Fight #6: Meet the Antagonist

299 5 22
                                    

Sizzi's Punch

Ayan na naman, pinagtitinginan na naman ako ng tao. Tss, pakialam ko sa mga 'yan.

Naalala ko 'yong group fight kagabi. Sa kauna-unahang pagkakataon kasi, napuruhan ng gano'n katindi si Philip. Hindi ako makapaniwalang ang hinayupak na Therence na 'yon ang gumawa no'n kay Philip.

Dalawang oras lang ang tulog ko ngayon, pero nakakapagtakang hindi ako inaantok. Gatas pa nga ininom ko since tinamad akong magtimpla ng kape. Eh may fresh milk naman ako sa ref kaya 'yon. Tamad akong tao, may angal ka?

Baka naman nagiging bampira na ako?

Ala, gusto kong maging isang exorcist gaya ni Allen Walker eh! 'Yong magsasalita ng 'Innocence Activate!' tapos lalabanan ang mga akuma!
(A/N: Ala, expression po like anla, hala and so on and so forth.)

"Yo!"

"!#%@&*$#%@!" Mura ko.

P*TANG*NA. Tahimik akong naglalakad dito tapos may bigla na lang susulpot na nilalang sa tabi mo at sisigawan ka ng yo? Putek 'yan!

"What the f*ck? Do you want me to die by giving me a f*cking heart attack?!" Sigaw ko sa kanya.

Lalong dumami ang mga nakatingin sa'kin, sa amin ngayon. Paano ba naman, nandito na ang kanilang pinapantasya na si Therence Lloyd Morales na umagang-umaga ay minumura ko.

"Whoa, chill lang Sizzi, malay ko bang magugulatin ka." Natatawang sabi ni hinayupak.

"Omo, bakit kinakausap ni Therence ang babaeng 'yan?"

"May pasa si Therence sa pisngi! Sinong may gawa no'n? Tara! Sugurin natin! Lakas ng loob sirain ang fez ng Fafa Therence ko!"

"Nakakainis! Sa dami ng pwedeng suntukin ng taong 'yon eh 'yong mukha pa talaga!"

"Pero kahit may pasa, gwapo pa rin!"

"Kyaaaa! Oo nga!"

'Yan po yung mga naririnig kong sinasabi ng mga tao dito sa corridor. Mga kiri.
(A/N: Kiri = malandi, maarte)

Napatingin ako sa mukha niya. Pfft, may pasa nga. Halatang- halata kasi maputi siya. Madadala, minaliit ako eh.
(A/N: Madadala = buti nga)

"Bagay pala sa'yo ang may pasa. Sana dinamihan ko na." Naka-smirk kong sabi.

"Gwapo ko pa rin kahit may pasa ako 'no?"

"Yak! Kapal!" Nanlaki 'yong mata ko sa gulat. Napakahangin talaga ng isang 'to eh.

"Aminin mo na kasi Sizzi." Tatawa-tawang sabi ni Therence.

"Tss, masyado pang malinaw ang mata ko. Alam ko kung ano ang pagkakaiba ng gwapo sa pangit."

Magsasalita pa sana si Therence kaso biglang sumulpot si Clark at Jayzee.

"Tol, pagaya ng assignment sa Math." Si Clark 'yon.

"Nag-aral pa kayo kung manggagaya lang kayo ng assignment." Pangaral ni hinayupak.

"Pasensya naman! Cannot be reached ng utak namin ang Math!" Depensa agad ni Jayzee.

Habang dinadaldal ng dalawa si hinayupak ay mabilis na akong naglakad papuntang locker room. Kukunin ko kasi 'yong mga libro ko sa mga subjects ngayong umaga. Miski ako wala pang assignment sa Math. Madali na yun, madaling hulaan.
(A/N: Miski = kahit)

Pagkasara ko ng locker ko eh napatigil ako sa taong nakita ko. Mukhang hindi ko agad magagawa 'yong assignment ko ah.

"Gosh, wala na, sira na ang araw ko dahil nakita na kita."

Fight Until the End (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon