Fight #13: Ang Tatlong Tagabatok

120 4 10
                                    

Rica's Punch

"Ang torpe naman pala ni Kuya Therence 'no?" Sabi ni Ericka pagkainom ng Chuckie.

Napabuntong-hininga si Amae. "Nakakainis 'yong kabagalan niya."

"Nakita ko na 'yong Kuya Kysler ni Ate Sizzi. Erm, sa tantiya ko eh mga 20 years old na siya." Paliwanag ko habang nagbabasa ng book 6 ng Mortal Instruments, 'yong City of Heavenly Fire.

"Saan mo nakita?" Tanong ni Ericka.

"I asked Kuya Clark na mag-take ng picture ni Ate Sizzi with this Kysler guy. Here." Pinakita ko sa kanila 'yong picture.

Tumango-tango si Amae. "In fairness, hindi carjack ang fes."
(A/N: Carjack = pangit, itatapon)

"No wonder, selos na selos ang kuya mo. They look really close." Komento ni Ericka.

Nandito kami sa may study area. Actually, uwian na namin kaso hinihintay ko pa si Kuya. Siya kasi ang maghahatid sa akin sa bahay. Naka-leave 'yong driver namin.

At dahil mababait itong mga kaibigan ko, nakihintay na rin sila. 4 PM kasi ang dismissal namin samantalang 5 PM sina Kuya.

"So, wala ba tayong gagawin to this situation?" Tanong ni Amae.

Napangisi ako. "I guess, may kailangan na tayong batukan para may matauhan?"

Whoa. Rhyme yun ah?

Napapalakpak si Ericka. "Ow! Ow! Gusto ko 'yan!"

"Para namang hindi ka lagi nambabatok." Natatawang sabi ni Amae.

"Iba naman 'ying ngayon. Seryosong batukan with matching sermon ang mangyayari ngayon." Katwiran ni Ericka.

Kami kasing tatlo ang dakilang tagabatok ng tatlong ulukan. Well, siguro kilala n'yo na ang tinutukoy ko. So I don't need to elaborate them, right?

Kanina ko pa napapansing umi-english ako. Ginagawa akong conyo ni Author, which is I'm really not.

Tsk, kasasabi ko lang na hindi ako conyo eh!

Maya-maya pa ay dumating na sina Kuya.

Nalimutan kong sabihin na dalawang araw nang tahimik si Kuya.

Nakakapanibago nga eh. Wala 'yong makulit kong Kuya.

Kahit si Ate Sizzi, naninibago sa katahimikan ni Kuya. Ni hindi nga sila nagbabangayan.

Kita ko namang bothered din siya kung ano ba ang problema ni Kuya.

Hindi ko alam kung maiinis o matutuwa ako. Natutuwa ako kasi feeling ko may something na silang nararamdaman sa isa't isa. Kaso naiinis ako sa katorpehan ng Kuya ko at pagkamanhid ni Ate Sizzi.

Ang sarap nilang batukan pareho.

Pero siyempre, si Kuya lang ang babatukan ko. Ayoko ngang saktan si Ate Sizzi.

Kinuha ni Kuya ng walang imik ang bag ko.

Walang sabi-sabing binatukan ko siya.

"What was that for?" Gulat na sabi ni Kuya habang nakahawak sa likod ng ulo niya.

"Warm up pa lang 'yan." Banta ko.

"Wala naman akong ginawang kalokohan ah?" Depensa ni Kuya.

Agad namang lumapit si Ericka at binatukan din siya. "Wala nga. Dapat ka lang matauhan."

Nangunot ang noo ni Kuya. "Saan?"

Fight Until the End (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon