Fight #22: The Concert (Part 3)

120 2 9
                                    

Sizzi's Punch

"Grabe partner! Sobrang nakakamangha ang mga performances na nasaksihan natin!" Sabi no'ng lalaking MC.

"Oo nga eh! Napanganga ako do'n sa cover version ng Girls' Generation. Hindi pa ako makaget-over." Natatawang sabi no'ng babaeng MC.

Napangiti ako.

Busy 'yong nagme-make up sa pag-aayos sa akin habang nanonood ako sa screen dito sa dressing room.

"At ang next performance na mapapanood natin ay siguradong magpapatili sa mga kababaihan dito!" Dagdag ng babaeng MC. "Well, sino ba naman ang hindi? Kasali rito ang tatlong heartthrobs ng Jayden High School!"

Biglang tumili ang mga babae.

"So we will not make you wait more. Give a round of applause to our next performers!" Sabay na sabi no'ng MCs.

Lalong nagtilian ang mga babae. Oh, eh 'di sila na ang gwapo.

Maliban kay hinayupak.

Nagplay na 'yong music. Pero parang 'yong sira kasi nagja-jump. Sadya siguro 'yon.

"Because I naughty, naughty."

Biglang nagliwanag ang buong stage. Ba, SuJu pala ang ni-cover nila.

"Hey! I'm Mr. Simple
Because I naughty, naughty."

Hindi ko alam pero parang napako kay hinayupak ang tingin ko.

"Sesangi nae mam daero
Andwindago hwaman naemyeon andwae geureol piryo eobtji."

"Kyaaaaa~! Ang gwapo mo Therence!" Sigawan ng mga kababaihan.

Eh di siya na ang maraming fans.

"Geokjongdo paljada jakeun ire
Neomu yeonyeonhaji malja mome jeojhi anha."

"Go Jayzee! Sheeet! Akin ka na lang!"

"Songjeoki johattdaga nabbatdaga geureon geoji mwo-heung!
Shiljeoki ollatdaga
Daerojyeotda geureon daedo ittji."

"Clark~! Ang gwapo mo!'

Hindi ba nauubusan ng isisigaw amg mga babaeng ito?

"Bwara Mr. Simple, Simple keuttae-neun keuttae-neun keuttae-ro meotjyeo
Bwara Miss-seu Simple, Simple keuttae-neun keuttae-ro yeppeo
Bwara Mr. Simple, Simple keuttae-neun keuttae-neun keuttae-ro meotjyeo
Bwara Miss-seu Simple, Simple keuttae-neun keuttae-ro yeppeo."

Nakakaasar si hinayupak. Pa-cool magperform. Tsk.

"Bakit ang pula agad ng pisngi mo? Hindi ko pa nailalagay itong blush on." Sabi no'ng nagme-make up.

Nanlaki ang mata ko. Pakiramdam ko ay mas lalong pumula ang mukha ko.

Sinundot niya ang tagiliran ko. "May iniirog ka sa mga nagpeperform 'no?"

Sakto namang part na pala ni hinayupak. Lalo ata akong namula.

"Ay! Si Therence ba? Kayo ba?" Tanong niya.

"Hindi po!" Sagot ko agad.

"Ay sus. Huwag ka nang tumanggi. Kita ko na ang ebidensya na may pagsinta ka sa kanya."

Napatawa ako. Ang ganda ng mga term na ginamit niya eh. Kanina, iniirog. Tapos ngayon, pagsinta?

"Pero bagay naman kayo. Maganda ka, gwapo siya. Aba, ay swerte naman ng magiging anak n'yo. Gwapo at maganda."

Fight Until the End (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon