Zhyna's P.O.V
Isang linggo na rin ang nakakalipas nang makauwi kami rito sa probinsya. Pakiramdam ko nag-iba ang atmosphere rito, hinahanap ng pakiramdam ko ang sarap ng paligid ng Iloilo.
Mga ilang buwan pa muna ang dadaan bago kami ulit makakabalik. Sigurado lang kapag opening na ng restaurant at cutting of ribbon na. Ang mga engineer na ang bahalang mag-supervise muna roon ngayon.
Isang marahan na pagkatok ang narinig ko mula sa labas ng pinto. Bumungad naman dito si Diana na ang laki ng ngiti sa labi nang makapasok ng office ko. Si Cheena naman ay abala sa pag-aayos ng mga schedule ko for next week.
"Masyadong masaya, ha," wika ko.
"Monthsary kasi namin ngayon ni Dave. Excited sa date, e," kinikilig na sabi niya. Umupo siya sa sofa at feel at home ang lagay niya.
"Ah, okay," wika ko habang tinitingnan at binabasa ang concept papers na nasa harapan ko ngayon.
"Nakaka-miss din ang Iloilo no, Zhy?" Minsan ko siyang sinulyapan, ngayon naman ay nakasimangot na siya.
"Hm," maikli kong pagsang-ayon sa kaniya at sabay napabuntong-hininga.
"Dahil sa rami ng ginagawa natin ngayon, gusto ko tuloy ulit lumipad ng Iloilo para makapag-refresh! My goodness, Zhy!" Halata sa itsura niya ang inis at pagod.
Natatawa ko naman siyang sinulyapan at panay ang haplos niya sa sintido niya.
"Sama ako," kunyari kong sabi para makisakay sa naiisip niya.
Lumapit sa table ko si Diana at umupo sa swivel chair na nasa harapan ko. "Gusto mo lang makita si Mr. Astronomy, e," pang-aasar niya. Lumawak ang ngiti niya nang banggitin ang nickname niya kay Zintony. Tsk.
"Pwede ba, Diana," naiinis na kunyari kong wika.
Simula nang makauwi kami rito sa Pampanga, panay ang banggit niya sa ginawan niyang nickname para kay Zintony, minsan pa nga ang binabanggit niya ang buong pangalan pa ni Zintony.
"Nag-uusap pa kayo?"
Sandali akong napatigil sa aking ginagawa at marahan na umiling. Kunyaring tinuon ko ang atensyon ko sa binabasa kahit na wala naman talaga akong maintindihan. Sa totoo lang nawawala ako sa focus kapag naririnig ko ang pangalan niya. Iyon ang kinaiinisan ko at kasalanan 'yon lagi ni Diana sa laging pagbanggit niya ng pangalan ni Zintony.
Nangalumbaba si Diana sa harapan ko. "Kaya pala mukha kang malungkot."
Mabilis kong binalingan ng tingin si Diana nang nakakunot ang noo. "Iyan oh! Bumabalik ka na naman sa pagiging masungit!" Tinuro-turo niya ang itsura ko habang tumatawa.
"Malayong-malayo no'ng nasa Iloilo ka, todo palaging ngumiti, maganda lagi ang mood. Hays, Zintony, punta ka na rito," Diana said habang kunyaring kinakausap si Zintony gamit ang malawak niyang imahinasyon.
"Tumigil-tigil ka nga diyan." Inayos ko ang sarili ko at kunyaring naubo.
"Tigil-tigilan mo rin ako no, Zhy! Alam ko 'yang mga gan'yan! Huwag ako, Zhy!" Nananatili pa rin sa tono ng boses niya ang pang-aasar.
Tinaliman ko ang tingin ko sa kaniya ngunit mas lalo lamang siyang tumawa at tila natutuwa sa itsura na nakikita niya sa akin.
"Kung alam ko lang na si Zintony lang magpapangiti sa'yo ng ganoong kalawak, matagal na sana pala kitang ibinato sa Iloilo."
At sa huling pagkakataon ng pagkunot ng noo ko, pagtaas ng kilay ko ay siya namang pagtigil niya sa pang-aasar ngunit naroon pa rin sa kaniya ang ngiti na tila tinatago ang kilig.
BINABASA MO ANG
Someone Holds Me (Part 1 of Someone Trilogy)
RomansaCOMPLETED | Mag-isa lang sa buhay si Zhyna Xyrille Montejo kaya sanay na siyang makaramdam ng lungkot, masaktan at umiyak nang mag-isa. Kumbaga, bugbog na siya sa hampas ng alon ng buhay. Pero dahil independent siyang babae, pinipilit pa rin niyang...
