Therence's Punch
"Meet me at Zone #21. I'll expect you in 15 minutes." Text ni Founder.
Napakunot ang noo ko. May masama bang nangyari?
Buti na lang at tapos na ang klase namin kaya agad kong pinaharurot ang motor ko. Ni hindi ko na pinansin si Clark at Jayzee kahit na tinatawag nila ako.
Mukhang masamang balita ang sasabihin ni Founder.
Pagkarating ko sa Zone #21 ay nandoon din ang ibang group fight leaders. Mabuti na lang at hindi tinext ni Founder si Sizzi.
Oo nga pala, si Sizzi. Agad ko namang tinext si Jayzee at Clark na bantayan muna si Sizzi.
Nang makita ko si Founder ay prenteng nakaupo ito pero naninigarilyo siya. Mukha pang kabado.
Masama nga yata ito.
Itinapon naman ni Founder ang upos ng sigarilyo. "Sa tingin ko ay nandito na kayong lahat na group fight leaders." Bumuntong-hininga ito. "We're facing a big problem."
Nanatili kaming nakinig sa kanya. Pakikinggan muna namin ang sasabihin niya bago kami mag-react.
"May isang grupo with large number of members ang nagsimulang manggulo last week. Their breaking every group fight rules so I called them breakers." May tiningnan si Founder sa cellphone niya. "Last week, ilang beses silang nanggulo sa Zone #9, #12, #17, #18, #25 at #27. I now considered these zones as Danger Zones."
May zones kasi kung saan lang pwede ang group fights. Hanggang Zone #30 lang ang mga ito.
At ngayon, may Danger Zones na.
"Tell your members to be careful. Breakers look like they were trained to be assassins since sobrang galing nila. They wear masks kaya hindi sila makilala. Gusto ko lang na maki-cooperate kayo sa akin para mahuli ang leader nila." Dagdag pa ni Founder.
Narinig ko ang mahinang pagmumura ng ibang group fight leaders. Kahit ako ay napamura sa isip ko.
Sino naman ang leader ng Breakers? Wala bang magawa 'yon sa buhay?
"Therence." Tawag sa akin ni Founder.
"Bakit?"
"You need to protect Sizzi. May nakapagsabi sa akin na may umaali-aligid sa apartment niya nitong mga nakaraang araw."
Nagulat naman ako. Kaya ba ayaw niya akong papuntahin sa apartment niya?
Nagulo ko ang buhok ko sa inis. Paano kung mapahamak na naman siya?
Nakita siguro ni Founder sa mukha ko ang pag-aalala kaya tinanguhan niya ako na parang sinasabi niyang pwede na akong umalis para mapuntahan ko si Sizzi.
Hindi naman ako nagdalawang-isip kaya agad kong pinaharurot ang motor ko.
Tsk, Sizzi. Kailan mo ba ako hindi pag-aalalahanin?
Noong malapit na ako sa apartment building na tinutuluyan ni Sizzi ay napahinto ako.
May umaaligid nga sa apartment niya.
Tiningnan ko ang cellphone ko. May text si Clark at Jayzee.
"Pare, ang daming lalaki rito sa may apartment ni Sizzi." Text ni Clark.
"Naka-antabay pa rin naman kami in case na gawan nila ng masama si Sizzi." Text ni Jayzee.
Napahinga ako ng maluwag. Mabuti na lang at maaasahan ang dalawang ito.

BINABASA MO ANG
Fight Until the End (Completed)
RomanceIsang babaeng siga, cussing machine at basagulera! Palagi pang tulog sa klase at kinatatakutan ng mga estudyante. Sa mga ugali kaya niyang ito ay may magmamahal pa kaya sa kanya?