One month after...
"Is everything okay?" Balisa sa pag-aayos si Ate Vanessa ng buong bahay kahit naman ang dami niyang katulong dito.
"Yes, ma'am," sabay-sabay na sagot ng mga katulong.
Sobrang ganda ng preparasyon ni ate para sa pagdating nina mommy and daddy. Kailangan ba talagang maraming petals ang nakakalat sa sahig? Kailangan ba may red carpet talaga? Tapos may red back-ground ba na nakaayos? Ang daming bulaklak pa. Halos red roses lahat. Napaka-engrande naman nito.
Bigla tuloy akong kinilig nang maalala na binigyan ako ni Zintony ng isang boquet ng red roses nong birthday ko noon.
"Zhyna, mag-ayos ka na," utos sa akin ni Ate Vanessa.
Isang buwan na rin ako rito sa bahay niya nakatira. Pagkatapos ko talagang ma-confine diniretso niya talaga ako rito para alagaan.
Sobra akong namangha noon kung gaano kalaki ang bahay niya. Napakaayos at napakalinis. Halata na masyado siyang maselan pagdating sa gawaing bahay. Wala kang ibang makikitang kulay sa bahay niya kundi puti lamang at kulay kayumanggi.
"Zhyna, suotin mo 'to," Inabot niya sa akin ang isang napaka-eleganteng dress.
"Ang ganda," namamanghang sabi ko.
"Para sa'yo talaga 'yan. Pinasadya ko noong isang buwan pa," nakangiti niyang sabi sa akin atsaka niya marahan na tinapik ang braso ko.
Mabilis naman akong nagpunta sa silid ko. Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala sa laki ng kwarto dahil isang silid pa lang ito pero mukhang nalamangan niya ng doble ang laki ng k'warto ko sa dati kong bahay. Feeling ko nga isang bahay na 'tong silid na ito, e.
Dali-dali akong naligo at nag-ayos ng sarili. Sakto lang ang dress sa akin nang maisuot ko. Feeling ko mas lalo akong naging elegante sa dress. Kumikinang naman ang kwintas na suot ko na nanggaling pa kay Zintony.
Bigla tuloy akong nakaramdam ng lungkot sa puso ko dahil isang buwan ko na rin siyang hindi nakikita. Napag-usapan kasi nila na hahayaan muna nila kami ni Ate Vanessa na magkakilala pa nang husto. Noong una sobra akong naiilang pero habang tumatagal na kami ang magkasama nagiging komportable na rin ako sa kaniya. Ganoon din siya sa akin.
Nawala ang malalim na pag-iisip ko nang marinig ko ang marahang pagkatok sa aking pinto at iniluwa niyon si Ate Vanessa. Napakaganda niya sa kaniyang suot. Kulay light violet na dress ang kaniya na bumabagay sa kaniyang maputing kutis. Ang dress ko naman ay kulay light blue.
"Ready ka na ba?" nakangiting bungad sa akin ni ate.
Tumango naman ako sa kaniya at nakangiting nagbuntong-hininga. Lumapit siya sa akin at hinaplos ang aking buhok.
"Napakaganda mo." Nakita ko kung paano namuo ang kaniyang luha.
"Bakit ka umiiyak ate? Dadalaw lang naman dito sina mommy and daddy," naguguluhan na sabi ko pero ngiti lang ang isinukli niya.
Naglakad siya papuntang kama at doon naupo.
"Ang tagal kong hinintay ang oras na 'to, Zhyna. Kahit hindi na maibabalik ang mga ala-ala mo, ang importante isa sa atin may nakaka-alala. Alam mo ba na itong k'warto na 'to ang mas lalong nagpalapit sa ating dalawa?"
Namuo ang ngiti sa labi ko. Ito ang paborito kong kinukwento ni ate sa akin. Ang mga ala-ala namin dalawa kasama ng mga taong mahal namin sa buhay. Naupo ako sa upuan na malapit sa akin at nakangiting nakikinig sa kwento niya.
"Takot ako lagi matulog na mag-isa kaya lagi tayong magkatabi matulog tapos ang paa mo nasa leeg ko, ang paa ko naman nasa tiyan mo." Bigla kaming nagtawanan.
![](https://img.wattpad.com/cover/82814544-288-k362064.jpg)
BINABASA MO ANG
Someone Holds Me (Part 1 of Someone Trilogy)
RomanceCOMPLETED | Mag-isa lang sa buhay si Zhyna Xyrille Montejo kaya sanay na siyang makaramdam ng lungkot, masaktan at umiyak nang mag-isa. Kumbaga, bugbog na siya sa hampas ng alon ng buhay. Pero dahil independent siyang babae, pinipilit pa rin niyang...