Fight #11: Himala!

152 4 13
                                    

Sizzi's Punch

Maraming estudyante ang natigilan nang makita nila ako. Sino ba naman ang hindi?

Ang basagulera, may galit sa mundo at palamura na Sizzi na nakilala nila ay nakangiti ngayon. Oo! Nakangiti ako! Mahirap bang paniwalaan?

"Ano kayang nangyari at nakangiti si Sizzi?"

"Baka dahil kaninang tanghali?"

"Bakit? Anong nangyari?"

"Hindi mo ba nakita? Kasama niyang mag-lunch sina Therence saka sina Rica."

"Anong konek no'n?"

"Pagong! Ibig sabihin masaya siya kasi close na siya kina Therence saka kina Rica! Eh 'di mas malaki ang chance niya kay Therence."

Napatigil ako sa harap no'ng kumpulan ng mga babaeng napakalakas magbulungan. Kung bulungan pa nga ang tawag do'n.

Natigilan naman sila at takot na tumingin sa akin. Iniisip siguro nilang mumurahin ko sila.

Well, gusto ko sana. Kaso masyado akong masaya ngayon.

Walang imik na nagpatuloy ako sa paglalakad. Narinig ko pa ang malakas nilang buntong-hininga. Mga relief na hindi ko sila sinigawan at minura.
(A/N: Imik = salita, sabi)

Alam kong iniisip ninyong napakababaw ng kaligayahan ko. Pero masisisi n'yo ba ako? Wala akong kapatid. Gustung-gusto kong magkaroon ng kapatid.

Sobrang saya ko talaga no'ng marinig ko silang tinawag nila akong Ate. Sa tanang buhay ko, ngayon lang may tumawag na Ate sa akin.

"Ang saya mo ata?"

Kahit gaano pala ako kasaya, hindi no'n kayang talunin ang inis ko sa hinayupak na ito.

"Oh? Ano naman?"

Nagkibit-balikat siya. "For the first time kasi ay nagmukha kang tao."

Naningkit ang mata ko. "Wow ha? Hiyang-hiya naman ako sa pagmumukha mo."

"Masyado kasi akong gwapo. Tama 'di ba?"

Napakahangin talaga nito. Ihagis ko ito papuntang outer space eh.

"Nagtataka ako kung bakit."

"Nagtataka ka kung bakit ang gwapo ko?"

Lalong naningkit ang mata ko. "Nagtataka ako kung bakit hanggang ngayon ay nandito ka pa sa lupa. Sa lakas ng hangin mo, sapat na 'yon para ilipad ka papuntang Pluto."

Napatawa naman si hinayupak. "Hindi naman ako mahangin ah?"

"Hindi raw?" Umismid ako. "Ayaw talagang tanggapin ng utak ko ang katotohanang kapatid ka ni Rica."

"Maganda si Rica, gwapo ako. Does that not count?"

"Gwapo ka? Sinong may sabi? Dadalhin ko sa opthalmologist, malala na ang lagay no'n."

Napatawa lang siya. Patuloy lang kami sa paglalakad.

Pero teka, wala bang balak umuwi ang isang 'to?

"Hindi naman dito ang daan pauwi sa condo mo ah? Layas na."

"Ihahatid na kita."

Nanlaki ang mata ko. "What I am? A five-year old?" Naningkit ang mata ko. "Excuse me. Kayang-kaya ko na ang sarili ko."

Nag-shrug siya. "Hindi naman masama 'di ba?"

"Naka-drugs ka ba?"

"Of course not."

Fight Until the End (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon