Fight #41: Sketch Pad

86 2 0
                                    

Therence's Punch

"Hindi babalik si Sizzi sa dati kahit na magpakalasing ka dyan." Sermon ni Jayzee.

"Tama na 'yan pare. Tingin mo ba, matutuwa si Sizzi kapag nalaman niya ang ginagawa mo?" Dagdag ni Clark.

"Wala naman siyang pakialam sa akin." Mahina kong sabi bago uminom ulit ng beer.

Biglang inagaw ni Jayzee 'yong lata sa akin. "P*tang*na Therence. Parang hindi mo naman kilala si Sizzi! Hindi ba at ugali naman no'n ang sarilinin kung ano man ang problema niya? Umayos ka ngang gag* ka!"

Napapikit ako ng mariin dahil sa sinabi ni Jayzee.

Alam ko naman 'yon eh. Kaya lang, nasasaktan ako dahil hindi man lang niya sabihin sa akin. Eh 'di sana natulungan ko siya.

Ang sakit sa pakiramdam na sobrang cold niya. Na para bang wala lang ang mga pinagsamahan namin.

P*tang*na.

Hayup talaga.

Napahilamos ang dalawang kamay ko sa mukha ko. It's really frustrating.

Isang linggo na simula noong maging Cold Princess si Sizzi.

Isang linggo na ring miserable ang buhay ko.

Idagdag pa sa stress ko si Celestine na buntot nang buntot sa akin.

I really want to punch her in the face pero pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil kahit papaano ay babae naman 'yon.

Para ngang gusto kong isipin na siya ang dahilan kung bakit naging Cold Princess si Sizzi.

Simula kasi no'ng maging Cold Princess si Sizzi ay nagsimula na rin siyang bumuntot nang bumuntot sa akin.

Sinabi rin sa akin ni bunso ang naging pag-uusap nila ni Sizzi. Alam naman daw ni bunso na may mali, kaso nasaktan pa rin siya sa sinabi ni Sizzi.

Masakit naman talaga.

Napasandal ako sa sofa at pinikit ko ang mata ko.

Hindi ko alam kung nakailang inom na ako ng beer, pero hindi man lang ako nalasing. Hindi naman ako palainom.

So 'yong sinasabi nilang kung gusto makalimutan pansamantala ang problema mo ay uminom ka ng alak is a lie.

"Kailan ka pa nag-drawing, Therence?" Rinig kong tanong ni Clark.

Drawing? Napamulat ako ng mata.

"Where did you get that?" Dali-dali kong kinuha ang hawak na sketch pad ni Clark.

"Sa ilalim ng sofa. Sa'yo 'yan?"

Hindi ko na pinansin si Clark. Sh*t. This is Sizzi's sketch pad. 'Yong pinag-agawan namin dati.

Binuklat ko ang sketch pad. Wow. Ang galing mag-drawing ni Sizzi.

"Whoa. Ang ganda." Komento nang dalawa.

"Kay Sizzi ito." Bulong ko.

"I didn't know na ganyan pala kagaling mag-drawing si Sizzi." Sabi ni Jayzee.

Napahinto ako sa isang page at tinitigang mabuti ang drawing.

Isang batang babae na nakaupo sa swing at masama ang tingin sa batang lalaki.

Bakit mukhang familiar ang scene na ito?

Binuklat ko pa ang kasunod na page. Batang babae at lalaki ulit na nasa playground. Nilalagay no'ng batang lalaki 'yong bracelet sa babae.

Sa kasunod na page naman ay batang babae na nakaupo sa swing at idinuduyan siya no'ng lalaki tapos may tatlong batang lalaki sa harap nila.

F*ck.

"That scene looks familiar." Biglang sabi ni Clark.

Napatingin ako sa kanya.

"Ganyan 'yong scene no'ng huling araw ng bully days namin ni Clark." Dagdag ni Jayzee.

Magkababata nga pala ang dalawang ito. Don't tell me...

"'Yong leader namin ay itinulak ng malakas sa swing 'yong batang babae kaya nahulog siya." Sabi ni Clark.

"Nakonsensya kami, kahit na hindi naman kami ang tumulak dun sa babae. Kaya hindi na kami nam-bully." Sabi ni Jayzee. "Hindi naman siguro si Sizzi 'yon."

Napakuyom ang dalawang kamay ko saka ko kwinelyuhan ang dalawa. "Sino? Sinong tarantad* ang tumulak?"

Nanlaki ang mata no'ng dalawa.

"Teka pare, huwag mong sabihing---"

"P*tang*na, oo! Kaya sabihin n'yo sa akin kung sinong gag* ang tumulak sa kanya!"

Pagkasabi ng dalawa sa akin kung sino ang tumulak ay binitawan ko na sila.

Tang*na, all this time, tama pala ang hinala ko.

"So that's why tinanong bigla kami ni Sizzi kung nakita na niya kami dati." Mahinang sabi ni Clark.

Nakatitig lang ako sa sketch pad. Kaya naman pala ayaw 'yon ipakita ni Sizzi kasi parang naging diary na niya 'yon.

Napatakip ang isang kamay ko sa mukha ko saka ako napailing.

Damn.

"Baliw na si Therence. Ganito na kakomplikado ang sitwasyon ay nagawa pang ngumiti. Gag*! Akala mo siguro hindi ko kitang nakangiti ka." Sabi ni Jayzee.

Tinanggal ko ang kamay ko sa mukha ko saka umiling-iling ulit.

Ngayon lang ulit ako ngumiti.

"Sinong hindi mapapangiti sa nalaman ko?" Damn. Lalo lang nadagdagan ang pagmamahal ko kay Sizzi.

"Umisip ka na ng paraan kung paano kayo magkakaayos ni Sizzi, ulul ka." Sabi ni Clark.

Nakakahalata na ako. Kanina pa ako minumura ng mga 'to ah.

"Kanina n'yo pa ako minumurang mga gag* kayo ah?"

Napatawa ang dalawa.

Sa ngayon, kailangan ko nang mag-isip kung paano ko paghihigantihan ang gag*ng hayup na tumulak kay Sizzi sa swing.

Oh damn. Si Izzy at Sizzi ay talagang iisa.

Kailangan ko ring mag-isip on how to warm the Cold Princess' heart.

=====

Semi-edited.

Fight Until the End (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon