Fight #38: Clue

94 2 0
                                    

Sizzi's Punch

Napatingin ako sa orasan. 12:21 AM na pala.

Hindi pa ako inaantok!

Kaya nga ako nanood ng Uta no Prince-sama para antukin ako kaso waepek naman.

Episode 9 pa lang ako no'ng Season 1.

Haba ng hair no'ng bida. May gusto lahat sa kanya 'yong anim na lalaki. Huwaw.

Himala nga at nabuhay pa ako matapos ng nangyari kanina. Grabe. Sobra si Mama at Tita Trizel. Pambihira.

Pinagpipilitan ba naman na may relasyon kami ni hinayupak.

Labo sa sabaw ng pusit.

Binuklat ko ang sketch pad ko. Mapupuno na naman.

Ang dami ko nang nakatagong sketch pad na may drawing ko eh.

Ito na ang nagsilbing diary ko. Tamad kasi akong magsulat kaya dino-drawing ko na lang.

Medyo matino naman ang drawing ko. Hindi drawing elementary gaya ng pang-aasar ni hinayupak kanina.

Buti na lang talaga at hindi niya ito nabuklat. Marami siyang malalaman na hindi niya dapat malaman.

Napahinto ako sa isang drawing ko.

Sino kaya ang tatlong taong ito? Hindi ko na kasi tanda ang itsura nila kaya naman walang mukha 'yong tatlo rito.

Matagal na naman kasi 'yon. Pero ang tatlong batang ito ang dahilan kung bakit sumasakit pa rin hanggang ngayon ang balakang ko.

Itulak ba naman ako ng malakas para malaglag ako sa swing. Sa pagkakatanda ko, wala naman akong kasalanan sa kanila.

No'ng araw na 'yon din ang huling araw na nakita ko siya.

Napabuntong-hininga ako. Baka nga hindi na niya ako naaalala ngayon. Ni hindi ko na nga rin maalala ang itsura niya.

Aish! Bakit ba ako nag-e-emote?




Therence's Punch

Naalimpungatan ako. 2 AM pa lang!

Isinubsob ko ang mukha ko sa unan. P*ta. Bakit nagising ako ng ganitong oras?

May narinig akong nag-uusap. Pero parang Japanese.

Nagsalubong ang kilay ko. Kailan pa nagkaroon ng Hapon dito sa condo ko? Eh dalawa lang kami ni Sizzi rito.

Tumayo ako at lumabas ng kwarto ko.

Bukas ang TV. Pero tulog na ang nanonood nito.

Napangiti ako bigla. Dahan-dahan naman akong lumapit para patayin ang TV at DVD player.

Lumapit naman ako kay Sizzi. Tinitigan ko ang mukha niya. Ang peaceful niyang tingnan. Huwag mo nga lang gigisingin.

Pagkatapos ng ilang minutong pagtitig ko sa kanya ay napagdesisyunan kong dalhin na siya sa kwarto niya. Baka magka-stiff neck pa ito.

Binuhat ko naman siya in bridal style. Syempre, prinsesa ko eh. Ayaw ko siyang mahirapan.

Maingat na inihiga ko siya sa kama saka kinumutan. Hinawi ko pa ang buhok na humarang sa mukha nito at hinalikan siya sa noo.

Paalis na sana ako no'ng mapansin ko ang isang box na lalagyan ng alahas.

I didn't know na medyo mahilig pala sa alahas si Sizzi. Ni relo nga wala siya eh.

Dinampot ko ang box. Sorry Sizzi kung titingnan ko ito. Hindi ko naman nanakawin eh. Kung gusto niya, ibibili ko pa siya ng marami.

Binuksan ko ang box. At nanlaki ang mata ko no'ng makita ko ang laman nito.






Sizzi's Punch

Pagkamulat ko ng mata ko ay agad akong nagtakip ng unan.

Nakakasilaw 'yong sinag ng araw!

Pagtingin ko sa orasan ay ala una na pala ng hapon!

Buti na lang at Linggo ngayon. Walang pasok.

Nakakaramdam na ako ng gutom pero ayaw ko pang bumangon dahil tinatamad ako.

Pagbaling ko sa kabilang direksyon ay may nakita akong mesa na may pagkain!

Pang-almusal at tanghalian 'to ah!

May nakita akong sulat na nakapatong kaya binasa ko kaagad.

Hi there sleepyhead. Alam kong tatamarin kang bumangon kaya dinala ko na dyan ang pagkain mo. Eat well.

Napangiti ako. Akalain n'yong may ganitong side pala si hinayupak?

Nung binuksan ko ang cellphone ko ay may 15 messages na galing kay hinayupak. Naglalaro raw sila nina Jayzee ng basketball. Tapos nagpasama si Rica para bumili ng gagamitin sa project nito at kumain na raw ako.

Kadaming mag-send naman nito. Mayaman sa load.

Mabuti na lang at may pagkain dito. Hindi ko na kailangang tumayo.

Para man akong sira, nakangiti ako habang kumakain.

=====

Semi-edited.

Fight Until the End (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon