"Delos Reyes, Sizzily Faye R."
Nakangiting umakyat sa stage si Sizzi at tinanggap ang kanyang diploma.
Yes, today is their graduation day.
Hanggang ngayon ay hindi makapaniwala si Sizzi na naka-survive siya ng high school. Pakiramdam niya ay parang kahapon lang nangyari ang lahat.
Parang kahapon lang ay third year high school pa lang sila.
Si Philip ay agad na ipinasok sa isang rehab noong araw na maganap ang biggest group fight. Sa nakalap na impormasyon ni Sizzi, makalipas ang limang buwan ay pumunta ng America si Philip para doon na talaga magpagaling.
Si Kysler? Ayun, hindi na niya kinayang tawaging Kuya. Magkaibigan pa rin sila, pero may gap na 'yon.
Hindi naman niya ito masisisi. Pasalamat pa si Sizzi rito dahil kung hindi nito nahawakan ang kamay ni Philip ay baka sa puso niya tumama 'yong bala at wala na siya ngayon.
Naging kaibigan na rin ni Sizzi si Celestine dahil iniligtas niya ang buhay nito. Malaki ang naging utang na loob ng huli kay Sizzi.
Sina Jayzee at Clark? Paulit-ulit silang humingi ng tawad kay Sizzi dahil sa nangyari ten years ago. Paulit-ulit din naman si Sizzi na hindi naman 'yon kasalanan ng dalawa.
Sina Rica, Amae at Ericka naman ay mga dakilang tagabatok pa rin ng tatlong ulukan. Lagi nga lang napag-iinitan si Jayzee at Clark dahil hanggang ngayon ay wala pa ring mga girlfriend.
"Morales, Therence Lloyd P."
Tiningnan ni Sizzi si Therence habang kinukuha nito ang diploma at ang pag-bow nito. Pagkatunghay naman ni Therence ay agad itong tumingin sa direksyon ni Sizzi at nginitian ito.
Napailing na lang si Sizzi habang nakangiti sa kalokohan ng boyfriend niya.
Yes, her boyfriend.
JS Prom (Third Year)
"Shall we?" Tanong ni Therence habang nakalahad ang kamay nito kay Sizzi.
Nakangiting tinanggap naman iyon ni Sizzi at agad siyang dinala ni Therence sa dance floor.
Hindi naman nakaligtas sa kanila ang narinig nilang tilian. Well, lalo kasing nabuhay ang RenZzinations.
"Isang kanta lang ha? Masakit sa paa." Paalala ni Sizzi.
Napatawa naman si Therence. "Then tanggalin mo na lang ang heels mo. I don't want the guys to have a chance na maisayaw ka. Balak kong isayaw ka buong gabi."
Nahampas naman ni Sizzi si Therence sa braso at napatawa. "Kahit kailan talaga ay OA ka. Buong gabi talaga? Mag-isa ka. At saka, wala namang ibang gustong magsayaw sa akin eh."
"Dahil alam nilang katapusan na nila kapag nagtangka sila. They know you're mine."
"Weh? Ni hindi ka nga nanligaw."
Nanlaki ang mata ni Therence. "What? I've been courting you since nakalabas ka ng ospital. You didn't noticed it at all?"
Napatawa si Sizzi. Kita at ramdam niya ang sincerity ni Therence. Oo nga, simula noong makalabas siya sa ospital ay halos hindi na humiwalay sa kanya si Therence. Naging doble rin ang pagka-protective nito.
"Sweetheart."
"Hmm?"
"Make me the happiest person. Be mine please?" Diretsong nakatingin si Therence sa mata niya noong sabihin nito iyon.
Ngumiti si Sizzi. "Okay."
Agad naman siyang hinalikan ni Therence sa noo at niyakap ng mahigpit.
"Congrats sa atin!" Masayang sigaw ni Mariann habang niyayakap ang mga kaklase niya.
"Waahh~ Sizzi!" Agad na niyakap ni Mariann ng mahigpit si Sizzi. "Sayang! Kayang-kaya mong mag-valedictorian eh!"
Napatawa si Sizzi. "Hayaan mo na. Kay Tiffany na 'yon. Deserve 'yon ni Tiffany."
Okay na rin sila ni Tiffany. Kahit na parang ilag pa rin ng konti si Tiffany sa kanya, at least hindi na siya lagi nito sinasamaan ng tingin.
"Sayang pa rin." Dagdag ni Mariann.
Ngumiti na lang si Sizzi.
Sa totoo lang ay tunay ang sinabi ni Mariann. Kaya talaga niyang mag-valedictorian pero hindi siya masyadong nag-effort dahil hindi naman base sa grades ang level ng natutunan mo. Basta ang mahalaga, natuto ka at dala mo 'yon buong buhay mo.
Naramdaman na lang niyang may yumakap sa likod niya. Si Therence. "Congratulations to us, sweetheart."
Nakangiting bumaling si Sizzi rito kasabay ang paglapit ng mga magulang nila sa kanila.
"Come. We need to celebrate pa." Sabi ni Trizel.
***
Sa bahay ng mga Morales sila nag-celebrate.
Pagkatapos kumain ay masayang nagkukwentuhan ang mga magulang ni Sizzi at Therence.
"Let’s take a walk?" Yaya ni Therence kay Sizzi.
Tumango naman ito at lumabas sila para maglakad-lakad.
Magkahawak ang kamay nila. Kahit tahimik lang silang naglalakad ay masaya sila, kontento na sila.
"Sweetheart."
"Hmm?"
"Thank you."
Napahinto si Sizzi sa paglalakad at tiningnan si Therence. Nakakunot ang noo niya. "For what?"
Ngumiti si Therence at hinawakan ang dalawang kamay niya. "For loving me, understanding me and for coming to my life."
Napangiti si Sizzi. Ganito kasi talaga si Therence, bigla na lang itong nagsasabi ng gano'n.
"Should it be me who needs to say thank you?" Niyakap ni Sizzi si Therence. "Thank you hinayupak."
Napatawa ng mahina si Therence. "Bakit hinayupak pa rin ang tawag mo sa akin? You’re unfair."
"Katumbas 'yon ng endearment mong sweetheart sa akin. Huwag ka na ngang choosy." Nginitian siya ni Sizzi. "Pakshet ka."
Pinisil niya ang ilong nito. "Kita mo na? Pati I love you, ang unique!"
"Sorry na. Hindi naman ako sweet na tao."
Ngumiti si Therence at hinaplos ang pisngi ni Sizzi. "You’re sweet in your own way. Hindi mo lang pansin." Hinalikan niya si Sizzi sa noo. "I love you more and most and more than most, sweetheart."
He kissed her nose, and then her lips.
Yes, they know that this is only the start of their journey of lives. There will be obstacles in their way.
But they know that they can surpass any struggles that will come as long as they are together because they will fight until the end.
=====
Oha! Kita mo! Tapos na!
Pasensya naman kung pangit 'yong buong story saka kung boring. Wala naman kasi talaga akong balak na tapusin ’to rito (since sinulat ko naman ’to literally at maraming nabago, haha!) kaya lang kinonsensya ako no'ng iba dyan. Haha! Alam nyo na kung sino kayo. Huwag kayong ano dyan.
O siya, nahaba areng note ko. May special chapter pa. Huwag kayong ano dyan. Haha!
Semi-edited.

BINABASA MO ANG
Fight Until the End (Completed)
RomanceIsang babaeng siga, cussing machine at basagulera! Palagi pang tulog sa klase at kinatatakutan ng mga estudyante. Sa mga ugali kaya niyang ito ay may magmamahal pa kaya sa kanya?