Chapter 37

76 8 46
                                        

Isang malakas na tunog na nanggagaling sa alarm clock ko ang gumising sa aking diwa. Dahan-dahan ko naman iminulat ang aking mga mata at sumalubong sa akin ang kisame at naramdaman ang pagsilip ng sinag ng araw mula sa bintana na tumatama sa aking balat.

Mabagal kong itinayo ang katawan ko at isinandal ito sa head board ng kama atsaka napabuntong hininga. Tila ngayon ko lang naramdaman ang pagod sa lahat ng mga nangyari sa akin.

Marahan kong isinuot ang pambahay kong tsinelas at nagtungo sa banyo para maligo. Pagkatapos kong magdamit ay naglakad ako papuntang kusina para magluto ng almusal.

Naka-short at maluwang na mahabang damit ang suot ko kaya naman kung titingnan ako parang nakadamit lang.

Bukas na pala ang alis ni Dave papuntang France kaya naman magkakaroon siya mamaya ng despedida.

Habang kumakain ako ng almusal, nag-ring ang phone ko na nasa kusina. Hindi nawala ang tunog hanggat hindi ko nasasagot ang tawag.

"Hello," matamlay na bungad ko.

"Zhyna! My friend! Naiiyak ako!" Napalayo ko mula sa tainga ko ang phone na hawak ko dahil sa lakas ng boses ni Diana.

"Hoy, hindi naman ako bingi para maging gan'yan kalakas boses mo," pagsusungit ko.

Tumawa siya sa kabilang linya. "Aba, aba. Ang aga-aga, bad mood ka, sis?"

"May bisita ako." Atsaka ako sumimangot. Bakit kasi kailangan sumabay pa 'to? Ang bigat tuloy ng pakiramdam ko.

"Bisita?" naguguluhan na wika ni Diana. Gusto kong mainis sa kaniya dahil hindi niya agad nakuha ang punto ko.

"Menstruation?" tanong niya nang hindi siya nakarinig ng salita mula sa akin.

"Tss."

"Baka dalaw!" she corrected me while laughing.

"Bisita, dalaw? Hindi ba same 'yon?" naiinis na tanong ko.

"Ewan ko sa'yo, Zhy!" tumatawang sabi ni Diana.

I just rolled my eyes on her kahit alam ko naman na hindi niya nakikita.

"Nakikita ko tuloy sa imagination ko na nakataas na ang kilay mo sa akin tapos ilan beses mo na akong ini-snob diyan sa kinalalagyan mo."

Her imagination, again...

"Proof?" maikling tugon ko

"Ewan ko talaga sa'yo, Zhy! Wala kang kwentang kausap ngayon. Ang dry mo. Dinaig mo pa nalantang dahon sa kalsada!" reklamo niya.

"Naiirita ako sa boses mo."

"Wow! Naglilihi ka 'te? Feeling buntis? Binibisita ka lang naman, oy! Anyway, kita kits mamaya. Hindi ko na natuloy pag-d-drama ko. Panira ka. Sige na, bye!"

At naputol na ang pag-uusap namin ni Diana.

Paglipas ng ilang oras, heto na ako at nakabihis na. Simpleng jeans at polo-blouse lang ang suot ko. Wala akong ganang magmaganda ngayon dahil para akong lalagnatin sa bigat na nararamdaman ko ngayong may dalaw ako.

Minsan ko munang pinasadahan ng tingin ang sarili sa salamin. Ngayon ko lang napansin na tila nabawasan ng taba ang pisngi ko. Naging mas malungkot ang mga mata ko at naging matamlay ang bawat paggalaw ko.

Hindi ko tuloy alam kung tama ba na tutuloy pa ako sa despidida ni Dave.

Tahimik akong nagmamaneho habang sulyap-sulyap sa side mirror ng kotse. Nakita ko roon ang isang ordinaryong itim na kotse na nasa likuran ko. Nawala rin agad ang atensyon ko sa kotse nang tumunog bigla ang phone ko.

Someone Holds Me (Part 1 of Someone Trilogy)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon