Chapter 39

62 7 19
                                        

"Gusto mo talaga ako?" paulit-ulit na tanong ko kay Zintony habang hindi nawawala ang ngiti sa aking labi.

Hindi talaga ako makapaniwala. Ang dati na ako lang ang may nararamdaman ngayon ay mutual na.

Habang naglalakad kami ni Zintony papasok sa loob ng bahay, ipinatong niya ang kaniyang kaliwang braso sa aking balikat kasabay nito ang paglapat ng kaniyang labi sa ibabaw ng aking ulo. "Hindi lang gusto, gustong-gusto," he said while his brown eyes sparkling at me.

Kung ilan beses ko 'yon tinanong, ganoon din niya paulit-ulit na sinabi ang sagot niya na tila hindi nagsasawa .

Hindi ko tuloy magawang alisin ang ngiti sa aking labi. Tumatalon ang puso ko sa nararamdaman na kasiyahan. Pakiramdam ko bumalik ako sa pagiging bata dahil sa simpleng mga galaw at pagtitig lang ng kaniyang mga mata ay ang laki na agad ang naibibigay niyang kaligayahan sa sistema ko.

"Mukhang nagawang gibain ni Zintony ang pader, ha." Nanunuksong mga mata na bungad sa amin ni Dave nang makapasok kami nang tuluyan sa kanilang bahay.

Tinapik naman ni Zintony ang balikat ni Dave at sabay naman kaming naupo ni Zintony sa kabilang couch.

Umawang naman ang labi ni Diana sa nakikita. "Ano 'yan? Bakit may pa-holding-holding hands na?" Bagama't may pagtataka sa kaniyang mukha ay hindi nito nalamangan ang pinapakitang saya niya para sa amin ni Zintony.

Mabilis ko naman tinanggal ang kamay ko na nakasukob sa kamay ni Zintony. Bigla akong nakaramdam ng hiya sa mga nakakakita sa amin dahil hindi ako sanay na may humahawak sa aking kamay.

Lumaki naman ang kaniyang singkit na mga mata at sabay na gumuhit ang nakakalokong ngiti. "I'm courting her." Mas lalong lumawak ang kaniyang ngiti nang sabihin niya ang mga katagang iyon sa harap nina Diana habang nasa akin naman ang kaniyang paningin.

Kinuha niya ulit ang kamay ko para ikulong ang mga daliri niya sa akin.

"Ano ba'ng ginagawa mo?" pabulong na angal ko kay Zintony pero hindi man lang siya nagpatinag at mas lalong niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko na tila ba'ng ayaw na akong bitawan pa.

"Oh my adobong baboy! Ang sweet!" sigaw ni Diana habang ag kaniyang palad ay nakadikit ngayon sa kaniyang pisngi. "Why you look so really bagay? Nakakainis. Kinikilig ako!" dagdag niya pa.

"Kailan ka pa naging conyo?" natatawang tanong ko sa kaniya.

Marahan siyang tumawa atsaka siya tumingin sa akin nang masama.

Lumaki bigla ang aking mga mata nang mapagtanto na sobrang lapit ng mukha ni Zintony sa akin. "We're bagay. Sobrang bagay," pabulong na aniya.

Tila huminto ang tibok ng puso ko dahil sa tono ng boses ni Zintony. Napakahusky. Ang sarap sa tainga ng boses niya sa mahinang paraan na akala mo'y inaakit ka pero natural lang naman talaga.

"Finally, umamin ka na rin, bro." Tinapik ni Dave ang balikat ni Zintony na animo'y proud na proud sa kaibigan. Tinawanan lamang siya nito.

Nilingon naman namin ni Diana si Dave at takang nagtatanong gamit ang aming mga titig.

Naging salit-salit naman ang tingin sa amin ni Dave. Then he threw back his head and let out a loud, humorless laugh. "Nice one, bro. You're really good at hiding your true feelings. Hindi nila nahalata!"

Biglang kumabog ang puso ko. Nagdulot sa akin ang sinabi ni Dave nang hindi malamang pakiramdam. Kilig na may halong saya na may halo rin pagtataka, na may pagka-ackward? Basta halo-halong pakiramdam.

Anong ibig sabihin ni Dave sa hindi namin nahalata? Ano ang tinutukoy do'n ni Dave?

Nakabaling lang ang atensyon ko kay Zintony habang siya naman ay naging seryoso sa pagtitig sa akin pero kalaunan din naman ay ngumiti.

Someone Holds Me (Part 1 of Someone Trilogy)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon