ang damit niya pero expect mo na white color palagi 'yon.
Well, bagay naman sa kaniya ang white kasi mas lalo nitong ipinapakita ang pagiging malinis niya at mas lalong siyang pomo-pogi.
"Masyado ng kumakapal mukha mo, ano. Maghintay ka ro'n. Nakikita mong hindi pa ako tapos magluto, nagtatanong ka pa," pagtataray ko atsaka lang ako nagpatuloy sa pagluluto.
Aaminin ko, sa ilang linggong nakakasama ko si Zintony kahit papaano naman ay nagiging madali na para sa akin ang pakisamahan siya.
Minsan sinasadya ko lang talagang maging mataray sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Someone Holds Me (Part 1 of Someone Trilogy)
RomanceCOMPLETED | Mag-isa lang sa buhay si Zhyna Xyrille Montejo kaya sanay na siyang makaramdam ng lungkot, masaktan at umiyak nang mag-isa. Kumbaga, bugbog na siya sa hampas ng alon ng buhay. Pero dahil independent siyang babae, pinipilit pa rin niyang...