Sizzi's Punch
"4-A! 4-A! 4-A for the win!"
"Go 4-B! Go 4-B!"
"3-A is the best! 3-A is the best!"
Halos nakakabingi ang cheer ng bawat sections. And as you can read, intramurals namin ngayon.
Hindi nga sana ako papasok kaso required na kailangan lahat ay may sasalihan. Well, may exception siyempre 'yong mga may sakit gaya ng hika, and so on and so forth.
Andito kami sa gym at opening nga ngayon ng intramurals. Argh. Bakit ba paulit-ulit ako?
Hayaan n'yo na nga!
Ngayon pa lang eh medyo nagkakapikunan na sa kantyawan. Lalo na 'yong mga first year students. Kulang na lang magrambulan sila.
Kapag ganitong Intrams, galit-galit muna ang bawat sections. Ewan ko nga ba at sobra nilang sineseryoso ang Intrams.
Biglang may tumabi sa akin. At kahit hindi ko siya lingunin eh kilala ko na siya.
Siya lang naman ang nagpapaabnormal sa puso ko.
Ugh. Ano ba 'tong sinasabi ko?
"Panoorin mo ako mamaya." Demand ni hinayupak.
"Kasabay no'ng game mo ang laro ko."
Gulat na napatingin siya sa'kin. "What? Hindi pwede! Hindi kita mapapanood."
Nagkibit-balikat lang ako.
Sa katunayan naman kasi eh hindi naman talaga sabay eh.
At manonood naman talaga ako ng laro niya.
Kaso ayaw kong sabihin na manonood ako at baka lumaki ang ulo niya.
Isa pa, kahit naman i-cheer ko siya (na never ko namang gagawin) eh hindi niya ako maririnig. Sa dami ba namang magchi-cheer para sa kanya.
Para saan pa, 'di ba?
"Makapunta nga sa committee ng---"
"You're not going to do that!" Putol ko sa sasabihin niya. "Really, hinayupak? Isang linggo naman ang Intrams! Pambihira!"
Bigla siyang ngumisi. "So, 'pag may game kami, manonood ka?"
Napaiwas ako ng tingin. Argh. Busted. "Wala akong sinabi."
Napatawa ng mahina si hinayupak at inayos niya ang bangs ko na humahara sa mukha ko.
Nakakahalata na ako ah! Inggit talaga siya sa buhok ko!
"Inggit ka ba sa buhok ko kaya lagi mong hinahawakan?" Tanong ko.
Hindi nagsalita si hinayupak. Tapos saka ko lang napansin na...
Namumula siya.
Hindi nga?
Automatic na umangat ang kamay ko at pinakiramdaman ko ang noo niya. Bigla naman siyang umiwas ng tingin at ibinaling sa ibang direksyon ang ulo niya.
Ako naman ang napatawa. Nag-blush ang isang Therence Lloyd Morales!
"Makapagpamisa nga." Natatawa ko pa ring sabi.
".... kita... eh."
"Ha?" Sorry naman at hindi ko narinig. Paano kasi, ang lakas ng sigawan tapos bumulong lang siya. Ay maririnig ko nga 'yon.
"Wala." Nakaiwas ang tingin pa ring sabi niya.
"Hello Jayden students!" Rinig kong sabi ng MC. "Kanina pa nagpapaligsahan sa mga cheers ang bawat section! Kaya alam na alam kong excited na kayo! So for our first game in basketball, category A..."
BINABASA MO ANG
Fight Until the End (Completed)
RomanceIsang babaeng siga, cussing machine at basagulera! Palagi pang tulog sa klase at kinatatakutan ng mga estudyante. Sa mga ugali kaya niyang ito ay may magmamahal pa kaya sa kanya?