Chapter 28

67 26 25
                                    

"I really miss you."

Binaba ni Zintony ang paningin sa batang nakayakap sa kaniyang binti. Umupo siya sa sahig para masabayan ang tangkad ng batang babae.

"I really miss you, Lyra," pag-uulit niya nang nakangiti at ang paningin ay tutok ngayon sa paningin ng bata.

Gano'n na lamang lumuwag ang pagsikip ng dibdib ko. Gano'n na lang din natunaw ang yelong namuo sa buong katawan ko.

Sa sobrang kabang idinulot ng mga salitang 'yon sa akin na pinagkamalan kong sa akin niya sinabi ay kulang na lang ay mawalan na talaga ako ng hininga.

Mabuti na lamang at hindi  iyon para sa akin.

Napabuntong-hininga ako nang malalim. Pilit na inilabas ang kaba sa aking puso.

"Ate!" Muling nabaling ang atensyon ko sa batang si Cygnus na kumakaripas na naman ng takbo papunta sa pwesto ko.

Kasalukuyan akong nandito sa hallway. Nagpapahangin. Habang si Zintony ay may inaasikaso sa loob ng office ng orphanage.

"Oh, Cygnus. Watch your steps," I said habang natataranta ako sa pagtakbo niya.

Napaka-cute talaga ng batang 'to. May katabaan kasi kaya makikitaan mo ang malapit ng sumabog niyang mga pisngi.

Pero parang may mali.

"Ate, okay ka lang po ba diyan?" Napakainosente ng kaniyang mukha. Walang halong pagpapakitang-tao ang kaniyang pangangamusta sa akin na ikinagalak ng sobra ng puso ko.

Lumuhod ako para magpantay ang paningin namin. "Huwag mo ako alalahanin, Cygnus. Okay lang si ate." Then I smiled to him. He smiled back.

Napa-cute talaga niya.

Pagkatapos kong sabihin 'yon ay binigyan niya muna ako ng mahigpit na yakap at kumaripas muli ng pagtakbo papunta sa mga kalaro niya.

Masaya ko siyang pinagmasdan. Napadaan pa ang paningin ko sa mga batang kasama niya.

Napakainosente ng mga mukha ng mga batang 'yon. Hindi mo sila makikitaan ng problema. Nang kahit na anong pagsisisi sa kanilang mukha kahit na dumaan sila sa mahirap na pamumuhay bago sila napunta rito.

My insecurity hits me again. Lahat sila alam ang nangyari sa buhay nila, samantalang ako? Nabubuhay na lang ako para makabuo ng panibagong mga ala-ala.

"Masayahing bata si Cygnus."

Nilingon ko ang nagsalita and it was Tita Talya.

"Halata nga po," I replied.

"Cygnus is a dwarfism." Ang paningin niya ay na kay Cygnus. May pait sa kaniyang ngiti.

I was shocked when I heard that Cygnus is a dwarfism. Kaya pala parang may mali sa kaniya. Malaki ang kaniyang ulo pero hindi normal ang laki ng kaniyang mga binti at mga kamay.

Namuo tuloy ang lungkot ko para sa bata.

"A dwarfism who got bullied in his previous school." Napabuntong-hininga si Tita Talya habang ang paningin ay nananatili pa rin sa masayang bata na nakikipaghabulan sa kaniyang mga kalaro.

"A dwarfism who tried to kill himself," dagdag pa niya na mas lalong nagpagulat sa akin.

Sa pagkakataon na'to ay sinulyapan ako ni Tita Talya bago ibinalik ang paningin kay Cygnus. "In a young age, he already experienced depression, Zhyna. He was really upset. Sa sobrang pambu-bully sa kaniya ng mga kaklase niya, even his family ang nagtulak sa kaniyang magpakamatay..."

Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib dahil sa narinig. I can't imagine a kid trying to kill himself. I can't imagine to see a kid taking suicide. Nakakasakit ng puso.

Someone Holds Me (Part 1 of Someone Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon