"Luther!" sigaw ng isang pamilyar na boses.
Mabilis kong iginala ang aking mga mata upang hanapin kung saan nanggaling ang boses. Ganoon na lamang namuo ang pag-asa sa puso ko.
"Show yourself, Luther. Don't be coward," gigil na sabi ng pamilyar na boses.
Narinig kong bumukas nang mabilis ang pinto ng aming silid. Ang yapag ng taong maingat na pumapasok dito ay dinig na dinig ko.
Gusto kong isigaw ang pangalan niya para malaman niya kung nasaan ako.
"Don't make any noise. Kung ayaw mong madamay lahat ng taong importante sa'yo," banta sa akin ni Luther.
Ganoon na lang mas lalong kumabog ang puso ko sa takot at sa panghihinayang na humingi ng tulong.
Sinimulan ni Luther na takpan ng tela ang aking bibig. Dahilan para hindi ako tuluyang makapagsalita.
Pagkatapos gawin ni Luther ay tinapik niya ang aking balikat. Hinahanap ko naman ang kapapasok na tao pero hindi ko siya makita, hindi ko makita ang galaw niya dahil sa napakadilim na paligid, tanging ang yapag lang niya ang naririnig ko. Minsan kinakausap ko ang sarili ko kung kay Luther ba ang yapag na iyon or doon sa lalaking kapapasok lang dito.
"Give me back my Zhyna, Luther," utos na sabi niya. Tila kapag hindi mo sinunod, hindi siya magdadalawang isip na tanggalan ka ng hininga.
Hindi ko napigilan ang pagguhit ng ngiti sa aking labi dahil sa pang-aangkin niya sa akin. Kumalabog ang puso ko na tila nakikipagkarerahan sa mga paro-parong nasa tiyan ko.
Hindi ko inaasahan na sa kabila ng nangyayaring 'to, kaya pa niyang sabihin ang mga salita na 'yon.
Mabilis na bumukas ang ilaw sa gawi ni Luther. Tama lamang para masakop ng liwanag ng ilaw ang kinatatayuan niya. Ganoon din ang nangyari sa gawi ni Zintony. Ngayon ay kitang-kita ko na ang kaniyang itsura.
Bumilis lalo ang takbo ng puso ko. Ang takot na nararamdaman ko ay napalitan ng pag-asa. Pag-asang naririto si Zintony at tinutupad ang sinabi niyang ililigtas niya ako.
"Oh, masama na agad tingin mo sa'kin, Zintony? Hindi mo lang ba ako na-miss?" Tsaka tumawa-tawa itong sira-ulo.
Kikilos sana ako para pumunta sa gawi niya kahit nakatali ang aking mga paa at kamay pero mabilis akong pinigilan ng dalawang nakabantay sa akin. "Ang bilin ni big boss, huwag mong kakalimutan," pagpapa-alala niya sa akin.
Nagngitngit agad ang mga ngipin ko sa kabila ng telang nakatakip sa aking bibig.
Masama ang bawat titig ni Zintony kay Luther pero hindi ko siya nakikitaan ng takot. Napaka-kalmado niya sa oras na'to. Gusto ko tuloy nalaman kung ano ang kaniyang iniisip ngayon.
"I said, give her back to me." Bawat salita niya ay may diin. Napakaseryoso niya.
Muli na naman tumawa si Luther dahilan para higpitan ni Zintony ang pagkakahawak sa baril niya. Mukhang balak niyang pikunin si Zintony.
"If something bad happened to my Zhyna, I won't give you mercy, Luther. Mark my words," nang-gagalaiting dinig kong sabi ni Zintony.
Nagulat na lamang ako nang biglang sumilay ang liwanag sa kinaroroonan ko.
Nanlulumo akong tiningnan ni Zintony. Naroon ang gulat at pagka-awa sa kalagayan ko. Nakita kong nagtiim-bagang siya at napalunok nang wala sa oras. Nakita kong namuo agad ang kaniyang mga luha nang makita ang kalagayan ko.
Tatakbo na sana si Zintony sa gawi ko nang bigla siyang pinigilan ng mga kasamahan ni Luther.
"Don't move, Zintony. If you want her to stay alive," pagbabanta ni Luther.
BINABASA MO ANG
Someone Holds Me (Part 1 of Someone Trilogy)
RomanceCOMPLETED | Mag-isa lang sa buhay si Zhyna Xyrille Montejo kaya sanay na siyang makaramdam ng lungkot, masaktan at umiyak nang mag-isa. Kumbaga, bugbog na siya sa hampas ng alon ng buhay. Pero dahil independent siyang babae, pinipilit pa rin niyang...
