Fight #35: Izzy and Rence

97 2 0
                                    

Therence's Punch

"Halos ilang araw nang ngiting gag* ang isang 'yan ah." Rinig kong sabi ni Clark.

"Sila kasi ni Sizzi ang nanalong Mr. and Ms. School Fest. Naniniwala ata ang isang 'yan do'n sa sabi-sabi." Komento naman ni Jayzee.

Kasalanan ko pa? Masama bang maging masaya?

Napailing na lang ako.

Eh kahit nga 'yong tatlong bulilit ay tuwang-tuwa no'ng malaman nilang kami ni Sizzi ang nanalong Mr. and Ms. School Fest.

"Hmm, excuse me."

Napatingin kami sa nagsalita. Ah, isa ito sa dating organizer no'ng concert. 'Yong nagsabi no'ng kung kailan ang performance ni Sizzi.

Ka-year level lang pala namin siya.

Ano ngang pangalan nito?

"Bakit?" Tanong ni Jayzee.

"I-interview-hin ko sana si Therence since sila ni Sizzi 'yong nanalong Mr. and Ms. School Fest. Para sa school paper ito." Sabi niya at ipinakita ang ID niya bilang journalist ng school paper namin.

"Bakit si Therence lang? 'Di ba dapat si Sizzi rin?" Nagtatakang tanong ni Clark.

"Kanina ko pa hinahanap si Sizzi kaso hindi ko siya makita eh. Nauli ko na ata ang buong school." Sabi nito habang inilalabas ang isang recorder.

"Natutulog 'yon." Natatawa kong sabi.

"Hmm, pwede ka bang ma-interview? Para kasi may masimulan na rin ako. I-interview-hin ko na lang ulit kayo ni Sizzi na magkasama." Tanong niya sa akin.

Tumango ako. "Sure."

"Hahanapin na namin si Sizzi. Para naman ma-interview mo na rin siya." Paalam ni Clark at Jayzee.

Good luck sa dalawang 'yon kapag ginising nila si Sizzi.

"Ako nga pala si Izzy Torres." Pakilala niya sa akin.

Izzy?

Naghahanap ako ng playground dahil gusto kong maglaro.

May nakita akong playground pero iisang bata lang ang nando'n.

Nakaupo lang ito sa swing at parang tulala.

Gulatin ko kaya?

Dahan-dahan akong lumapit sa batang babae. "Huy!"

"P*cha!" Mura nito.

Nagulat ako. Kababaeng tao ay palamura!

Galit siyang tumingin sa akin. Mukhang ka-edad ko lang siya.

"Sino ka ba? Ano bang problema mo?" Bulyaw nito.

"Tulala ka kasi."

"Ano namang pakialam mo? Hindi kita kilala, umalis ka nga rito!"

"Bakit? Sa inyo ba 'to?"

Bumuka ang bibig niya para magsalita ulit pero itinikom din niya ito at inirapan ako sabay punta sa slide upang doon maupo.

Siya ang kauna-unahang babae na nagtaray sa akin. Karaniwan kasi sa school eh sobrang babait ng mga babae sa akin.

Lumapit ulit ako sa kanya. "Ako nga pala si Therence. Ikaw?"

"Bakit ko naman sasabihin sa'yo ang pangalan ko?"

Fight Until the End (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon