Sizzi's Punch
Parang mas gusto ko tuloy na maging tahimik na lang si Therence. Eh paano naman kasi! Nag-on na naman ang hinayupak mode niya.
In short, nambubwisit na naman siya.
Sus, na-miss mo nga 'yan eh.
Huwag na lang nating pansinin 'yong epal na part ng utak ko ha?
Kahit sina Jayzee, nagulat sa biglang pagbabalik ng maingay na mode ni Therence. Pati sina Amae. Pero si Rica, iba 'yong ngiti kapag tumitingin siya sa amin ni Therence.
May nalalaman na naman siyang hindi niya balak sabihin sa akin.
Eh 'yong dahilan nga ng pagiging tahimik ni hinayupak noong mga nakaraang araw eh hindi ko pa rin alam ang dahilan, tapos nadagdagan na naman ng panibagong secret na bumuhay sa curiosity ko.
Suhulan ko kaya si Rica? Isang truck ng marshmallow, cotton candy at Mogu-Mogu.
I nodded mentally. Tama.
Wala nga lang akong sapat na kwarta.
"Parang mas gusto ko na tahimik si Kuya Therence." Sabi ni Ericka habang nilalantakan 'yong black forest cake.
"Oo nga! Manahimik ka na ulit Kuya Therence!" Segunda ni Amae pagkasubo niya ng macaroni salad.
"Ano bang nangyari no'ng makalawang gabi, Therence? Simula kasi no'n, naging maingay ka na ulit." Tanong ni Jayzee.
Agad akong napatungo. Ngayon talaga ay nagpapasalamat ako na may side bangs ako para matakpan ang mukha ko.
Pakiramdam ko kasi ay namumula ako.
Pinaalala pa kasi ni Jayzee! Pinipilit ko na ngang kalimutan 'yon, lalo na 'yong hug scene.
"Wala. Nailabas ko na kasi 'yong kinikimkim ko." Rinig kong sabi ni hinayupak.
Pagkatunghay ko ay kita kong kumunot ang noo ni Clark.
"Huh? Naamin mo na kay—"
"Mamaya ay ipaalala mo sa aking bibili tayo ng mighty bond para sa bibig mo." Putol ni hinayupak sa sinasabi ni Clark.
Ako naman ang napakunot ang noo. Anong naamin ni hinayupak? Kanino?
"Eh ano ba ang nangyari?" Nanlaki bigla ang mata ni Ericka sabay tingin sa akin at kay hinayupak. "Oh my God! Don't tell me—"
"Oh, ang utak mo Ericka, nagiging berde. Nilulumot na." Sabi agad ni hinayupak.
Kunot ang noong tumingin sa akin si Amae. "Ate Sizzi, ikaw ang alam kong makapagbibigay sa amin ng matinong sagot. Anong nangyari?"
"H-ha?" Teka, anong sasabihin ko?
Lalong nangunot ang mga noo nila. Putspa, hindi maganda 'to.
"May nililihim ba kayong dalawa sa amin?" Naniningkit ang matang tanong ni Ericka.
Napatingin ako kay hinayupak, napatingin din siya sa akin. Iniwas ko agad ang tingin ko at bumaling kay Rica para sana humingi ng tulong. Kaso busy siya sa pagbabasa ng Spell Bound, book 3 ng Hex Hall Trilogy.
Uminom muna ako ng iced tea. Pakiramdam ko nasa hot seat kami!
"Ganito kasi 'yon," simula ko. "'Di ba nga, sabi ni hinayupak eh nailabas na niya 'yong kinikimkim niya? Doon ata niya naibaling sa pagbugbog sa mga lalaking ano..." Napahinga muna ako ng malalim. "Mga lalaking mas pangit pa sa unggoy na muntik na akong pagsamantalahan kung hindi napaaga ang dating ni hinayupak."
BINABASA MO ANG
Fight Until the End (Completed)
RomanceIsang babaeng siga, cussing machine at basagulera! Palagi pang tulog sa klase at kinatatakutan ng mga estudyante. Sa mga ugali kaya niyang ito ay may magmamahal pa kaya sa kanya?