Zhyna's Point of View
Habang naglalakad ako papuntang parking lot, wala ang sasakyan ni Diana. Sa mga ganitong oras nakakapagtaka at wala siya ngayon rito sa trabaho. Saan naman kaya nagpunta 'yon?
Dinayal ko ang number niya pero unattended naman. Nang hindi niya ito sinasagot ay hinayaan ko na lamang. Siguro ay may ibang pinagkakaabalahan. Agad na rin akong sumakay sa sasakyan ko at sinimulang paandarin ang makina ng kotse.
Tahimik akong nagmamaneho habang palingon-lingon sa mga dinadaanan ko. Sumalubong tuloy ang init na sumisinag sa salamin ng kotse ko. Kasalukuyan akong naghahanap ng 7-Eleven na hindi gaanong matao. Halos lahat kasi ng nadadaanan ko ay puno ng mga taong kumakain or mga taong nakatambay.
Kaya naman mas lalo akong naghanap. Nakakita rin ako sa wakas at katabi nito ang unfamilliar na parking lot. Luma na ito at halatang hindi na ginagamit.
Nang mailiko ko ang manibela para makapasok nang tuluyan, nahagilap ng mata ko ang nasa iskinitang lugar. Ang 7-Eleven. Hindi gaanong matao, at iilan lang ang mga nakaupo sa bench na 'yon. Habang pina-park ko ang kotse ko ay may napansin akong lalaking nakatalikod sa gawi ko at patikol-tikol maglakad habang inaalalayan siya ng isang babae.
Yung likod niya? Yung taas niya, yung katawan niya at yung buhok niya!
Mabilis akong bumaba sa kotse ko at hinabol ang lalaking 'yon, mayroong nakataling tela sa kaniyang kanang balikat. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Warren 'yon.
Kaya tinakbo ko agad ang daan na'yon papunta sa lalaking nakita ko. Bago pa man ako nakapasok sa iskinita ay nawala na sila sa paningin ko.
Hindi! Si Warren 'yon!
Nang makalabas ako ng iskinita para mas lalo silang hanapin ay hindi ko na talaga nakita ang lalaking hinahabol ko. Hinahanap sila ng mga mata ko pero wala na sila. Bigla na lang silang nawala sa paningin ko.
Bigla akong kinabahan. Namamalikmata lang ba ako?
Pero hindi ako pwede magkamali. Si Warren 'yon! Hindi ako pwedeng magmalikmata dahil marami pa akong kailangan malaman kung bakit bigla na lang siyang hindi nagpakita sa akin! At kailangan kong makilala ng husto ang sarili ko at siya lang ang makakasagot ng lahat.
Nanghihina akong bumalik sa 7-Eleven nang hindi ko sila nahabol. Ni miski bumili ng cup noodles ay hindi ko na nagawa. Nakaupo lang ako sa bench at wala sa sariling nakatingin sa kawalan.
Nasaan ka na ba talaga? Nasaan ka na ba? Wala ka ba'ng balak nagpakita ulit sa akin?
Nakakainis lang isipin na mahigit dalawang taon na, ikaw pa rin ang hinahanap ng puso ko. Nakakabaliw lang din isipin dahil tumitibok din ito nang mabilis dahil kay Zintony.
Hinawakan ko ang dibdib ko at marahan itong hinaplos-haplos.
Nakakabaliw ka rin, ano?
Hindi ka marunong maging loyal. Gusto mo dala-dalawa talaga.
Unti-unti kong nararamdaman ang pamumuo ng luha sa aking mga mata.
Please, Warren, huwag mo kong pahirapan ng ganito. Paliwanag mo lang ang kailangan ko kahit hindi na ang nararamdaman mo para sa akin.
Hindi mawala sa isip ko si Warren. Kabisado ko ang lahat sa kaniya. Ang tindig ng katawan niya, ang height niya, kung paano siya maglakad, ang likuran niya. lahat-lahat. Kaya hindi ako pwedeng magkamali, si Warren ang kaninang nakita ng mga mata ko.
Sino 'yong babae?
Hindi ko maiwasang itanong sa sarili ko. Sigurado akong si Warren 'yon pero bakit may kasama siyang bagong babae? Nobya niya ba 'yon? Hindi na napigilan ng aking mga mata ang pagbadya ng aking luha. Mabilis din ko naman itong napunasan gamit ang aking mga palad.
Inisip ko na lamang na hindi si Warren 'yon. Kinumbinsi ko na lamang ang sarili ko na namalikmata lang ako pero kahit anong gawin ko hindi ko talagang magawang isipin na hindi talaga siya 'yon.
Hindi ko magawang alisin ang kabang nararamdaman ng puso ko.
May parte rin sa puso ko ang natatakot. Natatakot na harapin siya at malaman ang lahat ng kasagutan sa mga katanungan ko kung sakali man na nagkita kami ngayon. Baka kapag nasa harapan ko na siya ay umatras naman ang dila ko at mawala sa isipan ko ang lahat ng gusto kong malaman.
Napabuntong-hininga na lamang ako. Nasinagan ako ng araw na nagmumula sa labas ng wall glass ng store dahilan para mapaiwas ako ng tingin sa kawalan at naging silungan ng mga mata ko ang aking palad upang takpan ang sinag nito.
Minsan pa akong napangiti dahil sa dulot nitong init. Kung ang karamihan ay naiinis na sa init ng araw, ako naman ay mas lalo itong dinamhin.
Iba ang naging dulot nito sa akin tila kinakausap ako gamit ang kaniyang sinag na dumadapo sa aking balat. Hindi ko man talaga maunawaan ang gusto niyang iparating pero isa lang ang nararamdaman ko, dinadamayan niya ako.
Hindi ko tuloy maiwasan na sa t'wing gabi ang mga bituin at buwan ang aking kausap at ngayon naman ay ang araw ang aking kasama.
Natawa ako sa sariling mga naiisip.
Malapit na ata akong mabaliw.
»»»»» to be continued..
Hi MizzyFantasia. I wish for your success in writings. Continue to grow and always keep safe. :)
BINABASA MO ANG
Someone Holds Me (Part 1 of Someone Trilogy)
RomanceCOMPLETED | Mag-isa lang sa buhay si Zhyna Xyrille Montejo kaya sanay na siyang makaramdam ng lungkot, masaktan at umiyak nang mag-isa. Kumbaga, bugbog na siya sa hampas ng alon ng buhay. Pero dahil independent siyang babae, pinipilit pa rin niyang...
