Fight #24: Weird

111 2 9
                                    

Sizzi's Punch

"When did Constantine the Great found the Byzantine Empire?" Rinig kong tanong ni Ma'am Social Studies.

Graded recitation namin ngayon. Bawal ang tumingin sa libro at notes. Kung sino ang makasagot, eh 'di 'yon lang ang may grades.

"Yes, Mr. Villon?" Tawag ni Ma'am Social Studies.

"330 A.D. Ma'am."

"Very good."

Well, rank number three eh. What do you expect?

"What is the capital of Byzantine Empire?" Tanong pa ni Ma'am. "Yes, Ms. Fernandez?"

"Constantinople Ma'am. Its former name was Byzantium. Constatine the Great rebuilt this city and named it Constantinople. This city is called Istanbul today, a city located in Turkey."

"Very well said, Ms. Fernandez."

Ang haba naman ng sagot. Capital lang naman ng Byzantine Empire ang tinatanong.

Rank number one eh.

"How did Byzantine Empire ended?"

"In the late 1000's, the Byzantine Empire started to decline. Its territories, constantly under attack by the Turks, were invaded also by the Crusaders, who held Constantinople for more than 50 years. In 1453, Constantinople fell finally to the Turks. That's how Byzantine Empire ended." Sagot ko habang nakahalumbaba akong nakatingin sa bintana.

Biglang nanahimik kaya napatingin ako sa unahan. Nakita kong medyo nakanganga si Ma'am. Hindi siguro niya inaasahan na sasagot ako.

"And when Constantinople fell to the Turks in 1453, many of the learned men who had lived there fled to other cities in Western Europe, often taking with them classical manuscripts. So they helped arouse an interest in the learning of ancient Greek throughout Europe. The date 1453 is widely thought as the end of the Middle Ages and the beginning of the Renaissance, a word meaning 'rebirth' of interest in ancient learning." Dagdag ko pa habang nakatingin ng diretso kay Ma'am.

Ginaya ko lang 'yong rank number one namin na napakahaba sumagot. At nakakapagod magsalita ng mahaba.

Nakatunganga lang sa akin si Ma'am Social Studies. Honestly speaking, bitter sa akin si Ma'am. Hindi ko alam kung bakit. Basta, ang init ng ulo niya sa akin.

Sa kanya ako nakatanggap ng pinakamababang grade ko noong first grading. Biruin n'yong nakatanggap ako ng mataginting na 85. Nahiya pang gawing 84 para mawala na ako sa Class 3-A.

Perfect ko kaya ang quizzes niya saka 'yong First Periodical exam niya.

Ang dahilan niya eh hindi raw naman ako nagre-recitation.

Paanong magre-recitation ako eh tinatamad ako? At isa pa, lagi kayang ang tinatawag lang niya ay Fernandez, Porta at Villon.

Sinong gaganahang magrecitation sa kanya? Kaya nga hindi na rin tumataas ng kamay 'yong iba kong kaklase eh.

Bigla namang nagpalakpakan ang mga kaklase ko. Well, maliban do'n sa rank one to three. Tsk, mga competitive masyado. Hindi naman nila 'yon madadala kapag namatay na sila.

"Wooo~ da best ka Sizzi!"

"Kabisado mo ba ang buong libro?"

"Teka, hindi naman ata nakalagay sa libro 'yong huling sinabi ni Sizzi."

"Ilang libro kaya ang binasa ni Sizzi?"

Napaayos ako sa bangs ko at medyo napangiti. Hanggang ngayon eh naninibago pa rin ako sa compliments na naririnig ko galing sa kanila. Well, may iba pa rin na sobrang sama kung makatingin at magsalita tungkol sa akin.

Fight Until the End (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon