Ginising ako ng alarm ng phone ko. Napamulat ako at sumalubong sa'kin ang puting kisame ng kwarto. I looked at may phone and it's 6:30 A.M.
Hinanap ng paningin ko ang lalaking nakitabi sa akin kagabi pero wala na siya sa kama.
Nagtataka akong dinaanan ng mga mata ko ang buong kwarto para hanapin siya but I didn't see him.
I was about to stand up nang may maapakan ako. Mabilis akong napalingon sa sahig at nakita ko siyang mahimbing na natutulog habang nakayakap siya sa kaniyang unan. Doon ko lang na-realize na paa niya pala ang natapakan ko. Mabuti na lang at hindi siya agad nagising. Ang kapal ng kumot na pinansapin niya, comforter ata ito ng kama.
Hindi ko mapigilang matawa dahil sa itsura niya ngayon. He's so cute while sleeping, huh.
Umupo ako malapit sa kaniyang ulunan para pagmasdan siya nang malapitan.
His eyes...
His aquiline nose...
His thin lips...
His attractive jaw...
Napaangat ang tingin ko sa kaniyang pilik-mata. Minsan pa akong napatawa nang mahina dahil sa kaisipan na mas mahaba pa ang kaniyang pilik-mata kaysa sa akin.
"Satisfied?"
Gulat akong napa-atras when I heard his voice nang hindi man lang minumulat ang kaniyang mga mata. Nakita ko kung paano gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi. Napasinghap ako para pigilan ang pagtambol ng puso ko.
Instead na sagutin ko siya ay minabuti ko na lamang na tumayo agad at mabilis na lumabas ng kwarto.
"Hey, I'm asking you, are you satisfied?" nakangisi niyang tanong.
Tinanong niya 'yon habang sinusuot ang sando niya palabas ng kwarto. Pinalitan na niya ang Doraemon niyang pantulog.
Mas lalo akong hindi kumibo at nagpunta sa kusina. I wore his apron para magluto ng almusal.
"Hey, that's mine," wika niya sa akin na nakakunot ang noo.
Biglang huminto ang mundo ko nang makita kung gaano siya kagwapo sa sando na suot niya. Kung gaano ko malinaw na nakita ang hugis ng kaniyang katawan, ang kaniyang adams apple na nagtaas-baba at ang kaniyang collarbone na nagsusumigaw sa ganda nito sa kaniyang katawan.
Ang mga mata niyang mapupungay, ang makapal niyang kilay na mas lalong nagbibigay sa kaniya ng malakas na dating.
Napakaperpekto niya pagdating sa physical appearance.
Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala siya ngayon at kasalukuyan niyang inaalis ang apron sa katawan ko. Mas lalo atang naghihingalo ang puso ko kasi sobrang lapit niya sa akin ngayon. Pero ang ikinagulat ko pa nang ikabit niya muli ito sa katawan ko.
"Hey," pagbabawal ko sa kaniya ngunit mahinang pagtawa lamang ang narinig ko mula sa kaniya.
"You can cook?" he asked.
"Not really good but yeah," sagot ko naman. I was being humble this way.
Pinagmasdan niya lang ako hanggang sa matapos akong magluto. May mga pagkakataon pa na ngumingiti-ngiti pa siya na akala mo'y may binabalikang mga ala-ala sa nakaraan.
"Masarap," sabi niya nang matikman niya ang luto ko. Kumuha pa siya ulit ng niluto kong sinangag na kanin at bacon.
Natatawa ako sa reaksyon niya at ganoon na lamang siya kasarap kumain. Simpleng sinangag lang naman 'yon na sinamahan ko ng secret ingredient.
BINABASA MO ANG
Someone Holds Me (Part 1 of Someone Trilogy)
RomanceCOMPLETED | Mag-isa lang sa buhay si Zhyna Xyrille Montejo kaya sanay na siyang makaramdam ng lungkot, masaktan at umiyak nang mag-isa. Kumbaga, bugbog na siya sa hampas ng alon ng buhay. Pero dahil independent siyang babae, pinipilit pa rin niyang...
