Sizzi's Punch
P*TANG*NA. LINT*K. P*TA. F*CK. SH*T.
Ano pa bang ibang salitang mura? Puro mura ang bungad ko 'no? Eh paanong hindi ka mapapamura kung ilang araw ng laging nakasunod sa'yo ang isang f*cking annoying person na gaya ng Therence na 'yon?
Tatlong araw. Tatlong araw na niya akong sinusundan lagi! Sa loob man o labas ng campus! Sinong hindi maiirita? Lalo tuloy akong hindi tinantanan ng mga mapanuring mata ng mga estudyante dito sa school namin.
Huwag n'yong sabihing swerte ako dahil mauupakan ko kayo.
Kung hindi ako sinusundan eh bigla na lang sumusulpot na parang kabute ang hinayupak na 'yon. Kaya kasalanan niya pag nagkasakit ako sa puso, leshe.
"Hoy!"
"Ay hinayupak na bakulaw!" Sigaw ko dahil sa gulat.
'Yan ang sinasabi ko. Bigla na lang sumusulpot tapos sisigawan ako eh nasa tabi ko lang? Kasura! Gusto ata ako nitong mamatay dahil sa heart attack eh! Pero bago pa mangyari 'yon, uunahan ko na siya. Papatayin ko talaga ang isang ito eh. Nakakainis na! Wala akong pakialam kung maraming magalit sa'kin. Eh sa nakakairita ang taong ito, magagawa n'yo?
(A/N: Kasura = kainis)Pagbigyan n'yo na ako. Maano ba kung gwapo----
Yuck! Sinabi ko ba 'yon?! Pwe! Wala! Wala akong sinabing gano'n, okay? Mali. Typo error lang 'yong walang kwentang author nito.
Mukhang bakulaw na halimaw ang hinayupak na ito. Tapos. Period. Tuldok.
"Ang gwapo ko naman masyado para maging hinayupak na bakulaw." Mahangin niyang sabi.
*swooossshhh*
Hangin oh, napalad ang buhok ko. Buti na lang at gumamit ako ng Cream Silk, madaling suklayin. Endorser?
"Tss, Spell yabang? Asa ka! Ikaw? Gwapo? Yuck." Sabi ko na parang nandidiri. "Saang lupalop mo nakuha ang tsismis na 'yan? Ngayon ko talaga napatunayan na hindi tunay ang mga tsismis, hindi dapat paniwalaan."
"Sus naman Sizzi. Alam ko namang nagagwapuhan ka rin sa'kin." Therence grinned.
"Woo! Grabe! Lakas ng hangin oh! Napalad 'yong buhok ko!" Nag-act pa ako na parang napapalad nga ako. "Saglit lang ha? Babalik lang ako sa lupa. Bigla kasi akong napunta sa atmosphere eh."
"Baka sa cloud nine, kasi masaya ka dahil kasama mo ako." Natatawa niyang sabi.
Umarte naman ako na parang nasusuka. "Yak! Anong cloud nine? Pag nasa paligid ko nga ikaw, feeling ko nasa impyerno ako!"
"Kanina nasa atmosphere ka, tapos biglang sa impyerno. Ano ba 'yan? Kung saan-saan ka na napupunta! Dito ka na nga lang sa puso ko, ila-lock kita para hindi ka na mawala." Nakangiti niyang sabi.
Nanlaki ang mata ko. "Yuck! Kadiri ka! Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo? Mahiya ka nga!" Sabi ko na parang diring-diri.
"Woshoo! Kinilig ka naman eh." Pang-aasar niya.
I look at him with horror. "Ako? Kinilig? Asa! Dyan ka na nga! Kaaduwa ka!" Sigaw ko sa kanya.
(A/N: Kaaduwa = kadiri)Naglakad na ako paalis. Ew! Kadiri talaga 'yong sinabi ng hinayupak na 'yon! Yucks!
Hala? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Tae, may sakit na nga yata ako sa puso gawa ng hinayupak na yun. Magbabayad siya.
Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko kaya napahawak na ako do'n. Hala? Ano ba 'to? Baka naman gawa ng paglalakad ko ng mabilis? Oo nga, baka nga. Paranoid lang ako. OA lang ako.
Imposible namang dahil 'to sa sinabi ng hinayupak na 'yon 'di ba? Hindi naman dahil do'n 'di ba? Hindi 'di ba? Sabihin n'yong hindi! Ang creepy kapag oo!
Napailing-iling ako. Hindi, paranoid ka lang Sizzi. Dahil 'yan sa paglalakad mo at hindi dahil sa sinabi ng bakulaw na 'yon okay? Kaya huminahon ka nga! Ang OA mo.
Pagalitan daw ba ang sarili.
Tahimik lang akong naglalakad ngayon. Ayaw ko munang pumunta sa room, nakakabwisit ang pagmumukha ng hinayupak na halimaw na 'yon.
"Hoy ikaw."
Isa pa 'tong pampasira ng araw eh. Epal talaga ang babaeng 'to.
Tiningnan ko lang siya ng anong-kailangan-mo-f*cking-creature look.
"Anong klaseng gayuma ang ginamit mo kay Therence para lagi ka niyang sundan ha?" Nakataas ang isa niyang kilay ha? Taray!
"At bakit? Gagamitin mo rin sa kanya?" Nakangisi kong sabi.
"So ginamitan mo nga siya ng gayuma?" Pasigaw na sabi ni Celestine slash f*cking creature.
"Nah, ang gayumang ginamit ko lang naman ay ang KAGANDAHAN ko." Ipinagdiinan ko 'yong salitang kagandahan. "But unfortunately, wala ka no'n." Nag-smirk ako saka ko siya nilagpasan pero nilingon ko ulit siya. "Anyway, sa'kin lang naman talaga makikita 'yon f*cking creature kaya huwag ka nang magtangkang maghanap no'n".
Kitang-kita ko naman na nag-uusok sa galit si f*cking creature kaya pagtalikod ko ay napatawa ako ng sobra. Priceless 'yong mukha! Grabe!
Sayang, dapat pala kinunan ko ng video. Trending sana 'yon.
Okay, did I just laugh?
Kalimutan n'yo na, hindi ako tumawa, swear. Mamatay man 'yong aso ng landlady namin.
=====
Sinisipag mag-edit ng kaunti. Haha!

BINABASA MO ANG
Fight Until the End (Completed)
RomanceIsang babaeng siga, cussing machine at basagulera! Palagi pang tulog sa klase at kinatatakutan ng mga estudyante. Sa mga ugali kaya niyang ito ay may magmamahal pa kaya sa kanya?