"Bangon na, kakain na tayo." Tinapik-tapik ko pa ang pisngi niya para magising ito.
Kumunot ang noo niya kahit nakapikit pa rin siya tapos ay bigla akong hinigit kaya ang ending ay napahiga ako sa kama.
Niyakap naman niya ako mahigpit. "Pwede bang maya-maya sweetheart? Inaantok pa ako."
"May trabaho ka pa."
"Ayos na naman 'yong plano sa bagong condo building na itatayo eh. Na-finalize na namin kagabi."
"Kagabi o kaninang madaling araw?" Nakatulog na kasi ako’t lahat-lahat eh hindi pa siya dumadating.
Last week pa kasi sila busy kasi they planned na magtayo ng condo building sa iba pang lugar dito sa Pilipinas. Kaya lagi siyang gabi o umaga na umuwi.
"Hindi ka muna papasok?" Tanong ko.
Tumango siya. "I’m the boss. Pwede akong pumasok sa trabaho whenever I want."
Napailing na lang ako.
After kasi namin maka-graduate ng college ay ipinasa agad ni Dad kay Rence 'yong business nila.
And obvious na naman sa inyo na kasal na kami, right? Kapag hindi, my goodness. Ewan ko na sa inyo.
Tae! Kinakabahan ako!
Bakit ako kinakabahan? Dahil ngayon lang naman ang kasal namin ni hinayupak! Shet!
"Anak, huwag kang kabahan. Nandito lang kami ng Mama mo." Pagpapakalma ni Papa.
Eh kung si Papa kaya rito sa pwesto ko!
"Anak, kalma lang. Gusto mo ba ng tubig?" Tanong ni Mama.
Umiling lang ako. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Para akong natatae na naiihi na ewan!
"Ma’am Sizzi?" Napalingon ako sa tumawag sa akin. 'Yong isa sa tauhan ng wedding organizer namin ni Rence. "Ikakabit ko lang po ito sa inyo."
Kumunot ang noo ko habang kinakabit niya sa akin ang lapel. "Para saan po ito?"
Ngumiti lang ito sa akin. "Basta po. Congrats po sa inyo."
Maya-maya pa ay ito na! Ako na ang maglalakad sa aisle!
Napahigpit ang kapit ko sa braso ni Mama at Papa. Kung hindi, baka kanina pa ako natumba rito kasi nanlalambot ang tuhod ko sa kaba!
"All I am, all I’ll be
Everything in this world
All that I’ll ever need is in your eyes shining at me
When you smile I can feel all my passion unfolding."Agad akong napangiti at namuo ang luha sa mata ko. Hindi ko naman kasi inaasahan na groom ko pala ang kakanta habang naglalakad ako sa aisle.
Pagtingin ko kay Mama at Papa, nginitian lang nila ako. Hinayupak talaga, ang dami niyang pakana!
"Your hand brushes mine
And a thousand sensations seduce me ’cause I
I do cherish you
For the rest of my life, you don’t have to think twice
I will love you still
From the depths of my soul it’s beyond my control
I’ve waited so long to say this to you
If you’re asking do I love you this much
I do.""Sweetheart."
"Why?"
"Kaya mo bang kumanta ngayon?"
BINABASA MO ANG
Fight Until the End (Completed)
RomanceIsang babaeng siga, cussing machine at basagulera! Palagi pang tulog sa klase at kinatatakutan ng mga estudyante. Sa mga ugali kaya niyang ito ay may magmamahal pa kaya sa kanya?