Therence's Punch
Hindi na naman siya um-attend ng practice.
Pero ang nakakapagtaka ay hindi siya pinapagalitan ni Ma'am Adviser.
"Wala na naman si Sizzi. Bukas na kaya 'yong concert!" Puna ni Clark.
Oo, bukas na nga 'yong concert. General rehearsals nga ngayon para sa blockings at pagkakasunud-sunod ng performances.
Ni hindi hinahanap ng choreographers si Sizzi.
Nakakapagtaka talaga.
Napabuntong-hininga ako. Ilang linggo na pala ang nakalipas mula no'ng inakala ni Sizzi na magta-transfer kami ni bunso sa Castlelites Academy.
At simula no'n, pakiramdam ko ay mas naging malayo siya sa akin.
Madalang na nga siyang sumabay sa amin kapag tanghalian. Kapag hindi pa siya kakaladkarin nina bunso ay hindi siya sasama.
Mali ba ang mga nagawa ko? Bakit taliwas ang mga nangyayari sa gusto ko?
Nami-miss ko na si Sizzi.
I know it's weird dahil araw-araw kaming nagkikita. Pero pakiramdam ko kasi ay may invisible na pader sa pagitan namin.
'Yon bang, ang lapit-lapit niya, pero pakiramdam ko napakalayo niya.
Nakakainis. Ano bang dapat kong gawin?
"Therence!" Sigaw ng isa naming choreo.
Agad naman akong tumayo. "Po?"
"Kanina pa kita tinatawag. Can't you see na ikaw na lang ang wala rito sa stage?" Mataray na sabi nito.
Saka ko lang napansin na nasa stage na nga sina Clark. Aish! Kami na pala ang magba-blockings!
Tumakbo naman agad ako paakyat sa stage saka yumuko sa choreo namin bilang paghingi ng tawad. "Sorry po Miss."
"Masama ba ang pakiramdam mo? Madali lang naman ito then you can go home na para magpahinga. Baka lalong hindi ka pa makapagperform bukas."
"Sige po." 'Yon na lang ang nasabi ko.
Tinanguan lang ako ni Ma'am Choreo. "Okay guys! Pwesto na! Do this perfectly para isang pasada lang."
Sinubukan ko namang umayos sa pagsasayaw para nga makauwi na ako. Kahit anong pilit ko naman kasi ay lumilipad papunta kay Sizzi ang utak ko.
Pagkatapos no'ng blockings namin ay nilapitan ako ng isang organizer. "Therence wait!"
Huminto naman ako. "Bakit?"
"Pauwi ka na 'di ba? Pwedeng favor?"
"Sure."
"Pakisabi naman kay Sizzi na 'yong solo part niyang kanta ay after ng sayaw na modern jazz. Then 'yong duet ay after naman ng sophomore choir."
Nagulat ako. May solo at may duet si Sizzi?
Heck! Sino ang ka-duet niya?
"Duet? Sinong ka-duet ni Sizzi?"
Nabigla naman siya. "Huh? Hindi mo ba alam? Eh 'di ba—"
"Izzy! Kailangan kita rito!" May biglang sumigaw at nakatingin ito sa gawi namin.
"Oo! Teka lang!" Ganting sigaw ng kausap ko saka bumaling sa akin. "Sige Therence ha? Pakisabi na lang kay Sizzi. Salamat!"
Tumakbo agad siya palapit do'n sa tumawag sa kanya.

BINABASA MO ANG
Fight Until the End (Completed)
RomanceIsang babaeng siga, cussing machine at basagulera! Palagi pang tulog sa klase at kinatatakutan ng mga estudyante. Sa mga ugali kaya niyang ito ay may magmamahal pa kaya sa kanya?