Diana's Point of View
Pagkatapos ang mahabang byahe namin papalapag na rin sa wakas ang eroplanong sinasakyan namin. Halos ang lahat ay nakatulog at iilan sa amin naman ay hindi na mapakaling makarating.
May pakiramdam ako na magiging maganda ang mga araw namin dito sa Iloilo. Hindi ko man masabi kung paano pero naniniwala ako na ang Iloilo ay mag-iiwan sa amin ng masayang mga ala-ala. Gosh! Wala pa man pero feeling ko nai-inlove na agad ako sa pupuntahan namin. Hindi na ako makapaghintay!
Hindi na nga ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa sobrang excitement na nararamdaman ko plus makikita ko na rin 'yong best friend ni Dave. I felt something about that guy. I swear.
"Babe, remind lang, hindi tayo nagpunta rito para mamasyal para 'to sa company niyo," paalala sa akin ni Dave.
"Oo alam ko 'yon, babe. Panira ka talaga," kunwari kong naiinis na sabi kay Dave.
Na-e-excite ako lalo para makita ang best friend ni Dave para kay Zhyna and you know, curiosity kills me, eh.
Kung ano ba talaga itsura niya sa personal?
Kung gaano siya kagwapo at kayaman tingnan?
Mga gano'n, beshies!
Inii-magine ko pa lang na bagay na bagay ang dalawa, kinikilig na ako!
"Hay nako." Inakbayan niya na lang ako at hinalikan sa noo.
Sweet!
Napataas ang kilay ko nang makita ko ang reaksyon ni Ms. Chu sa kabilang upuan. Gusto ko talagang isatinig na tawagin siyang Chuchu kaso nakakakonsensya kaya huwag na lang pero kasi nakakapikon kasi ang presensya niya para sa akin. Ayts!
Kanina ko pa kasi nakikita si Ms. Chu na sobra kung makatitig kay Zhyna na nasa harap niya kaso nakatalikod naman sa kaniya.
Nakikita ko sa bawat titig niya na may tuwa sa kaniyang mga mata. Tila ba ang tagal niyang hiniling na manggyari 'to - as if naman. Hindi ako nakakakita ng inis o galit sa itsura niya na madalas niyang gawin kay Zhyna noon.
Minsan talaga naguguluhan ako sa ugali ni Ms. Chu na 'to. Tss.
"Wow!" sabay-sabay namin sabi nang makababa kami ng eroplano. Ang sarap sa pakiramdam ng bagong atmosphere!
Napa-wow kaming lahat nang masinagan namin ang kagandahan ng Iloilo.
"Totoo? Iloilo 'to?" ani ni Christian. Isa sa mga kasamahan namin.
"Ganda," napapamanghang wika ng isa pa namin kasama. Airport pa lang ang ganda na. What if pa kaya ang mismong lugar. Oh my gosh! Can't wait for this!
Hanggang sa tuluyan na kaming nakalabas ng airport at nananatili pa rin sa amin ang pagkakamangha.
"Brad!" Napalingon kami sa tinawag ni Dave na naghihintay sa amin sa labas ng airport. Mag-isa lang siyang nakasandal sa kaniyang kulay abo na sasakyan. Tingin ko nasa mid-twenties din siya katulad namin.
In-fairness ang gwapo ng nilalang na 'to. He's wearing a white long sleeve and naka-tack in 'yon sa fitted niyang pants na babagay sa kaniya. Pero ayaw kong ibigay sa kaniya ang atensyon ko dahil gusto ko muna makita 'yong best friend ni Dave. Inilibot-libot ko ang paningin ko sa kabuuan ng lugar para hanapin 'yong best friend ni Dave kahit ang totoo hindi ko talaga alam itsura niya.
"Kamusta?" rinig kong masayang bati ulit ni Dave sa lalaki. Hinahanap ko 'yong best friend ni Dave kasi alam kong siya ang magsusundo sa amin dito.
"I'm fine," matipid na sagot naman niya.
Kinikilig ako sa iniisip ko. Pwede kayang magustuhan niya si Zhyna? Pakiramdam ko mapili sa babae, eh.
BINABASA MO ANG
Someone Holds Me (Part 1 of Someone Trilogy)
RomansaCOMPLETED | Mag-isa lang sa buhay si Zhyna Xyrille Montejo kaya sanay na siyang makaramdam ng lungkot, masaktan at umiyak nang mag-isa. Kumbaga, bugbog na siya sa hampas ng alon ng buhay. Pero dahil independent siyang babae, pinipilit pa rin niyang...