Fight #1: Meet Her

485 8 49
  • Dedicated kay Rica Attractivo
                                    

Punch means POV.

======

Sizzi's Punch

“Grabe 'no? Nakakatakot talaga ang presensya niya.”

“Oo nga eh, kaya walang kaibigan eh.”

“Sayang, maganda naman siya kahit papaano kaso 'yon nga, siga, cussing machine at basagulera!”

“Kilala n'yo ba 'yong tatlong babaeng siga rin galing sa Class 3-C? Balita ko binigyan niya 'yong tatlong 'yon ng black-eye!”

“Biruin mo 'yon? Tatlo na sila pero---“

“Shut the f*ck up! Kung magbubulungan kayo, dapat 'yong hindi ko rinig! Mga tang*na ninyo!” Galit kong sigaw sa tatlong babaeng nagtsitsismisan.

Mukhang natakot naman 'yong lint*k na tatlong babae at umalis na. Nanahimik naman ang buong corridor. Napatingin lahat sa’kin. Tss, ano pa bang bago? Araw-araw namang ganito ang eksena sa eskwelahang ito.

“Tinitingin n'yo? Gusto n'yo ring mamura? Then damn you all!” Sigaw ko sa mga taong nakatingin sa akin.

Dali-dali akong naglakad papuntang classroom namin. Habang naglalakad ako, sinusundan nila ako ng tingin. Ano bang problema nila sa’kin? Can’t they just accept that this is the real me?

Pasalamat nga sila at hindi ako plastik gaya ng mga kaibigan nila na kaibigan ka lang 'pag kaharap ka pero pagtalikod mo, they backfire you. Hindi kasi nila ako naiintindahan. Hindi nila alam kung bakit ako ganito kaya ganyan ang tingin nila sa’kin.

Pagkarating ko sa room, pabalibag kong binuksan ang pinto ng room namin. Lahat napatingin sa pinto kung nasaan ako. Napatigil sila sa mga ginagawa nila, nanahimik sila sa pag-iingay nila. SH*T! Nakakairita ang mga ganitong eksena!

“Now what? Don't put your f*cking eyeballs on me!" Sigaw ko sa kanila.

Parang bigla naman silang natauhan at iniwas ang mga tingin nila sa’kin. Ako naman ay dumiretso na sa upuan ko at yumuko doon.

It’s really irritating that those people who don’t know you that much are the ones who judge you that much.

Narinig ko ang tunog ng bell kaya rinig na rinig ko rin ang mga yabag ng mga kaklase ko papuntang mga upuan nila o papasok ng room. Rinig ko rin ang ingay na likha ng pag-uusod ng mga upuan upang makaupo sila. Ako? Eto, nakayuko at matutulog. Tatlong oras lang kasi ang tulog ko. Pampalamig na rin ng ulo sa mga nangyari kanina.

“AAAHHH! SHET! ANG GWAPO TALAGA NILA!”

“KYAAAAAHHH! OO NGA!"

“AAAAAHHHH! NAKAKAKILIG TALAGA!”

“MAKITA KO PA LANG SILA, BUO NA ANG ARAW KO!”

Bigla naman akong napatunghay mula sa pagkakayuko ko at ginulo ko ang buhok ko sa iritasyon. P*TANG*NA! Mahigit isang buwan na ang pasukan 'di pa rin sila masanay sa presensya ng tatlong ugok na yun? At biruin n'yo ha? Third year high school na kami for Pete's sake!

Napasabunot na lang ako sa buhok ko at marahas na inalis ang mga hibla na nakaharang sa mukha ko saka yumuko ulit sa mesa ko. Nakakainis! Nakakairita!

Naramdaman ko naman ang pag-upo niya sa tabi ko. Oo, ako ang malas na seatmate ng halimaw na lalaking 'yon. Amp*ta lang talaga. Gano'n na ba talaga ako kasamang tao para parusahan ni God ng ganito?

“Napakaswerte talaga ni Sizzi at seatmate niya si Therence.”

“Oo nga, nakakainggit.”

“Magpakabasagulera rin kaya ako?”

“Sira ka ba? 'Di naman 'yon sa gano'n eh!”

“Eh paano sila naging seatmates? Ang layo kaya ng Delos Reyes sa Morales.”

“Oo nga 'no?”

Ayan na naman sila sa modern version ng bulong nila. Bulong na kinig din naman ng pinag-uusapan nila. Mga baluga.
(A/N: Baluga = baliw)

Pero, oo nga 'no? Paano nga kaya kami naging seatmates ng hinayupak na ito? Delos Reyes ako, Morales naman siya How the hell did that happened?

Ah ewan, kaysa sumakit pa ulo ko sa pag-iisip tungkol sa walang kwentang bagay na 'yan eh matutulog na lang ako.

“Good morning class.”

“Good morning Ma’am.”

Andyan na pala 'yong adviser namin pero 'di man lang ako tumayo para mag-greet sa kanya. Pakialam ko ba? Eh sa gusto kong matulog. Magagawa nila?

“Is Sizzily Faye Delos Reyes present?” Rinig kong sabi ni Ma’am Adviser.

Nanahimik naman ang buong Class 3-A. Oo, Class 3-A ako, hindi ba kayo makapaniwala? Well, ako rin eh.

“Yes Ma’am, she’s here.” Rinig kong sabi ng hinayupak kong seatmate.

“Well then.” Sabi ulit ni Ma’am Adviser.

Nag-start na si Ma’am ng paglilintanya niya, mga paalala sa nalalapit na monthly test, mga activities this month at kung anu-ano pa. Kaysa makinig ako eh mas mabuti pang matulog na lang ako dahil nga tatlong oras lang ang tulog ko remember?

======

Semi-edited. Haha! May gano'n ba? Walang magawa eh. Katatapos lang ng Prelim namin. Isinusumpa ko na po ang Physics at Differential Calculus. Hays.

Fight Until the End (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon