Sizzi's Punch
"Paano ba ako napunta rito?" Bulong ko sa sarili ko.
Sus, gusto mo rin naman eh.
Agad kong pinukpok ang ulo ko. Naman eh! Nang-aasar na naman 'yong utak ko.
"Sizzi?"
Agad akong napatingin sa kanya.
"Akala ko kung napaano ka na. Hindi ka pa kasi pumapasok." Sabi ni hinayupak sa may pinto.
Napahinga ako ng malalim saka pumasok sa condo niya.
OY! Wala kaming gagawing kababalaghan. Huwag kayong ano dyan. Bata pa ako.
(A/N: Bata pa rin ako!)"Make yourself at home." Nakangiting sabi ni hinayupak saka ipinasok sa isang kwarto ang gamit ko.
Napasandal naman ako sa couch. Nagulo ko ang buhok ko no'ng maalala ko ang napag-usapan namin ni hinayupak.
"Kidding aside." Sabi ni hinayupak. "You'll stay at my condo starting tomorrow."
Agad kong nabitawan ang kutsara't tinidor ko saka nanlalaki ang matang tumingin sa kanya. "WHAT?"
"You're not safe here Sizzi, we both knew that."
"Ayoko!" Tanggi ko agad.
Hindi pa ako nasisiraan ng ulo para tumira nang kasama siya. Gusto ba niyang mapatay ako ng mga baliw na baliw sa kanya?
"Don't be stubborn Sizzi. Kaya kang patayin ng Breakers kahit anong oras."
"Ayoko pa rin! Eh 'di 'yong mga obsess naman sa'yo ang papatay sa akin kapag nalaman nila na magkasama tayo?" Singga ako.
"Hindi nila malalaman 'yon Sizzi, trust me. May sikreto akong dinadaanan papunta sa condo. At hanggang ngayon ay hindi pa rin nila alam kung saan ang condo ko. Hindi ka ba nagtataka do'n?" Mahabang sabi niya.
"Kahit na!"
"Mas gugustuhin mong mapahamak ka rito? No. I won't let that happen sweetheart. So whether you like it or not, you'll stay at my place."
"Pero---"
"No buts, sweetie. Don't tell me na babalik ka sa bahay n'yo? Alam kong ayaw mong madamay ang parents mo." Putol niya sa sasabihin ko.
Nanahimik ako. Ayaw ko talagang madamay sina Mama.
Pero ayaw ko pa ring tumira kasama si hinayupak. That would be awkward.
"Ayoko pa rin. Lilipat na lang ako." Pagmamatigas ko.
Napabuntong-hininga si hinayupak at marahang ibinaba sa plato ang kutsara't tinidor niya.
Hinawakan niya ang kamay ko. "Naiilang ka sa akin ano?"
Hindi ako nagsalita. Yumuko lang ako.
"Wala kang dapat ikailang Sizzi. We'll sleep in different rooms naman eh. Hindi ko naman sinabi na sa iisang kwarto tayo matutulog. I just want to be sure that you're safe. Please Sizzi? Pumayag ka na. Kung hindi, then sasama ako sa paglipat mo ng apartment."
Napabuntong-hininga ako. Mukhang hindi talaga niya ako tatantanan hangga't hindi ako pumapayag.
"Fine. Basta papatayin kita kapag may ginawa kang masama sa akin." Sabi ko at tumingin sa kanya.
Ngumiti naman siya. "Trust me sweetheart."
Isa pang buntong-hininga ang pinakawalan ko.
Napapikit ako sa inis. Hindi ko alam kung kanino ako naiinis, sa sarili ko ba o kay hinayupak?
Argh. Mababaliw na ata ako.
"Sweetheart?"
Napamulat ako ng mata at nanlaki ang mata ko dahil ang lapit ng mukha ni hinayupak sa mukha ko.
Crap.
"Huwag ka ngang lumapit!" Singhal ko at itinulak palayo ang mukha niya.
Napatawa naman siya ng mahina. "Magpapa-deliver na lang ako ng pagkain. What do you want?"
Naningkit ang mata ko. "Hindi ka marunong magluto?"
"Konti lang. Pero wala na akong stock eh. Mamimili pa ako bukas."
"Ako na lang. Pambayad na rin."
Napabuntong-hininga siya. "Are we going to argue again about that issue?"
Habang papunta kasi kami rito kanina eh pinagtalunan namin 'yong kung paano ako makakapagbayad sa kanya. Aba, hindi naman gano'n kakapal ang mukha ko para tumira rito nang walang bayad.
Kaso, ayun nga. Ayaw pumayag ng hinayupak na magbayad ako.
Tumalim ang tingin ko sa kanya.
Napabuntong-hininga siya. "Okay, you'll cook. 'Yon lang ang bayad mo. Okay na?"
"Is that enough?"
"As long as you're safe, that's enough."
Napatingin ako sa kanya. "Bakit ba sobrang nag-aalala sa akin, hinayupak?"
Ngumiti lang siya saka nagkibit-balikat.
Ano ba namang klaseng sagot 'yon?
***
Nagpadeliver ng Korean foods si hinayupak. Sabi ko eh. Kawasa ako pa ang tinanong.
(A/N: Kawasa = kasi naman)Sobrang lawak nitong condo ni hinayupak. Parang sakop nito 'yong buong 18th floor.
"Sa inyo itong condo building 'no?" Tanong ko.
Tumango naman siya.
"Tumutulog din ba si Rica rito?" Tanong ko pa.
Bakit ba ang daldal ko? Tanong ako nang tanong.
"Sometimes. Katapat nitong condo ko ang condo niya."
Yaman talaga. So itong buong 18th floor ay sa kanila lang na magkapatid?
"Hindi ba pwedeng do'n na lang ako?" Dagdag ko pa.
Napatingin si hinayupak sa akin. "Ayaw mo talagang makasama ako 'no?"
Nabigla ako. I can see pain in his eyes.
Naman eh. Feeling ko tuloy nasasaktan din ako.
"Sizzily, hindi laging pag-iwas ang solusyon sa problema. Kasi, kapag lalo mong iniwasan, lalong hindi ka titigilan."
Naalala ko na naman ang sinabi ni Mama.
Pero anong magagawa ko? Nagkukusa ang utak ko na umiwas.
"Tapusin mo lang 'yong pagkain mo then ihahatid na kita sa kabilang condo." Sabi ni hinayupak.
Napatingin ako sa kanya. Hindi siya nakatingin sa akin.
Huminga muna ako ng malalim. "Tinanong ko lang naman kung pwede akong matulog do'n, pero hindi ko naman sinabing do'n nga ako matutulog."
Nanlalaki ang matang napatingin sa akin si hinayupak.
Ang cute.
F*ck. Wala. Wala akong sinabi. Wala talaga.
"You sure?" Hindi pa rin makapaniwalang tanong niya.
Nagkibit-balikat lang ako bilang sagot.
Tama naman si Mama eh. Hindi nga laging pag-iwas ang solusyon. Mapapagod lang ako kaiiwas.
=====
Semi-edited.
BINABASA MO ANG
Fight Until the End (Completed)
RomanceIsang babaeng siga, cussing machine at basagulera! Palagi pang tulog sa klase at kinatatakutan ng mga estudyante. Sa mga ugali kaya niyang ito ay may magmamahal pa kaya sa kanya?