Chapter 2

687 307 698
                                    

Zhyna's P.O.V

Kasalukuyan akong nasa 7-eleven. Alam ko naman na kakakain ko lang pero hinahanap ng panlasa ko ang lasa ng cup noodles na madalas kong bilhin dito.

Mabilis ko itong binayaran sa cashier.

Nagtungo ako sa hot water machine at nilagyan ng mainit na tubig at naghanap ng mauupuan.

Tinakpan ko muna ito ng three minutes at inilapag sa ibabaw ng puting lamesa na naririto. Nang makamit ko na ang tamang oras ay humigop ako ng sabaw.

Hinipan ko dahan-dahan ang noodles at ninamnam ito. Nakapangalumbaba ako habang nginunguya ang kinakain ko sabay buntong hininga.

Medyo tahimik dito dahil walang gaanong katao-tao.

Pumasok tuloy sa isipan ko ang sinabi ni Diana.

"Zhy, ano ba? Dalawang taon na 'yon. Hindi pa ba sapat yung mga taon na sinayang mo na dapat pinili mong maging masaya?"

Dalawang taon na pero nandito pa rin 'yong sakit. 'Yong mga tanong na hindi masagot ng sarili ko. Kailan kaya ako magiging masaya? 'Yong saya na hindi na dapat pinipilit na maramdaman?

 Napabuntong-hininga na lamang ako.

Nakakainis man isipin, iniwan nila akong nag-iisa, na mukhang tanga. Hindi ko naman alam kung ano ang nagawa ko sa kanilang masama. Hindi ko alam ang dahilan.

Namumuo na naman ulit ang lungkot dito sa puso ko. Lungkot na pilit binabalot ang sarili ko sa nakaraan. Lungkot na nagdidikta ng kakulangan sa pagkatao ko. Hindi ko namalayan na umaagos na pala ang butil ng luha sa aking mukha.

Sino naman ang magnanais na mamuhay sa ganitong kalagayan? Gustong-gusto kong magmove-forward pero hindi ko magawa dahil babalik at babalik pa rin ako sa dati kong posisyon at maghahanap ng kasagutan.

Pagkatapos ng kalahating oras na pag-i-stay sa loob ng 7-eleven, napagdisisyunan ko na rin umuwi.

Kinabukasan, napalingat ako sa phone ko na ang tanging tunog nito ang nangibabaw.

Ang mahiwagang mensahe!

Ang mahiwagang mensahe!

Ang mahiwagang mensahe!

Childish man pakinggan pero 'yan talaga ang ringtone ng phone ko.

Pasilip kong tinignan ang phone na nakakindat dahil sa liwanag na naidudulot nito sa akin.

From: Diana

Zhy! I'll visit you later. I want to cook you with my specialty!

Wala na naman siguro siyang magawa at manggugulo na naman ulit sa kusina ko. Wala kasing trabaho 'tong babae na'to kaya walang mapaglibangan.

I composed a message to her.

To: Diana

Get a job.

Sent!

Pagkatapos kong i-sent kay Diana iyon ay bumangon na ako sa kama. Minsan pa akong napalingon sa wall clock na nakasabit sa dingding ng aking kuwarto.

It's almost 5:30 in the morning.

Ang aga naman niyang nagising?

Ilang oras din ang nakalipas bago ako nakaalis ng bahay. Kasalukuyan akong nag-b-byahe ngayon papuntang building namin. Hindi pa nga ata maayos ang pagkakasuklay ko sa basang buhok ko.

Someone Holds Me (Part 1 of Someone Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon