Chapter 38

67 8 19
                                    

"What if I want to court you?" Titig na titig sa aking mga mata si Zintony habang binabanggit ang mga salita na 'yan.

Ilan beses ko rin nakitang inilibot ni Zintony ang kaniyang mga mata sa kabuuan ng aking mukha. Tila sobra niyang gustong pagmasdan ang aking itsura.

"Oh my gosh, seryoso siya," rinig kong sabi ni Diana.

Nilingon ko si Diana at kasalukuyang kinikilig habang nakatakip ng palad ang kaniyang bibig. Halata na nabibigla siya sa natutuklasan niya. Muli kong ibinaling kay Zintony ang aking paningin at ganoon na lamang ang gulat ko na hindi man lang ata niya inalis ang paningin sa akin.

"Kung gusto mong manligaw dahil alam mong gusto kita at hindi dahil pareho tayo ng nararamdaman. Pakiusap, huwag mo na lang," sabi ko sa kaniya na siyang ikinabigla niya. Nakita ko kung paano nag-iba ang emosyon sa kaniyang mukha.

Marahan niyang inalis ang paningin sa akin at napayuko sabay buntong-hininga. Halata sa kaniya ang pagkadismaya.

"Now, I'm regretting it," sabi niya habang nakayuko.

Nakaramdam ako ng pagbilis ng kabog ng puso dahil sa kaba mula sa narinig. Hindi ko matukoy kung saan ang kaniyang pinagsisisihan. Sa pag-reject ba niya noon sa nararamdaman ko o sa sinabi niyang gusto niya akong ligawan?

Napabuntong-hininga na lamang ako at hindi na kumibo. Nasilayan ko naman si Diana na tila naaawa kay Zintony at kinakausap ako gamit ang mga mata na nagsasabing payagan ko na si Zintony.

Maya-maya lang ay sinaluhan kami ni Dave sa couch at may bitbit na alak. "Come on, let's have a drink. Mukhang may kakaiba kayong pinag-uusapan, ha." Mabilis naman na pinalo ni Diana sa braso si Dave na nagpa-aray sa kaniya pero tumawa rin naman sa huli.

"Babe, may flight ka pa bukas. Huwag kang masyadong uminom," tukoy ni Diana sa alak.

Hinawakan naman ni Dave ang baba ng nobya at marahang ngumiti. "I won't, babe."

Sa loob-loob ko, sobra akong natutuwa sa tuwing nakikita kong maganda ang relasyon nilang dalawa. Hindi ko minsan maiwasan na mainggit dahil sobra ang nakikita kong pagmamahal na nangingibabaw sa kanila na gusto ko rin mangyari sa akin.

"Dave, mag-iingat ka roon. Huwag kalimutang tawagan kami," I said.

"I won't, lola," pang-aasar niya. Aambagan ko na sana siya, pinigilan ko lamang ang sarili ko. Narinig ko naman ang tawa niya.

Mula sa nakakalokong ngiti ay napalitan ito ng pagiging seryoso at lumingon sa pwesto ni Zintony. "Bro, please take care of our lola, lagi 'yan malungkot mag-isa. Be her moon when everytime her darkness comes." Sabay ngiti ni Dave.

Hindi ko alam kung mapipikon ba ako sa pagtukoy niya sa akin na lola o matutuwa dahil sa sinsiridad niya na ipaubaya ako pansamantala kay Zintony.

"I won't, bro. I'll take care of your lola."

Biglang tumawa nang malakas si Dave at Diana. Samantala ako ay masama naman ang tingin kay Zintony.

Wala kaming ginawa kundi magkwentuhan nang magkwentuhan. Binalikan namin pare-pareho kung paano kami nagkakilalang lahat. Puro tawa lang ang ginagawa ni Diana sa tuwing mag-k-kwento si Dave na nakakalokong experience niya kasama ang nobya, minsan naman ay patungkol sa friendship nila ni Zintony.

"Sobrang ingay niyo." Atsaka siya naupo sa tabi ko.

"Saan ka naman galing at ngayon ka lang?" naiinis na wika ko.

"May regla ka 'no?" asik naman niya.

"Hoy, Ms. Chu! Ang pangit ng ugali mo!" sabi ni Diana habang tumatawa.

Someone Holds Me (Part 1 of Someone Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon