Diana's P.O.V.
I'm really excited about today's event! Ito na! Ito na ang matagal ko ng hinihintay para sa best friend ko! She's finally getting married!
"You ready?" I am actually in her room and we are both excited but a little bit nervous.
Tumango-tango naman siya sa akin. Hindi ko mapigilang tumalon nang paulit-ulit dahil grabe! Seryoso! Ito na talaga.
"Diana, kinakabahan ako," sabi ni Zhyna habang nakahawak sa kaniyang dibdib.
Pinalo ko naman nang marahan ang kaniyang balikat. "Sabi ni daddy, normal lang daw ang kabahan. Zhy, bagalan mo ang lakad mo papuntang altar ha. Seize every moment!" magiliw-giliw kong payo.
Napakaganda niya sa kaniyang Victoriana's white gown na suot niya. Bagay na bagay sa kaniya. Sigurado na kapag nakita siya ni Zintony mawawalan talaga siya ng rason para hindi niya gustuhing pakasalan si Zhyna.
Napapalakpak pa ako nang wala sa sarili. "Zhy, I am so happy for you talaga! Can't help myself but to congtulate you, agad-agad!"
"Yllana Shane C. Javier, perfect!" dagdag ko pa sa magiliw na paraan.
"Kahit kailan talaga hindi ka nauubusan ng energy, no, Diana," natatawang puri niya sa akin. Kininditan ko naman siya bilang tugon.
Maya-maya lang ay pumasok sa loob ang family ni Zhyna at mahigpit siyang sinalubong ng yakap.
"I am so happy for you, our bunso," rinig kong sabi ng daddy niya. Nakangiti ko naman pinagmasdan si Zhyna humalik sa pisngi ng kaniyang ama.
Mangiyak-ngiyak naman na niyakap din siya ng kaniyang mommy. Isang mahigpit din na yakap ang kaniyang iginawad sa anak na ikakasal. "Darling, you're still our bunso, okay? I am so happy because you will be having your own family. Be good wife like me, okay?" Umiiyak naman si Zhyna habang tumango-tango sa habilin ng kaniyang mommy.
"Tsk," inis na sabi ni Ms. Chu sa kapatid na ikakasal at marahang pinunasan ang luha ni Zhyna. "Dont cry, sissy. You're make-up will be ruined." Atsaka siya marahan na ngumiti sa kaniya.
Nakakataba lang ng puso kung paano ko nasaksihan na pangarapin ito ni Zhyna. Ang magkaroon ng pamilya na magbibigay sa kaniya ng kalinga at pagmamahal. Now, I can say na buo na siya ulit. Binuo siya ng kaniyang bagong mga ala-ala kasama ng mga taong lubos na nagmamahal sa kaniya.
"Labas muna po ako saglit," paalam ko sa kanila.
Saktong paglabas ko ng room ni Zhyna ay biglang nag-ring ang phone ko. It's Dave.
"Babe," bungad ko.
"Hindi mapakali itong isa, gusto nang makita si Zhyna. Kamusta na raw siya?" naiinis na tanong ni Dave. Siguro ay nakukulitan na kay Zintony.
"Ayts, pakisabi diyan sa best friend mo, huwag siyang gagad, okay? Be patient!"
Narinig ko naman na tumawa si Dave at nagsungit si Zintony sa kabilang linya.
"Hey, Diana. Is she okay? Don't leave her okay? Baka mahimatay siya sa nerbyos. Anong itsura niya? Is she looks like the most beautiful bride in the universe?" Sunod-sunod na tanong ni Zintony. Mukhang inagaw niya ang phone sa Dave ng buhay ko. Tsk. Tsk. Tsk.
"I am sure, she is the most beautiful bride in the universe, ever!" kinikilig na sabi ko sa kaniya. "Atsaka Hindi ko naman hahayaan na magmukha siyang hindi bride, no! Relax ka lang diyan. Chill, okay? Chill?" dagdag ko.
"Alright, then."
"Babe, we are going to church na. See you there! I love you," sabi ni Dave sa phone.
BINABASA MO ANG
Someone Holds Me (Part 1 of Someone Trilogy)
RomantikCOMPLETED | Mag-isa lang sa buhay si Zhyna Xyrille Montejo kaya sanay na siyang makaramdam ng lungkot, masaktan at umiyak nang mag-isa. Kumbaga, bugbog na siya sa hampas ng alon ng buhay. Pero dahil independent siyang babae, pinipilit pa rin niyang...
