Third Person's Punch
I can't stand to see this anymore. Sabi ni Rica sa sarili.
Bilang kapatid, hindi na kaya ni Rica ang makitang sobrang lungkot ng kuya niya.
Halos isang linggo na simula noong maging Cold Princess si Sizzi at gano'n na rin katagal na nakikita ni Rica kung gaano kamiserable ang kuya niya.
Isang beses na binisita niya ito sa condo nito ay nakita niyang nakaupo ito sa sahig ng sala at maraming lata ng beer ang nagkalat.
Hindi palainom ang kuya niya. Pero kung inumin nito ang beer ay parang tubig lang ito.
Huminga ng malalim si Rica. It's now or never. Para sa kanilang dalawa ito.
Dahan-dahang lumapit si Rica kay Sizzi na nakaupo sa bench. Nasa likuran siya nito kaya nananalangin si Rica na sana ay hindi nito maramdaman ang presensya niya.
Habang papalapit si Rica kay Sizzi ay nakaramdam siya ng lamig. Ramdam niya ang lamig ng aura ni Sizzi.
It's like I'm entering a cold world. Well, hello cold world.
"Ate Sizzi." Sabi ni Rica pagkalapit niya rito.
Nakita ni Rica na parang pinapahid nito ang pisngi nito.
Wait, is Ate Sizzi crying? Why?
Umupo si Rica sa bench na kinauupuan ni Sizzi ngunit naglagay siya ng distansya.
Nakapikit ang mga mata nito. At nang magmulat ang mga ito ay taglay na naman ng mga mata nito ang malamig na tingin.
"Bakit?"
Nabigla si Rica. Ngayon lang kasi ulit niya narinig ang boses ni Sizzi at sobrang lamig noon.
"A-anong problema? Bakit ka naging Cold Princess?"
Nanatili lang na nakatingin si Sizzi kay Rica.
"Nasasaktan si Kuya sa ginagawa mo." Pagpapatuloy pa ni Rica.
Biglang umiwas ng tingin si Sizzi. "Wala akong pakialam."
Napasinghap si Rica. "How could you say that Ate Sizzi? Ang lahat ng pinagsamahan n'yo, wala lang sa'yo?"
"He's annoying. It was nothing, at all."
Napatayo bigla si Rica. Gustung-gusto niyang sampalin si Sizzi pero hindi niya magawa. "Grabe ka Ate Sizzi! Wala kang puso!"
Tumakbo si Rica paalis habang umiiyak.
Paano nagawang sabihin 'yon ni Ate Sizzi? Wala lang ba talaga si Kuya sa kanya?
Naiinis si Rica. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin niya para lang matulungan ang kuya niya.
She has this instinct na may pumipigil lang kay Sizzi. Na labag din sa loob nito ang ginagawa nito. Pero hindi niya maiwasan ang masaktan pagkatapos niyang marinig ang mga sinabi nito.
"Grabe ka Ate Sizzi! Wala kang puso!"
Nag-echo bigla sa isip ni Sizzi ang sinabi ni Rica bago ito umalis.
Napapikit siya ng mariin. "Because the best way not to get your heart broken is to pretend that you don't have one."
Naramdaman ni Sizzi na may naglandas sa pisngi niya. Umiiyak na naman siya.
Hindi naman alam ng lahat na nasasaktan din siya sa ginagawa niya.
But this is for the best.
Napakuyom ang dalawang kamay ni Sizzi.
Hindi ko alam kung pagiging malakas o mahina ang ginagawa kong ito.
"Just admit it Delos Reyes. You're a weak bitch, right?" Nakangising sabi ni Celestine. "Huwag mo nang itanggi. Dahil kung hindi ka mahina, bakit lagi kang nakadepende kay Therence? That's a proof that you're weak, right? Dahil kung talagang malakas ka, you need to be independent."
Napatakip ang dalawang kamay ni Sizzi sa mukha niya.
Stupid Sizzi. Bakit ka nagpadala sa mga salita ng f*cking creature na 'yon? You know what's true.
Nagulo ni Sizzi ang buhok niya. Nagawa na niya eh. Wala na.
At isa pa, hindi niya pwedeng baliin ang pangako niya.
Kinuha ni Sizzi ang isang bracele sa bulsa niya.
I wonder kung naaalala pa niya ako. Baka nga may girlfriend na 'yon eh.
Napatawa si Sizzi sa sarili niya. I'm hopeless.
Ibinalik ni Sizzi ang bracelet sa bulsa niya at ipinikit ang mata.
Huminga siya ng malalim at nagmulat ng mata. "Hello cold world, again."
=====
Semi-edited.

BINABASA MO ANG
Fight Until the End (Completed)
RomanceIsang babaeng siga, cussing machine at basagulera! Palagi pang tulog sa klase at kinatatakutan ng mga estudyante. Sa mga ugali kaya niyang ito ay may magmamahal pa kaya sa kanya?