Chapter 19

193 95 47
                                    

Kinabukasan, kay aga-aga, tadtad na ako ng tanong kay Diana. Hindi man niya muna ako hinayaan na maglinis ng mukha at magtooth-brush man lang.

"Bakit flowers niregalo sa'yo ni Zintony? Is he courting you my beloved best friend?"

Ilan beses na niya 'yan tinanong, ganoon na lang din beses ko siyang paulit-ulit na sinagot d'yan.

"Hindi nga kasi, Diana." Pinipilit ko na ang sagot ko na tila nakukulitan na.

"Giving a red roses remain the perfect way to express romantic love..." Atsaka niya pinakita sa akin ang screen ng phone niya at pinabasa sa akin ang article habang nananatiling kumikislap ang kaniyang mga mata. Nag-research ang babaita.

Pailing-iling ko na lamang siyang tinatawanan. "'Yong totoo, Diana? Bago ba ang ibig sabihin sa'yo ng red roses at kailangan mo pa i-research sa google?"

"Che," sagot naman niya agad.

Tinawanan ko na lang ulit siya. 

Hindi ko magawang kumbinsihin ang sarili ko patungkol sa mga pulang rosas na ibinigay ni Zintony. Hindi ko makita kung sa anong dahilan niya para gawin 'yon.

"Zhyna? Nabuksan mo na yung gift ni Zintony? 'Yong nasa maliit na paper bag?" 

Umiling-iling naman ako. Oo nga 'no? Ang alam ko excited akong buksan 'yon kagabi, bakit ba nakalimutan ko?

"Bruha ka! Buksan mo na, dali!" excited na sabi niya sa akin. Nasa mukha na naman niya ang hindi maipintang kilig.

Kinuha ko naman ang itim paper bag sa ibabaw ng lamesa katabi nito ang mga pulang rosas na nakalagay ngayon sa isang flower vase.

Napakaganda.

Nakaabang naman sa tabi ko si Diana habang marahan kong inilalabas sa paper bag ang isang mamahaling box. Namamanghang pareho naming tiningnan ang nakalagay sa loob nang mabuksan namin ito.

It's a necklace...

Kinikilig na sumisigaw ngayon si Diana habang nagwawala sa kwarto. "Hindi ba, 'yan ang tinitingnan mo sa mall no'ng nakaraan? Grabe. Talaga ngang binili niya para sa'yo, Zhy!" Naroroon pa rin sa boses niya ang kilig.

"Huy, huwag ka ngang maingay," pagbabawal ko.

Awtomatiko na may gumuhit na ngiti sa aking labi. Parang kiniliti nito ang puso ko. Hindi ko mapigilan.

Ito 'yong kwintas na pinagmamasdan ko noong nakaraang araw sa store sa mall. 'Yong mamahaling kwintas na may pendant na moon. 'Yong araw na kung saan tinanong niya ako kung gusto ko ba raw 'yong kwintas na 'yon at ipinagyabang pa niya na kaya niya raw iyon bilhin para sa akin.

Aaminin ko, may parte sa sistema ko ang kinikilig pero may parte rin sa akin ang ayaw maniwala sa sariling nararamdaman. Ayaw kong mag-assume at ayaw kong umasa pero bakit niya bibilhan ang isang katulad ko sa ganitong kalaking halaga? Bakit sa rami-rami ng mga bulaklak, bakit red roses pa?

Kaya naman, inisip ko na lang na mayaman talaga si Zintony at kaya niyang bilhin ang kahit na ano. Kung bakit red roses ay siguro wala ng ibang bulaklak noong bumili siya, siguro ang natitira na lamang no'n ay ang mga red roses. Tama! Siguro gan'yan nga ang nangyari.

"Akin na, ako na nagsusuot sa'yo. Ayieeeh. Zhyna talaga ang haba ng hair," panunukso ni Diana habang akmang kukunin na sana niya ang kwintas sa box nang pigilan ko siya.

"Hindi ba dapat si Zintony ang magsuot sa akin dahil siya ang nagbigay niyan?" Ngumiti nang napakalawak si Diana dahilan para magtaka ako at nandoon na naman ang itsura niya na tila inaasar ako.

Someone Holds Me (Part 1 of Someone Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon