Isang malakas na tunog ng nanggagaling sa aking phone ang nagpagising sa akin mula sa mahimbing kong pagkakatulog.
Kinapkap ko sa ibabaw ng table na katabi ng kama ko ang kanina pang nag-r-ring na phone habang nakahiga ako at hindi pa mulat ang aking mga mata.
"Hmm," bungad ko sa phone na nananatili pa rin nakapikit.
[Zhy! Good morning!] Mediyo nailayo ko pa ang phone ko sa tainga ko sa sobrang lakas ng boses niya.
"Tss. Aga-aga ang hyper mo."
[Parang hindi ka naman nasanay! Teka? Kagigising mo lang ata?]
"Hmm," walang ganang tugon ko sa kaniya.
[Tumayo ka na! Marami ka pang gagawin sa office. Maghilamos ka sabayan mo na rin ng toothbrush, ha kasi ang baho na ng hininga mo,] pang-aasar niya sa akin na akala mo naman talaga naaamoy niya sa kabilang linya ang hininga ko.
Napahinga tuloy ako sa sariling palad.
Hindi naman!
[After mo sa work labas tayo, ha! Ilang araw na lang Christmas na, Zhy!] dagdag niya na tila kinikilig.
Oo nga pala, ilang araw na lang Christmas na. Napabuntong-hininga ako and my anguish eyes looked down for disappoinment.
[Zhy. Nandiyan ka pa?]
"Hmm. Sige. Maglagay na tayo ulit ng christmas tree sa bahay niyo. Mag-half day na lang muna ako ngayon." Tumayo ako para mag-ayos ng sarili.
[Okay. See you, Zhy! Merry Christmas!]
"Sa'yo din." Narinig ko naman na bumuntung-hininga siya sa kabilang linya.
[Sige-sige na. Bye.]
Ibinaba ko na ang cellphone ko. Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa banyo bitbit ang tuwalya at matamlay na naligo.
After kong naligo at nag-almusal. Ini-start ko nang paandarin ang makina ng kotse ko papasok sa trabaho.
Halos lahat ng nadadaanan kong ka- katrabaho ko ay abala sa kanilang mga ginagawa, lalo na ngayon dahil magpapasko na.
Ang aga-aga pero mukha na silang isang linggong hindi nag-aayos ng sarili. May mga nakita akong nakakunot na ang noo na konti na lang magdidikit na ang kilay, mga nakapangalumbaba na dahil sa pagod at tinatamad nang gumawa at may mga nakita rin ako na lakad dito, lakad doon na hindi ko alam saan ang patungo. Hindi na ako magtataka kung mamaya isa na rin ako sa kanila.
Inupuan ko na lahat ng trabaho ko nang makarating ako sa office.
Nagsimula na akong mag-type at mag-search sa laptop ko. Nagisip-isip din kung anong magandang marketing plan ang dapat na maisakatuparan para maging successful ang project namin.
Hanggang sa dumating ang alas-dose ng hapon. Hinilot ko muna ang batok ko atsaka ito marahan na ginalaw-galaw dahil mukhang nag-contract ang mga muscles ko.
Tumingin ako sa maliit na salamin na nakapatong sa table ko. Losyang na. Mediyo magulo na ang nakalugay kong buhok kaya tinali ko na ito at inayos ang sarili ko. Nag-retouch lang ng kaunti at naglakad papuntang elavator pababa sa ground floor.
Nang makalabas na ako ng building, nakita kong nag-wave ng kamay si Diana mula sa labas na nakasandal sa kotse niya habang ang lawak ng ngiti.
"Let's go?" tanong niya sa akin nang tuluyan akong makalapit sa kaniya.
"Hmm." Sabay tango and I gave her a closed-mouthed smile.
Tahimik lang kami nang makarating sa mall. Nag-uumpisa na rin kaming mamili ng decorations para sa christmas tree na gagawin namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/82814544-288-k362064.jpg)
BINABASA MO ANG
Someone Holds Me (Part 1 of Someone Trilogy)
Любовные романыCOMPLETED | Mag-isa lang sa buhay si Zhyna Xyrille Montejo kaya sanay na siyang makaramdam ng lungkot, masaktan at umiyak nang mag-isa. Kumbaga, bugbog na siya sa hampas ng alon ng buhay. Pero dahil independent siyang babae, pinipilit pa rin niyang...