Fight #3: Angry Sizzi

328 9 11
                                    

Kay HazelMikaelaMNapao ko ni-dededicate 'tong chapter na ito kasi natutuwa ako at na-appreciate niya ang mga kwento ko. Salamat ulit sa'yo!

=====

Sizzi's Punch

Naglalakad na ako papunta sa apartment ko. Uwian na kasi. Independent ako, ayaw kong tumira sa bahay namin. Yung parents ko kasi hindi alam ang salitang FREEDOM. Kapag nasa bahay ako, para akong nasa kulungan.

Isasalaysay ko pa ba kung paano ako umalis sa bahay? Malamang naman, 'yon naman talaga ang purpose ng kwentong ito, ang ilahad ang pangyayari sa buhay ko. Takte, kanina ko pa napapansin na malalalim na tagalog ang ginagamit ko? Well, pabayaan n'yo na, magtiis kayo.

Three months ago...

8:30 na ng gabi, pero eto ako, basang-basa sa ulan.

*insert Basang-basa sa ulan by Aegis*

Joke lang, pauwi na ako sa bahay. Gala kasi ako. At hindi po naulan ngayon, dami ngang stars eh, ang ganda.

Pagkabukas ko pa lang ng pinto.

“Sizzi! Anong oras na? Bakit ngayon ka lang umuwi?” Bungad agad sa'kin ni Mama.

“Kanina ka pa namin tine-text at tinatawagan pero hindi ka man lang na-reply at nasagot!” Second the motion ni Papa.

Gandang bungad 'no? Sana man lang papasukin muna ako ng bahay bago nila ako pagsabihan ng ganyan 'di ba?

Tiningnan ko lang sila tapos pumasok na ako sa loob. Nakakaumay na, ganito na lang palagi kapag umuuwi ako ng bahay.

“Sizzi, tinatanong kita, bakit ngayon ka lang umuwi?” Sabi ni Mama. Parang may inis na sa tono ng pagsasalita niya.

“Bakit n'yo pa ba tinatanong eh alam n'yo na naman kung saan?” Sabi ko with bored tone.

“Sizzi, tigil-tigilan mo na nga 'yan! Wala 'yang mabuting idudulot sa’yo!” Pangaral na naman ni Mama.

“Bakit ba? Do'n ako masaya Mama! Tapos ipagkakait mo sa’kin?” Sagot ko. Naiinis na ako eh!

“Sizzily Faye! Huwag na huwag mong sigawan ang Mama mo!” Saway ni Papa sa'kin.

Fine!" Inis kong sabi.

“Sizzi, umayos ka! Pinipilit kong maging mahinahon dahil nag-iisa ka naming  anak. Para naman ito sa ikabubuti mo eh.” Sermon ni Papa sa'kin.

“Ikabubuti ko pero masasakal ako sa higpit n'yo? Sana man lang hayaan n'yo akong gawin ang gusto ko. For Pete’s sake, hindi na ako bata! I can handle myself! 16 years old na ako at hindi three years old!” Frustated na sabi ko.

“Sizzi, masisisi mo bang hindi kami mag-alala? Nag-iisa ka naming anak! Ayaw ka naming mapahamak!” Naiiyak na sabi ni Mama.

“Napakalaki ng ipinagbago mula no'ng—“

Pinutol ko agad ang sasabihin ni Papa, “Bring up that topic at mawawalan kayo ng anak.”

Sinabi ko 'yon with cold voice and cold look kay Papa. Labas ang topic na 'yon sa pinag-uusapan namin ngayon.

“Mag-a-apartment ako.” Seryoso at pinal kong sabi.

“Pero Sizzi—“

Fight Until the End (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon