Fight #32: Worried

100 2 0
                                    

Rica's Punch

"Ako na Ate Sizzi." Sabi ko habang kinukuha sa kanya bowl na pinaglagyan niya ng Calderata para ipatong sa mesa.

Ngumiti naman si Ate Sizzi pero inabot din niya sa akin. "I'm fine bunso. Don't worry."

"Sigurado ka bang hindi ka pa pagod Ate Sizzi? Kanina ka pa nagluluto." Nag-aalala kong sabi pagkapatong ko ng Calderata sa mesa.

"Okay na talaga ako. Pramis."

"Sigurado ka ba Ate Sizzi?" I looked at her suspiciously.

Napatawa si Ate Sizzi at marahang tinapik ang pisngi ko. "You're being paranoid Rica. I'm fine really."

Napabuntong-hininga ako. Paanong hindi ako mag-aalala kay Ate Sizzi?

Naalimpungatan ako dahil may narinig akong humihikbi. Sino 'yon? May humihikbi ba talaga o nananaginip ako?

Napatingin ako sa orasan. 5:30 AM pa lang. Ang aga pa! Antok pa ako.

Tutulog na sana ulit ako pero nakarinig na naman ako ng hikbi.

Tiningnan ko ang katabi kong si Ericka at Amae. Mga tulog naman. Tulog mantika pa nga.

Bumangon ako para masilip si Ate Sizzi.

At nagising ang diwa ko dahil sa nakita ko.

Nanlaki bigla ang mata ko dahil si Ate Sizzi pala ang humihikbi! Nakadapa ito sa kama at hawak-hawak ang balakang niya!

"Ate Sizzi? Ate Sizzi, anong problema?" Pabulong kong tanong at nilapitan agad siya.

"R-Rica..." Umiiyak na sabi ni Ate Sizzi.

"Anong problema? Ano Ate Sizzi?" Natataranta kong tanong.

"P-pakikuha ng pain killer sa bag ko please. S-sobrang sakit na. H-hindi ko na kaya."

Agad naman akong tumayo at hinalungkat sa bag niya ang pain killer na gamot. Dali-dali rin akong kumuha ng tubig at inalalayan ko si Ate Sizzi para mainom niya ang gamot.

"T-thank you bunso."

"Anong nangyari Ate Sizzi? Anong problema ng balakang mo?"

Umiling lang si Ate Sizzi. "Gawa ito no'ng bata pa ako."

"Mahina ba ang buto mo? You should drink lots of milk!"

Napatawa si Ate Sizzi at umayos ng higa. Nawawala na siguro 'yong sakit.

"Kung mula pagkabata pa 'yan Ate Sizzi, how come na hanggang ngayon eh sumasakit pa rin 'yan? Ipa-check up mo na."

"No. Ayoko. Ayokong gumastos na naman sina Mama dahil sa akin."

"Pero Ate Sizzi---"

"I'm fine na bunso. Thank you ulit." Sabi ni Ate Sizzi at niyakap ako. "Please don't tell anyone about this, okay? Lalo na sa kuya mo. OA pa naman 'yon."

Napabuntong-hininga ako at tumango na lang.

I don't know kung gaano ko katagal maitatago ito kay Kuya.

"Baka kung ano na 'yan Ate Sizzi. Please? Ipa-check up mo na." Nag-aalala kong sabi.

Napatawa ng mahina si Ate Sizzi. "Magkapatid nga kayo ni hinayupak." Ni-pat niya ang ulo ko. "Huwag ka nang mag-alala bunso. Ayos lang talaga ako."

Fight Until the End (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon