Chapter 15

236 129 33
                                    

Zhyna's Point of View

Kinabukasan, maaga akong nag-ayos ng sarili para sa meeting ko together with the architect.

Kumatok mula sa labas ng pintuan si Cheena.

"Ma'am, Architect Yulo is already downstairs," wika nito sa labas.

"Okay, susunod na." Inilagay ko lang ang isang pares ng hikaw ko at lumabas na ng kwarto. 

Nakasuot lang ako ng black slacks, white sando sa loob at naka-black na coat, suot-suot ang katamtamang taas ng hills. Inilugay ko rin ang kulay brown kong buhok.

Pagkasakay ko ng elevator, tahimik lang kami ni Cheena sa loob pero ginugulo ni Zintony ang isip ko. Wala akong nagawa kundi makisakay sa mga tumatakbo sa isipan ko. Hindi ko matukoy saan nanggagaling ang mga 'yon pero nagagawa no'n pagaanin ang kalooban ko. Pagkabukas ng elevator ay bumungad na sa akin ang isang lalaki na nakaupo sa dining area at mabilis na tumayo para salabungin ako.

May katangkaran siya, makisig ang dating. Nasa mid-twenties din siya katulad ko. Napaka-formal niya sa suot niya at ang linis niyang tingnan dahil sa gupit ng kaniyang buhok.

Naririto na rin sina Diana, Ms. Chu and si Cheena habang ang iba naming kasama ay nasa Molo na.

Nang makarating ako ay inilahad ko ang aking kamay, "I'm Zhyna Xyrille Montejo."

Kinuha naman niya ang kamay ko. Nakipag-shake hand din siya sa akin at nagpakilala, "Architect Justine Alejandro Yulo."

Minsan na akong namangha sa kaniya noon nang makita ko ang history background niya at isa siya sa mga Young Architect Awards Winners noong 2018 sa American Institutes Architect.

"Take a seat." At ganoon nga ang ginawa niya.

Sinimulan na rin namin agad ang pag-uusap. Mayroon siyang pinakitang blueprint at ganoon na lamang ako namangha, ganoon din ang mga kasamahan ko. Habang pinapaliwanag niya ang bawat design ng infrastracture. Wala kaming tanging nagawa kundi ang sumang-ayon lamang sa kaniya dahil ang ganda ng ideas niya.  

Mas nahuhumaling pa kaming marinig ang kaniyang paliwanag dahil masyado siyang magaling magsalita na siguradong makukumbinsi ka niya sa gusto niyang mangyari.

May isang bagay lang ang hindi ako nagiging komportable sa kaniya, ito ang pakiramdam na parang gusto niyang kuhanin nang matagal ang atensyon ko. Iba rin ang sinasabi ng mga mata niya sa tuwing titingnan niya ako. Hindi naman sa masamang paraan pero parang may gusto siya sa akin. Mukha naman siyang mabait pero malay ko ba na baka nasa loob ang kulo.

Pero imbis na pansinin ko 'yon ay binalewala ko na lamang ito at mas lalong nag-focus sa sinasabi niya habang nakatingin sa tinuturo niya sa blueprint para maunawaan ko ang design ng restaurant.

"That was awesome, Architect. How did you do that?" namamanghang tanong ni Diana sa gitna ng pag-uusap.

Nahihiya namang ngumiti ang architect bago nagsalita, "For me to have a better outcome, I always think that the value of what I do is more than just the nice photos. It is also the experience I provide and the depth of meaning I wanted to express."

"Bravo, Architect Yulo!" sabi ni Diana kasabay ang maingay na palakpak. Pinanlakihan ko naman siya ng mata para pahintuin siya sa kaniyang ginagawa. Bumalik din naman siya agad sa kaniyang maayos na pagkaka-upo.  Anak 'yan ng CEO pero hindi halata. 

Kahit kailan talaga, Diana.

Napabuntong-hininga na lang kaming dalawa ni Ms. Chu habang ang architect ay patuloy pa rin sa pagngiti.

Muli na naman akong tiningnan ni Architect Yulo kasabay ng pagngiti niya. Lumalim tuloy ang dimple niya. Hindi ko tuloy alam kung anong ipapakita kong reaksyon sa kaniya.

Someone Holds Me (Part 1 of Someone Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon