Third Person's Punch
"Anong nangyari?"
"Bakit bumalik sa dati si Sizzi?"
"No! Hindi siya bumalik sa dati. Mas naging malala pa kaysa dati!"
"Kinikilabutan ako."
'Yan ang mga komento ng mga estudyante sa Jayden High habang lumalakad sa corridor si Sizzi with her cold aura.
Yes, she's back to her old self.
But she became colder than before.
Walang makikitang emosyon sa mga mata nito. Para nga itong naglalakad na walang pakialam kung nakatingin sa kanya ang lahat.
Lahat ng makakita sa kanya ay ramdam na ramdam ang lamig ng presensya niya.
Walang alam ang karamihan kung bakit naging cold ulit si Sizzi.
Maging si Therence ay hindi alam ang dahilan.
Nagulat na nga lang si Therence na bigla na lang umalis sa condo niya si Sizzi.
Kahapon lang nangyari iyon. Nag-cut ng klase si Sizzi, at nagulat siya nang bigla itong umalis sa condo niya.
Kahit anong subok niya na kausapin ito ay walang epekto.
Wala itong kinakausap na kahit sino. Kahit sina Rica.
Ito ang mahirap ka Sizzi, hindi nito ugali ang magbahagi ng problema. Ang gusto lang nito ay sa sarili lang niya ang problema.
Kahit si Therence ay parang wala sa sarili nito. Hindi ito ang masayahing Therence na nakilala ng Jayden High students.
Kaya maging si Jayzee at Clark ay tahimik din. Wala silang alam sa nangyayari.
Ngunit kahit na nagluluksa ang karamihan ng Jayden High students, may isang tao na nakapaskil ang ngiting tagumpay sa mukha nito.
"Hi Therence." Lumapit si Celestine kay Therence at sinabayan ito sa paglalakad.
Hindi siya pinansin ni Therence. Ni parang wala nga itong narinig.
"Hey! Therence! Hello?" Pangungulit pa ni Celestine.
Ngunit hindi pa rin siya pinapansin ni Therence. Mas binilisan pa nga nito ang paglalakad.
Agad namang humabol si Celestine at humawak sa braso nito pero agad na pumiglas si Therence. Mukhang napalakas pa ang pagkakapiglas ni Therence dahil muntik nang matumba si Celestine.
"Ouch!" Maarteng reklamo ni Celestine.
Tumalim lang ang tingin ni Therence kay Celestine saka ito nagpatuloy ulit sa paglalakad.
"'Yan kasi. Masyadong desperada. Labong mapansin siya ni Therence."
"Duh. Si Sizzi ang mahal ni Therence 'no?"
'Yan ang mga bulungan ng mga estudyante na nakasaksi ng nangyari.
Nagdadabog na umalis si Celestine.
Ano pa ba? Ano pa ba ang dapat kong gawin? Bwisit! Sabi ni Celestine sa sarili.
***
I can see the longing in Kuya's eyes when he's looking at Ate Sizzi. Sabi ni Rica sa kanyang sarili.
Naaawa siya para sa kuya niya. Ngayon lang niya ito nakitang ganito.
Ganito katahimik at kalungkot.
Sinubukan na rin niyang kausapin si Sizzi, ngunit ayaw talaga nito. Hindi na ito tumutuloy sa dating apartment nito. Hindi niya alam kung saan na ito nananatili pansamantala.
Noong pumunta naman siya sa bahay nina Sizzi upang magtanong sa magulang nito ay sinabi ng mga ito na hindi pa pumupunta roon si Sizzi.
Mabuti na lamang at hindi alam ng mga magulang nito na umalis na si Sizzi sa condo ng kuya niya.
Muling tumingin si Rica sa kuya niya. Nakita niyang may namumuong luha sa mga mata nito.
He really loves Ate Sizzi.
Ano nga ba? Ano nga bang dahilan at naging cold princess si Sizzi?
=====
Semi-edited.
BINABASA MO ANG
Fight Until the End (Completed)
RomanceIsang babaeng siga, cussing machine at basagulera! Palagi pang tulog sa klase at kinatatakutan ng mga estudyante. Sa mga ugali kaya niyang ito ay may magmamahal pa kaya sa kanya?