Fight #23: RenZzi?

129 2 7
                                    

Sizzi's Punch

"Hi Sizzi!"

"Good morning Sizzi!"

"Hello po Ate Sizzi!"

Nginitian ko lang ng alanganin ang mga bumabati sa akin.

Anong meron ngayon? Bakit nila ako binabati? Hindi na ba sila natatakot sa akin?

Aba himala.

"Hello po Ate Sizzi! Ang galing mo po no'ng Friday!" Sabi no'ng nakasalubong kong lower year.

"Ah? S-salamat." Naiilang kong sabi.

Ano ba talagang meron ngayon?

Napaayos tuloy ako ng side bangs ko. Nakakailang. Yumuko na lang ako.

Hindi ako sanay na nginingitian nila ako ngayon. Sanay kasi ako na mapanuring tingin ang ibinibigay nila sa akin.

Kapag nga makakasalubong ko sila dati ay umiiwas agad sila saka tatabi. Pero ngayon, sinasalubong na nila ako at nakangiti pa.

Waaaa~ Naloloka na 'yong utak ko!

Umiling-iling ako habang hawak ko 'yong ulo ko. Siguro aakalain nilang nababaliw na ako.

Dahil nakayuko ako habang naglalakad, naramdaman ko na lang na may tao sa harap ko at hinawakan ang braso ko para mapahinto ako sa paglalakad.

Buti na lang, kundi, nabangga ko na siya.

"Careful Sizzi." Sabi no'ng mababangga ko sana.

Napatunghay ako. Fudge! Si hinayupak! Nanlaki ang mata ko.

"Good morning to you too, sweetheart." Natatawa niyang sabi.

Napakurap naman ako saka pumiglas sa pagkakahawak niya.

Lalo naman siyang natawa.

Sinamaan ko nga ng tingin. "Tantanan mo na nga ang pagtawag mo sa akin ng sweetheart, hinayupak!"

"Bakit sila nginitian mo no'ng binati ka ng good morning? Bakit ako hindi?"

Naningkit ang mata ko. "Wala kasing good sa morning dahil nakita kita."

Humawak pa ito sa dibdib nito at nag-act na nasasaktan. "You hurt me sweetheart. Parang good morning lang eh."

"Ewan ko sa'yo." Sabi ko at nilampasan siya.

Narinig ko pa ang mahinang pagtawa niya saka siya sumunod sa akin.

"Para kang artista kanina. Ang daming bumabati sa'yo." Sabi niya habang nakapamulsang naglalakad.

"Nakakapanibago nga eh. Dati ang sama ng tingin sa akin, tapos biglang ganyan sila ngayon sa akin."

"Gawa siguro no'ng concert." Kibit-balikat niyang sabi.

Napayuko naman agad ako. Kapag nababanggit kasi 'yong concert ay 'yong duet namin ni hinayupak ang naaalala ko.

Tae, uminit na naman ang pisngi ko.

"Sizzi?" Sabi ni hinayupak at hinawi ang buhok ko.

Pansin n'yo ba? Lagi niyang hinahawakan ang buhok ko. Inggit ata 'to sa buhok ko eh.

"B-bakit?"

"Why are you stuttering? May sakit ka ba?" Nag-aalala niyang sabi saka hinawakan ang noo ko. "Namumula ka pa. Okay ka lang ba?"

"Ayos lang ako. Bitaw na nga." Tinabig ko ang kamay niya.

Lalakad na sana ako pero humarang siya sa akin at mataman akong tiningnan.

Fight Until the End (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon