Chapter 23

117 42 20
                                        

Zhyna's Point of View

Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon ni Daina sa gilid n g kalsada. Pinapakiramdaman namin ang bawat ingay na nanggagaling sa paligid namin.

Ingay ng mga sasakyan, mga kwentuhan ng mga taong nadadaanan namin, mga ingay ng bawat store na nalalagpasan namin.

Kung kanina'y tila napakatahimik ng lugar, ngayon naman kung saan kami napadpad ay kabaliktaran nito.

Nag-roadtrip kami ni Diana pagkatapos namin mag-usap. Pinili namin na pagaanin ang nakakalungkot na atmosphere namin kanina. Nang makahanap kami ng magandang view para maglakad-lakad ay iniwan na muna namin ang sasakyan niya sa isang safe na lugar at sabay kaming nag-ikot-ikot sa lugar. 

Hindi ko alam kung bakit ganito na lang kasaya ang nararamdaman ko nang mailabas ko ang matagal nang tumatakbo sa isipan ko. 'Yong bigat na palagi kong nararamdaman mag-isa. Ang hirap makaramdam ng lungkot kapag wala kang taong mapagsabihan at ngayon ko lang talaga naramdaman ang gaan kahit papaano.

Totoo nga pala ang sinasabi ng karamihan na kapag inilabas mo 'yong sakit na nararamdaman mo, kaginhawaan naman ang kapalit nito.

Magaan sa pakiramdaman. Pakiramdam ko may kapayapaan na namuo sa puso ko. Sa ilang taon kong itinatago ang sakit at sugat nitong puso ko ay sigurado naman ako na patuloy na itong maghihilom.

Nagpapasalamat naman ako dahil nakinig sa akin si Diana. Nakinig siya at dinamayan ako. Iyon din ang mas lalong nagpasaya sa akin ngayon.

"Thanks, Diana," saad ko habang patuloy pa rin kami sa paglalakad.

Nakita ko mula sa gilid ng aking mga mata ang paglingon niya. Narinig ko pa siyang natawa nang marahan. "Wala 'yon. Kaibigan nga tayo 'di ba?"

Nilingunan ko siya at ganoon na lang ang ngiti sa labi niya. "Bakit ka naman gan'yan makangiti? Nako, Diana, alam ko na 'yan," pang-aasar ko sa kaniya.

Tumawa naman siya nang malakas. "Hoy! Lalaki ang gusto ko, 'no! Masyado ka, ha." At ako naman ang natawa.

"'Yan dapat gan'yan. Dapat tumatawa ka rin paminsan-minsan," wika niya sa akin ng may ngiti sa labi.

"Bakit? Lagi naman akong tumatawa, ah."

"Tumatawang pilit? Oo siguro." Atsaka siya nagkibit-balikat.

"Baliw." I shooked my head.

Minsan pa muna kaming binalutan ng isang napaka-komportableng katahimikan. Sa sandaling lumipas, nagsalita muli si Diana.

"Thanks, Zhy. Salamat sa tiwala. Alam ko naman na sa bawat detalye ng buhay mo, napaka-private pero hinayaan mo pa rin na i-share sa akin."

"Bakit naman hindi? Ikaw na nga ata ang best friend ko." Napatigil si Diana sa kaniyang paglalakad kaya naman pati ako ay nahinto rin. "Bakit, Diana?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Totoo? Best friend mo ako?" Hindi makapaniwalang wika ni Diana. Medyo nagtaka pa ako kung bakit siya nagulat.

Ang pagkakaalam ko ay minsan ko nang nabanggit 'yon sa kaniya.

Tumango naman ako sa kaniya. Sa pagtango ko ay ang mabilis na pagyakap niya sa akin. "Totoo ba ang sinabi mo, Zhyna?" Narinig ko pa ang mahina niyang pag-iyak.

Ihiniwalay ko ang sarili niya sa akin. "Oo. Best friend naman tayo 'di ba?" Nakita ko ang malaking ngiti sa kaniyang mukha.

"Oo naman! Hindi ko lang expect na best friend pala talaga ang tingin mo sa akin. Akala ko kasi nagbibiro ka lang."

Pinalo ko naman ang braso niya. "Paano mo naman nasabi?"

Pinunasan niya ang kaniyang pisngi na may mga luha. "Una, ang sungit-sungit mo sa akin na dapat ay ako ang nagsusungit."

Someone Holds Me (Part 1 of Someone Trilogy)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon