Chapter 51

54 4 0
                                    


Kinabukasan, medyo late na kami nagising ni Zintony. Alas-otso kasi ang grand opening ng restaurant at hindi kami pwedeng ma-late kasi yari kaming pareho kay Ate Vanessa.

"Love, dalisan mo naman!" sigaw ko habang nagmamadaling nagsusuot ng sandalyas. Siya naman ay natataranta sa pagsusuot ng polo-shirt niya. Ni ang buhok niya hindi pa niya nagagawang ayusin.

"Tsk! I hate to be rush," reklamo niya.

"Sabi ko naman kasi sa'yo tumayo na tayo ikaw itong nag-request na mahiga pa," I reason out.

Tumawa lang siya nang marahan. Tinulungan ko naman siyang ibitones ang kaniyang long-sleeve. "Ang ganda naman ng mapapangasawa ko," nakangating wika niya habang nakatitig sa akin.

"Yeah, I know," mayabang na sagot ko naman.

Inabot ko sa kaniya ang suklay. "Magsuklay ka na dali. 30 minutes na lang mag-uumpisa na ang opening." 

"Opo boss," tsaka siya sumimangot. 

Natutuwa naman ako dahil unti-unti nakikita ko na ang ibang side ni Zintony. 

Mabilis kaming sumakay ni Zintony sa sasakyan niya. Nagtataka ko naman siyang nilingon nang hindi niya agad paandarin ang sasakyan.

"Love, ma-le-late na tayo," bagamat naiinis na ay naroon naman ang pagiging kalmado ko.

"Love, wala pa akong almusal," nakasimangot na reklamo niya.

Na-cute-an ako bigla kung paano niya gawin ang ekpresyon na 'yon. Ang kaninang nag-uusok na tainga ko ay napalitan ng pagkakaroon ng puso sa aking dalawang mata. 

Mabilis ko naman siyang ginawaran ng halik. Ang lolo humirit pa ng isa. 

"Alright, we're on the way!" masiglang sabi niya. "Sarap talaga ng almusal ko palagi," dagdag pa niya. 

Hindi tuloy mawala-wala ang ngiti sa aking labi. Zintony really know how to make me smile. 

Habang tahimik ang byahe namin ni Zintony, hindi ko magawang hindi pagmasdan ang dinadaanan namin. Wala pa rin nagbago rito sa Molo. Napakaganda pa rin katulad ng dati. Naririto pa rin ang mga building na napakaganda. Minsan pa namin dinaanan ni Zintony ang dalampasigan.

Pagkarating namin sa restaurant sa Molo. Sumalubong sa amin ang napakaraming bulaklak na nakatayo sa entrance ng restaurant. Pati ang red ribbon ay nakahanda na. Naririto na rin sina Mr. Sanchez ang CEO ng kumpanya, Sina Diana and Dave, at ang iilang mga employees at customers.

Nagkaroon lang ng kaunting seremonya bago tuluyang putulin ni Mr. Sanchez and ni Ate Vanessa ang magkabilang red ribbon gamit ang gunting. Ang lahat naman ay nagpalakpakan nang matapos ito. Sabay-sabay naman kaming lahat pumasok sa restaurant kasama ng ibang mga customers at talaga naman nakakamangha kung paano ito naitayo.

"Ms. Zhyna Montejo?" Salubong sa amin ng isang pamilyar na lalaki. Tinitigan ko pa siya nang husto para alalahanin ang kaniyang mukha. "I'm Justine Alejandro Yulo, your architect," 

"Excuse me?" singit agad ni Zintony. Mukhang hindi nagustuhan ang sinabi ni Mr. Yulo. 

"I'm so sorry. I mean, I'm the architect here. Hindi ba ikaw ang unang humawak ng project na 'to?" Kung kanina ay na kay Zintony ang paningin, ngayon naman ay nasa akin na. Hinawakan naman agad ni Zintony ang baywang ko para ipakita sa kaniya na we're in a relationship.

"Natatandaan na kita. Kamusta?" pilit na ngiti ang iginawad ko.

Ngumiti naman siya sa akin nang napakalawak. "I'm still good." Atsaka siya sabay na kumindat at umalis sa harap namin.

Someone Holds Me (Part 1 of Someone Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon