Chapter 42

53 6 18
                                    

Zhyna's P.O.V.

"Have a sweet dreams, love," nakangiting sabi ni Zintony sa akin atsaka niya hinalikan ang noo ko.

Nakagat ko ang ibabang labi. Hindi ko mapigilan na hindi mapangiti.

After ng maiksing selebrasyon para sa pag-alis ni Dave bukas ay nag-insist siya na ihatid ako rito sa bahay.

"You okay here? Or do you want me to be with you this night?"

Lumaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Mabilis ko naman winagayway ang dalawa kong kamay sa harap niya at saka umiling-umiling.

"No, I'm okay here," nahihiya kong sabi habang umiling-iling pa rin.

Hindi magandang idea 'yon, Zintony...

"Sure?" nakangisi niyang tanong.

Tumango naman ako bilang tugon.

Hinila niya ang baywang ko dahilan para mas lalong maglapit ang katawan namin sa isa't isa. "Alright, then, I'll pick you up tomorrow by 5:30 A.M."

Hindi ako makahinga nang maayos sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin. "Kailangan ba talaga ganito tayo kalapit sa isa't isa?" Sinikap kong hindi mautal.

Narinig ko ang marahan niyang pagtawa dahilan para mas lalong kumabog ang puso ko.

Napakapogi talaga niya sa kaniyang ngiti. Kusa nitong kinukuha ang atensyon ko. Tapos mas lalong nagpapalakas ng dating niya ang mahaba niyang buhok sumasabay pa roon ang ganda ng kaniyang mga mata. Bagay na bagay sa kaniya.

Hindi niya ako sinagot. Ang kaniyang singkit na mga mata ay matamang nakatingin sa aking mga mata, pababa sa aking ilong at huminto ito sa aking labi.

"Hey, hey..." pagbabawal ko sa kaniya.

Muli na naman siyang tumawa-tawa para pasikipin muli ang dibdib ko. Hindi man niya inalis ang paningin sa akin. "You're so really beautiful, Zhyna Xyrille Montejo..."

Nararamdaman kong umiinit ang mukha ko dahil sa sinabi niya kasabay nito ang lalong pagbilis ng kabog ng puso ko. Kaya naman mabilis ko rin yinuko ang aking mukha para hindi niya makita ang pamumula ko.

Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdaman. Napakasarap mapakinggan ang ganoong klaseng mga salita lalo na kung galing sa taong mahal mo. 

"Nobody should hurt you, Zhyna.  Whoever dares to hurt you, will receive hell punishment. I'll protect you no matter what happens. I promise. "

Sa pagkakataon na 'yon, sa pagpikit ko, inaasahan ko ang malambot niyang labi sa sarili kong labi pero naramdaman ko na lang na dumampi ito sa aking noo.

"I'll kiss your lips again kapag tayo na talaga..." Atsaka siya ngumisi na tila nang-aasar. "I love you, Zhyna. I really do," dagdag pa niya.

Walang lumalabas na mga salita sa bibig ko. Tanging kasiyahan lang ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko napakasaya ko sa araw na 'to, sinasabayan pa ito ng napakabango niyang amoy. Mas lalo nito akong pinapakilig.

Pero unti-unti rin 'yon nawala nang maalala ko ang nabasang sulat ni Luther.

'Sulitin mo na ang pagiging masaya mo dahil ito na ang huling pagkakataon na makikita ka ng iyong mga kaibigan na nakangiti.'

Pero ganunpaman, sinikap ko na hindi iparamdam kay Zintony ang pangamba ko.

"I'll pick you up tomorrow by 5:30 A.M. Is that okay with you?" masayang sabi ni Zintony.

Mabilis akong tumanggi. "Sasabay ako kay Diana bukas."

"Okay, then. Good night, love. Sweet dreams." Muling dumapo ang labi niya sa aking noo dahilan para mapapikit ako atsaka na siya naglakad papasok sa kaniyang kotse.

Someone Holds Me (Part 1 of Someone Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon