Chapter 46

72 4 9
                                        

Ilan araw pa akong nanatili rito sa hospital pagkatapos kong magising. Pakiramdam ko ay malakas na ako kumpara noong mga ilang araw. Sabi ng doctor bukas na bukas din daw ay pwede na akong umuwi.

"Say, ah," sabi ni Zintony habang hinihintay na buksan ko ang aking bibig. "Nangangawit na ang kamay ko, love. Dali na," reklamo niya na tila ikinatuwa ko pa.

"Ayoko," pag-iinarte ko. Nagbuga naman nang malalim na hininga itong si Zintony. "Pagod ka na ba sa akin?" mabilis na tanong ko.

Mabilis din siyang nag-ayos ng upo sabay iling ng ulo. "Hindi, love. Hindi ako mapapagod sa'yo. Sige, kung ayaw mong kumain. Ako na lang kainin mo."

Namilog agad ang aking mga mata habang siya naman ay tumawa-tawa. "Kailan pa naging marumi ang bibig mo?" Bagamat may inis sa aking tono pero hindi ko rin naman maitatangging natatawa ako kung paano siya magbiro.

Si Zintony ba talaga 'to? Napailing-iling na lamang ako.

Sa paglipas ng bawat araw, si Zintony lang talaga ang nagbabantay sa akin. Minsan nga ay wala siyang tulog para lang mabantayan ako nang maayos. Ang sabi sa akin ni Diana simula nang ma-comatose ako ng isang buwan si Zintony na talaga ang nagbabantay sa akin kahit na siya mismo ay hindi pa maayos ang kalagayan mula sa pagkabaril din mula kay Luther.

"How are you, love?" Sabay punas ng bibig ko.

"Is that our endearment before?" Nakatingin kong tanong sa kaniya. Kuminang naman ang kaniyang mga mata.

"Yeah," gumuhit sa kaniya ang isang napakagwapong ngiti. "And I want that endearment forever."

Nakaramdam ako ng pagsakit ng ulo. Saglit ko lang din naman itong naramdaman. Pero araw-araw akong inaatake nito. Sabi ng doctor dahil daw iyon sa pagkakaroon ko ng amnesia.

Naramdaman kong dumapo ang kaniyang tingin sa aking labi. "No. Hindi pa ako nag-tu-toothbrush," pagtanggi ko. Siya naman ay natawa bigla. Hindi ko pinahalata ang muling pagsakit ng ulo ko dahil sigurado lang na matataranta na naman siya.

"You want me to kiss you?" panunuksong sabi niya at dahan-dahan na lumapit sa akin. Todo iwas naman ako sa kaniya.

"Zintony," binigkas ko ang pangalan niya nang may diin. Tila binabawalan siya pero sa loob-loob ko gusto kong magpatuloy lang siya sa pang-aasar sa akin hanggang sa bumigay ako.

"Alright then."

At doon na nga ako napasimangot. Hindi man lang nagpumilit. Tsk.

"Why you look so disappointed?" Naroon na naman ang tono ng panunukso niya.

"Why you so good in teasing me?" asik ko naman sa kaniya.

"I love you so much," sabi naman niya habang ang laki ng ngiti sa kaniyang mukha.

Tumalikod siya sa akin at naglakad papuntang lababo upang hugasan ang mga pinagkainan namin.

Naisipan kong tumayo sa aking higaan at dahan-dahan na nagtungo sa kaniyang kinatatayuan. Pinadausdos ko ang aking dalawang braso sa kaniyang tiyan at yumakap sa kaniya nang mahigpit.

Naramdaman ko na nagulat siya sa ginawa ko. Mabuti na lang talaga at matangkad siya sa akin at naitatago ko ang itsura ko kahit papaano.

"Why are you doing this to me?"

Lumuwang ang pagkakayakap ko sa kaniya dahilan para magawa na niyang humarap sa akin. Naiinis ako. Ayaw ba niya ng ginawa kong pagyakap sa kaniya? Tsk. Kung ayaw niya, edi huwag.

Kaya naman tuluyan ko nang inalis sa kaniyang baywang ang aking mga braso at naiinis na tinalikuran siya.

"Love!" tawag niya pero hindi ko siya pinansin. Nagtalukbong lang ako ng kumot nang makahiga ulit ako sa kama ng ospital. Mabuti na lang talaga at private room ito kundi pinagtitinginan na kami sigurado ng mga karoom-mate namin. Tsk.

Someone Holds Me (Part 1 of Someone Trilogy)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon