Chapter 30

89 23 33
                                        

Hindi ako pinatulog ng mga sana ko.

Sana hindi na lang ako umamin, sana hindi ko na lang pinakinggan ang sinasabi ng puso ko. Sana pinigilan ko na lang. Sana hindi ko na lang hinayaan na lumalim, sana no'ng umpisa pa lang umiwas na ako. Kaso nangyari na, hindi ko na maibabalik.

Mula sa pagkakahiga ko sa kama, suminag ang araw na nanggagaling sa bintana. Nanghihina akong umupo at sumandal sa head board ng higaan. Dahan-dahan niyakap ng braso ko ang  pinagdikit kong binti. Ang ulo ko ay nakayuko ngayon sa ibabaw ng tuhod ko.

Maya-maya lang ay nararamdaman kong tumutulo ang mga luha sa magkabila kong pisngi. Pinipigilan na humagulgol dahil sa sakit na pinaramdam sa akin ng gabing 'yon.

Hindi ko inaakala na sa pangalawang pagkakataon na magmamahal ako, maipaparamdam ulit pala sa akin ang pagiging walang halaga.

"I'm worthless..." wala sa sarili kong sabi habang humahagulgol nang mahina, pinipigilan na mapasigaw.

Ang sakit...

"I really like you, Zintony." Hindi ko na napigilan ang sarili kong umamin.

Hindi naman kami masyadong malayo sa sarili pero sa pagbuntong-hininga niya, naiparamdam niya sa akin ang distansya namin dalawa.

Do'n pa lang naramdaman ko na ang maaari niyang sabihin.

Tinititigan niya ako nang malalim. May lungkot sa mga mata niya. Umiling-iling siya sa akin habang pinipigilan ang damdamin.  "You shouldn't fall for me," tiim-baga niyang sinabi.

Napa-awang ang labi ko sa narinig. Hindi ako makapaniwala. Akala ko pa naman nang maramdaman kong ngumiti siya sa gitna ng paghahalikan namin ay sinasabi niya na gusto niya rin ako, ngunit mukhang ang labi ko lang ang nagustuhan niya at hindi ako.

Ang pag-response niya sa halik ko ay hindi ibig sabihin na pareho kami ng nararamdaman. Do'n ko lang din na-realize na hindi sa lahat ng pagkakataon ay gano'n ang ibig sabihin.

Lumaylay ang dalawa kong balikat habang pinipigilan na umiyak sa harapan niya. "Naiintindihan ko," mahina kong sabi. Muntik pang mabasag ang boses ko.

"You shouldn't fall for me, Zhyna," pag-uulit niya dahilan para mapapikit ako sa sakit ng dulot ng mga salita niya.

Gusto ko siyang suntukin dahil inulit niya pa talaga sa harapan ko na mas lalong nagpasikip ng dibdib ko sa sakit. "Marunong akong umintindi, hindi mo na kailangan ulitin." Ngumiti ako sa harapan niya ngunit nasisiguro ko na hindi nakatakas ang pait ro'n.

Marahil ay mahalaga pa talaga sa kaniya ang ex niya, kaya hindi niya pa magawang magmahal ulit.

"Pero, bakit ganon? Bakit lahat ng galaw mo ay may ipinapahiwatig? Bakit kahit hindi mo sinasabi pakiramdam ko gusto mo rin ako?" Hindi ko na napigilan pa ang magtanong sa kaniya at pagdudahan ang bawat kilos at ginawa niya para sa akin.

"O sadyang, ako ang may kasalanan talaga at binigyan ko ng meaning ang bawak kilos mo? Ang bawat paghawak mo sa kamay ko? Ang bawat salita na pinapadama mo sa akin na mahalaga ako? Na kasing-ganda ko ang mga bituin? Na kasingliwanag ko ang buwan?" Hindi ko na napigilan pa ang sarili at tuluyan na ngang tumakas ang mga luha sa aking mga mata.

"Zintony, bakit? Bakit hindi ako pwede ma-in love sa'yo? Eh, na in love na nga ako, nahulog na ako, Zintony, hindi pa rin pwede?" Pakiramdam ko tuloy nagiging desperada na ako.

Someone Holds Me (Part 1 of Someone Trilogy)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon