Sizzi's Punch
Lint*k.
Kanina pa ako naiirita rito ha? Bakit? Sino ba namang hindi maiirita kung pakiramdam mong may nasunod sa’yo kanina pa?
Naglalakad na ako pauwi sa apartment ko at kanina pa ako naiinis sa kung sino mang nilalang ang nasunod sa’kin. Wala sigurong magawa sa buhay. Abnormal ata, kailan pa may taong naging interesado sa’kin? Isipin ko pa lang na stalker ito kinikilabutan na ako. Aba naman? Sa itsura kong ito may stalker ako? Huwaw ha?
0.01% na lang at talagang mapupuno na ako. Wala akong pakialam kung sino man ang tarantad*ng ito na sumusunod sa’kin. Maghanda na siya dahil wawasakin ko ang pagmumukha niya, 'yong tipong hindi na siya makilala ng kahit sino.
WALA NA. PUNO NA AKO.
“Sino ka ba ha? Bakit ka sunod nang sunod? Magpakita ka sa'king duwag ka!” Sigaw ko.
*sssswwwoooooossssshhhhhhh*
*hangin……hangin.....lipad-dahon……hangin…..hangin..…*
Okay. Nagmukha akong tanga sa scene na 'yon ah?
Nasaan ba ang author nito nang mahigit papasok dito at sasapakin ko ng maraming beses 'yon? Para akong tanga. Tama ba namang kausapin ang hangin?
T-teka, hindi kaya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
MULTO yung sumusunod sa’kin?!
WAAHH!! Wala namang ganyanan oh! Takot ako sa multo! Waaahhhh!
“Haha! Takot sa multo ang sigang si Sizzily Faye delos Reyes? Hahaha!”
Takte ka konsensiya, uupakan kita dyan namo.
(A/N: Namo, shortcut ng tang*na mo. Hehe.)Bwisit! Huwag n'yo nga akong pagtawanan! Kayo na! Kayo na ang hindi takot sa multo! Kayo na ang Diyos! Kainis!
Awa naman ni Lord at nakarating ako sa apartment ng ligtas. Ligtas sa kung sino man yung nasunod sa’kin. Sana talaga hindi 'yon multo.
Nagpalit lang ako ng damit tapos nanood na ako ng D.Gray Man. Episode 73 na pala ako. Yiiii~! Ang gwapo talaga ni Allen Walker! Bagay sila ni Lenalee!
Kasagsagan ako ng panonood no'ng biglang mag-ring 'yong phone ko. Istorbo. Ganda pa ng panonood ko eh.
“Hel—“
"Sizzily Faye Delos Reyes! Nasaang lupalop ka ba ng mundo ha? Ikaw na lang ang wala rito!"
Aba’t— tama ba namang sigawan ako eh nakadikit lang sa tenga ko 'yong cellphone ko? Kainis ‘to ah! Hayup!
BINABASA MO ANG
Fight Until the End (Completed)
RomansaIsang babaeng siga, cussing machine at basagulera! Palagi pang tulog sa klase at kinatatakutan ng mga estudyante. Sa mga ugali kaya niyang ito ay may magmamahal pa kaya sa kanya?