Therence's Punch
Napalingon ako sa katabi ko. Tulog na naman. Nakakapagtaka itong babaeng ito eh, kababaeng tao eh laging tulog sa klase, pero nasa section A pa rin. Magaling kasi sa lahat ng subject 'yan, lalo na sa Social Studies at Science, 'yon ang sabi. Siya lagi ang nakakakuha ng highest score sa dalawang subject na 'yon.
Gusto kong makilala siya ng mabuti, bibihira lang kasi sa mga babae ang may ganyang personality.
Pagkalabas ni Ma’am Filipino, may pumasok na babaeng teacher. Teka, Math time namin ngayon ah? Dapat si Sir Math sa amin ngayon.
“Class 3-A, nagtataka siguro kayo kasi wala si Sir Math n'yo. Nagkasakit kasi siya, so for the mean time, ako muna ang papalit sa kanya, okay?” Paliwanag ni Ma'am.
“Yes Ma’am.” Sagot namin.
“And dahil first time ko kayong ma-handle, can you please introduce yourselves? Para maging familiar ako sa inyo kahit papaano.” Sabi ni Ma'am Substitute.
Tss, introduce yourselves pa, eh pwede namang tingnan na lang niya sa list namin 'yong pangalan namin tapos banggitin na lang niya at tataas na lang kami ng kamay. Pambihira.
“So, mag-start na tayo sa first line.” Nakangiting sabi ni Ma’am Substitute.
Nagsimula na 'yong pagpapakilala. Name at age ang sinasabi nila. Nasa last line naman kami, 'yong kahuli-hulihan pa.
Tapos na 'yong nasa unahan ko kaya ako na.
“Therence Lloyd Morales, 17.” Maikli kong sabi.
Nagtataka ba kayo kung bakit third year high school lang ako pero ang 17 years old na ako? Oy! 'Di ako repeater ha? May middle school kasi rito kaya gano'n. Dami ngang pakana ng school na ito.
“Therence, sino 'yong katabi mo?” Tanong ni Ma’am Substitute.
“She’s Sizzily Faye Delos Reyes, sorry Ma’am but I don’t know what’s her age. Do you want me to wake her up?” Sagot ko.
“No, let her sleep at baka----"
“Hey Sizzi, wake up.” Sabi ko habang kinukulbit siya.
Bigla naman siyang tumunghay sa pagkakayuko niya at tinabig pa ang kamay ko.
“P*tang*na naman! Kitang natutulog 'yong tao tapos gigisingin mo? Napakabastusan naman eh!” Sigaw ni Sizzi na galit na galit.
Napakatahimik ng buong Class 3-A. Si Ma’am Substitute nga rin napanganga dahil sa pagsigaw ni Sizzi. 'Yong itsura naman ni Sizzi eh galit na galit. Sabi nga, magbiro ka na sa lasing, huwag lang sa bagong gising.
“At ikaw na gag* ka, ulitin mo pa 'yon at babaliin ko lahat ng buto mo sa katawan!” Banta niya sa'kin.
Yumuko na ulit siya sa mesa niya para matulog. Ako naman eh nagkibit-balikat lang. Ibang klase talaga ang babaeng ito.
Napatingin ako sa mga kaklase ko at kay Ma’am, mga nakatulala. 'Di pa sila nasanay, tsk.
“Pwede na kayong gumalaw, nakayuko na ulit siya.” Sabi ko sa kanila.
Natauhan naman ang buong klase saka si Ma’am. Medyo nangangatal pa ata 'yong katawan ni Ma’am.
“Ah, o-okay class, m-mag-start na tayo.” Nauutal na sabi ni Ma'am.
Napailing na lang ako sa pagkakautal ni Ma’am sa pagsasalita. Hmm, makatagal kaya siya sa amin? Mali pala. Makatagal kaya siya sa presence ni Sizzi?
***
“Nakakatamad ng um-attend mamaya.” Reklamo ni Clark.
“Ikaw Therence, a-attend ka pa?” Tanong ni Jayzee sa'kin.
“Kapag sinipag.” Kibit-balikat kong sagot.
Naglalakad kami ngayon sa corridor, papunta kasi kaming rooftop. Do'n ang tambayan namin kapag lunch break.
“Kailan ba kasi natin makakaharap ang grupo ni Philip?" Bugnot na sabi ni Jayzee.
“'Di ko rin alam, Kung pwede nga lang manugod ng grupo, nagawa ko na.” Sabi ni Clark.
“Gag*, gusto n'yo na bang mamatay?” Saway ko sa kanila.
Tungkol saan ba ang pinag-uusapan namin? Group fight. Kumbaga, mas mahinahon pa ito ng kauntian sa mga gang wars. Bawal kasing gumamit ng kahit anong deadly weapons, kahit 'yong mga kahoy o tubo na pamalo? Bawal din. Talagang kakayahan mo lang sa pakikipagbugbugan ang pwede.
May rules kasi ang group fights. At kapag lumabag ka sa rules, maghanda ka na sa kamatayan mo. 'Di, biro lang. Depende 'yong parusa sa rule na nalabag mo, pero ang alam namin, napakalupit ng parusa.
Isa na sa rule 'yong bawal manugod ng ibang grupo. Para kasi maiwasan 'yong may grupo na pagkakaisahan. Sa group fight kasi, fair ito para sa lahat.
“Sus! Alam ko naman na gustong-gusto mo nang makita ang tanging babaeng member ng grupo ni Philip!” Pang-aasar ni Clark sa'kin.
“Tss, eh ni hindi nga raw 'yon pinapalaban, lagi pang nakatago ang mukha.” Bored kong sabi.
“Eh baka masyadong maganda tapos chicks pa ni Philip, ayaw maagaw!" Natatawang sabi ni Jayzee.
Tama 'yong sinabi ni Clark, bukod sa gusto kong makaharap ang grupo ni Philip dahil balita ko magaling din sila, gusto ko ring makita ang nag-iisang babae sa grupo nila. Grupo lang kasi ni Philip ang may miyembro na babae. Sino kaya ang babaeng 'yon na walang magawang matino sa buhay at sumali sa group fight?
'Di na ako makapaghintay na makaharap ang grupo ni Philip. Nitong mga nakaraang araw kasi, puro mga walang binatbat ang mga nakaharap namin.
Lilinawin ko lang ha? HINDI kami gangsters, sadyang pakikipagbugbugan na ang buhay namin.
“Oh ano? A-attend ka na ba mamaya?” Tanong ulit ni Jayzee.
“Siguro. Malay n'yo, grupo na ni Philip ang makaharap natin." Nakangisi kong sabi.
“Sige, a-attend na rin ako, 'pag wala na namang binatbat eh ipapaubaya ko na lang sa mga kagrupo natin.” Sabi ni Clark.
“Tiwala lang, malapit na natin silang makaharap." Kampante kong sabi.
=====
Semi-edited na rin. Haha!
Si Therence po. >>>>>>>>>>>>
BINABASA MO ANG
Fight Until the End (Completed)
RomanceIsang babaeng siga, cussing machine at basagulera! Palagi pang tulog sa klase at kinatatakutan ng mga estudyante. Sa mga ugali kaya niyang ito ay may magmamahal pa kaya sa kanya?