Fight #27: Multo!

97 2 0
                                    

Sizzi's Punch

"Pfft."

Nanlilisik ang matang tumingin ako kay hinayupak. Bakit ba hindi siya maka-move on?

Kagabi pa 'yan nagpipigil ng tawa. Mautot sana. Kainis.

"Mabubuhusan kita ng juice hinayupak. Move on na nga! Bwisit ka!" Asik ko.

Hindi na napigilan ni hinayupak ang matawa. Kaya nagtatakang nakatingin sa kanya sina Jayzee.

"Ano bang nangyari at tawa nang tawa 'yan?" Tanong ni Jayzee.

"Lumuwag na ang turnilyo sa utak. Dalhin n'yo na sa mental." Balewala kong sabi at pinagpatuloy ang pagkain ko ng cheesecake.

There's no way na sasabihin ko sa kanila ang dahilan kung bakit tawa nang tawa si hinayupak.

Nakahiga na ako sa kama pero hindi ako makatulog. Namamahay ata ako.

Argh. Sino bang niloko ko? Hindi ako makatulog dahil baka may multo rito!

Buti do'n sa apartment ko, kampante ako since sure ako na wala dung multo. Kaya nga 'yon ang kinuha ko eh.

Pero rito...

Napabuntong-hininga ako saka umupo at ginulo ang buhok ko.

Kainis! Ang tanda ko na para matakot sa multo!

Napatingin ako sa orasan. 11:21 na pala ng gabi.

Tulog na kaya si hinayupak?

Aish! It's now or never! Gusto ko nang matulog!

Tumayo ako at lumapit sa pinto. Aish. Paano kung pagbukas ko sa pinto eh may multo na tumambad sa akin?

Napailing ako ng maraming beses. No. Hindi ko dapat isipin 'yon. Kailangan ko makapunta kay hinayupak.

Sabi naman ni hinayupak ay hindi niya ila-lock ang pinto ng kwarto niya in case na may kailangan ako.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto niya. Buhay pa 'yong lampshade. Nakapatong din 'yong braso sa may mata niya kaya hindi ko alam kung tulog na siya o hindi.

Huminga ako ng malalim. Gusto ko nang matulog! "Hinayupak?"

Tinanggal ni hinayupak ang braso niya sa may mata niya. Umupo siya. "Sizzi? Bakit hindi ka pa natutulog?"

"Hindi ka pa nga rin tulog." Sagot ko.

"May problema ba?" Tanong niya saka binuhay 'yong ilaw. "Upo ka rito." Dagdag pa niya habang tinatap niya 'yong kama niya.

Dahan-dahan naman akong lumapit saka umupo. Waah! Nahihiya na akong sabihin kung bakit hindi ako makatulog.

"Anong problema?" Tanong niya pagkaupo ko.

Paulit-ulit kong pinagdikit ang hintuturo ko. 'Yong ginagawa ni Sunako sa Yamato Nadeshiko Live Action. Gano'n.

"Sizzi?"

Huminga ako ng malalim. "Ano..." Aish! Ang hirap naman! "May itatanong lang sana ako."

"What is it?"

"Hmm..."

"Hmm?"

"Wala namang ano."

"Wala namang ano?"

"Wala namang m-multo rito 'di ba?"

Ramdam kong natigilan si hinayupak kaya napalingon ako sa kanya.

Nakanganga siya na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"W-wala nam---"

"HAHAHAHAHAHA!"

Agad akong kumuha ng unan at isinubsob ko ang mukha ko do'n. Dapat pala hindi ko na sinabi! Nakakahiya!

Napagtawanan pa ako! Kainis!

Rinig na rinig ko pa rin ang tawa ni hinayupak kaya nainis ako. Pinaghahampas ko siya ng unan.

"Aray! Sizzi, stop it!"

"Nakakainis ka! Nakakainis ka!"

"Hey!" Nahawakan niya 'yong unan. Tumigil na siya sa pagtawa pero halatang nagpipigil lang siya ng tawa. "I'm sorry sweetheart. I'm sorry."

Namuo ang luha sa mata ko. Hindi ko naman kasi kasalanan na maging takot ako sa multo. Hindi.

Naramdaman ko na lang na niyakap ako ni hinayupak. Hinaplos din niya ang buhok ko.

Sinubukan kong kumawala pero pinigilan niya ako.

"Sshh. Baka may dumaang multo at kunin ka niya sa'kin." Bulong niya.

Nahampas ko siya sa balikat. "Therence naman eh!"

Tumawa lang siya ng mahina. "I never thought na ang basagulerang si Sizzily Faye Delos Reyes ay takot sa multo."

"Sorry ha? Hindi ko naman kasi kasalanan." Pabalang kong sabi.
(A/N: Pabalang = sarcastic)

"Sorry sweetie."

Napanguso na lang ako.

Sabihin n'yo nga, ikukwento ko ba 'yan kina Jayzee? No way. No f*cking way.

"Susupalpalan ko talaga 'yang bunganga mo Therence Lloyd Morales kapag hindi ka tumigil." Galit kong sabi.

Sumeryoso naman agad ang mukha ni hinayupak. "Sorry sweetheart."

"Sweetheart your face." Pabulong kong sabi saka ko siya inirapan.

"Medyo nabawasan na nga pala ang panggugulo ng Breakers." Biglang sabi ni Jayzee.

"Mas nakakatakot ang gano'n." Komento ni Clark. "Hindi natin alam kung kailan at saan sila manggugulo."

Napansin kong humigpit ang pagkakahawak ni hinayupak sa kutsara't tinidor niya. Tapos ay bigla siyang tumingin sa akin.

Puno ng pag-aalala ang mukha niya.

Bumuntong-hininga ako saka ngumiti sa kanya. Ngiting nagsasabing hindi niya kailangang mag-alala sa akin.

Really. Ni hindi nga ako natatakot sa Breakers. Alam ko kasing hindi ako pababayaan ni Therence.

I feel safe because I know that he will protect me.

=====

Semi-edited.

Fight Until the End (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon