Sizzi's Punch
"Anchor's Away tayo!"
"Sa horror train na tayo agad! Dali! Walang pila!"
"I-try natin 'yong EK Extreme!"
Napabuntong-hininga ako. Parang mga nakawala sa hawla ang mga ito.
Nandito kami sa Enchanted Kingdom. Field trip kasi namin. Last activity bago mag-sem break.
Oo, may sem break din kami kahit hindi naman kami college students.
Required na um-attend kami. Parang ito 'yong clearance namin ngayong bago mag-sem break.
Bale limang batch ito. Sa dami ba naman ng Jayden High students.
Kami nga 'yong last batch eh. Lahat ng section A mula first year hanggang fourth year ang kasama namin.
"Uy! Sizzi!" Tumakbo palapit sa akin si Mariann. "Tara sa Rio Grande?"
Wala akong kasama sa pagsakay ng rides. Iniiwasan kasi nila ako since ako nga si Cold Princess ngayon.
Hindi ko lang alam kung ano ang sumapi kay Mariann at nilapitan ako.
Come to think of it. Si Mariann nga pala dapat ang seatmate ko since she's Mariann Jella Del Prado.
Paano kayang naging si hinayupak ang seatmate ko?
Aish.
"Ikaw na lang." Malamig na sabi ko.
Tinapik nito ang balikat ko. "Hindi ka makakapag-enjoy kung magpapakayelo ka lang dyan. Sige ka."
Bakit ba nawala sa isip ko na ang kulit nga pala ni Mariann?
Umiling ako.
Napanguso si Mariann. "Sige na nga. Sure naman akong sasamahan ka ni Therence mamaya. Bye!"
Tumakbo na paalis si Mariann at sumama sa iba naming kaklase.
Nakakita naman ako ng stall ng ice cream kaya bumili agad ako.
May nakasabay pa nga akong mga first year eh. Alanganin pa silang ngumiti sa akin.
Ngumiti na lang ako ng tipid.
Nanlaki ang mata nila at napasinghap. Mga gulat siguro na nginitian ko sila kahit tipid lang.
"Ate Sizzi." Tawag no'ng first year na babaeng wavy ang buhok.
Tumingin ako sa kanya.
"Bakit ka po naging cold? No'ng nakaraang buwan po ay lagi kang nakangiti 'di ba?"
Umiling lang ako. "Dahil may nagsabi sa akin na dependent ako."
"Po? Ano naman pong konek ng pagiging cold n'yo? Ang lungkot po tuloy ni Kuya Therence, pati po kaming RenZzinations malungkot din."
Kumunot ang noo ko. RenZzinations? Ano 'yon? Fans' club namin ni hinayupak?
"Hindi ka naman po dependent eh." Sabi no'ng isa pang first year na babaeng may salamin. "Nakaya n'yo nga po dati na pagtinginan ka ng lahat no'ng ano po... hmm..." Nag-alangan pa itong sabihin ang gusto nitong sabihin. "No'ng may galit ka pa po sa mundo. 'Yon po ba ang dependent?"
Natigilan ako sa sinabi nila.
Dinaig pa ako ng mga first year.
"Sana po, makita po ulit namin kayong nakangiti at masaya ni Kuya Therence. Fan n'yo po talaga kami." Nakangiting sabi no'ng may braces.

BINABASA MO ANG
Fight Until the End (Completed)
Storie d'amoreIsang babaeng siga, cussing machine at basagulera! Palagi pang tulog sa klase at kinatatakutan ng mga estudyante. Sa mga ugali kaya niyang ito ay may magmamahal pa kaya sa kanya?