Fight #30: Blood

117 2 0
                                    

Sizzi's Punch

"Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?" Galit na sabi ni hinayupak.

"Bakit ba? Okay lang naman ako! I'm still alive and kicking!"

Bakit ba napaka-OA ng hinayupak na ito? Argh.

So, ano ba ang ikinakagalit niya?

Last game para sa Intrams ang soccer. Wala itong Category A at Category B. Freshmen, Sophomores, Juniors at Seniors talaga ang magkakalaban. Marami kasi ang kailangan at masyadong mahaba ang game na ito kaya ganyan.

Championship ngayon at ang magkalaban ay Juniors at Seniors.

Halo nga eh, pwede ring sumali ang babae.

At kasali ako.

Kaya sobrang nagulat sina hinayupak na nasa field no'ng ako ang mag-substitute do'n sa isa naming ka-team.

What? Mas gusto ko nga ang soccer kaysa sa tennis.

May isa ring babae sa Senior kaya ayos lang.

Tumakbo palapit sa akin si hinayupak. "What do you think are you doing?"

"Naglalaro, malamang! Bulag ka ba?"

"Bakit ka sumali rito? Paano kung matamaan ka ng bola?"

Napa-roll eyes ako. "Kahit kailan talaga ay OA ka." Saka ako tumakbo.

Sakto naman na ipinasa sa malapit sa aking Senior 'yong bola. Ito ata 'yong isa sa magaling na soccer player.

Agad ko naman siyang hinarangan para maagaw 'yong bola. Pero nginisian niya ako na para bang nang-aasar siya.

Hinahamon ba ako nito?

Sa isang iglap ay naagaw ko ang bola sa kanya. Lumingon naman ako sa kanya at ngumisi. Akala niya ha?

Nakita ko naman si hinayupak. "Hinayupak!" Sinipa ko papunta sa kanya 'yong bola.

Agad naman akong tumakbo palapit sa goal para may back-up siya. Sinipa niya ulit pabalik sa akin 'yong bola kaya sinipa ko ito na malakas papunta sa goal.

At pumasok!

Nahawakan naman no'ng goal keeper 'yong bola, kaya lang, pwinersa ko kasi 'yong pagsipa kaya hindi niya napigilan.

Lumapit si hinayupak sa akin at ginulo ang buhok ko pero kita pa rin sa mukha niya na nag-aalala siya.

1-0 na ang score. Hooo! Kapagod tumakbo!

Nasa Seniors na ulit ang bola kaya ang ginawa ko ay nag-slide ako para maagaw 'yong bola. Naagaw ko nga, kaso nadaganan ako nung inagawan ko. Argh!

'Yon. Kaya nagalit si hinayupak. Medyo masakit pero ayos lang. Aba ganun talaga sa soccer, hindi 'yon maiiwasan.

Nag-sorry naman kasi agad sa akin 'yong lalaki. Kaya ayos lang.

Napailing si hinayupak. "I don't know what will I do with you sweetheart."

Umiwas ako ng tingin. Ayan na naman siya sa sweetheart niya.

"What do you want to eat?" Tanong niya.

Ano nga ba? Hmm. "Pizza?"

"Ayaw mong magkanin?"

Umiling ako. "Tinatamad ako."

"Huh? Anong konek?"

"Eh gagamit pa ng kutsara't tinidor kapag kanin at ulam. Buti pa 'pag pizza, kukunin mo lang 'yong slice tapos pwede mo nang kainin."

Fight Until the End (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon