Fight #29: Intramurals (Part 2)

105 2 0
                                    

Sizzi's Punch

"Kyaaaa~! Galingan mo Therence!"

"Go Jayzee my loves!"

"Clark babes! Fighting!"

Last day na ng Intrams namin ngayon.

At alam kong may idea na kayo kung ano at sino ang may laban ngayon.

Championship na ng basketball, Category B. 3-A at 4-A ang magkalaban.

At ito ang pinaka-inaabangan na laban ngayon Intrams.

Sabi kasi babawi ngayon ang 4-A. Dahil no'ng first year pa lang kami at second year sila ay kami ang nag-champion sa basketball.

Mas marami ang manonood ngayon. Kulang na lang eh gumuho itong gym sa sobrang daming tao. Meron pa nga sa labas eh.

Kaya naman maganda ang pwesto namin ay alam n'yo na kung bakit. Malamang sa alamang ay kagagawan ito no'ng tatlong bakulaw na maglalaro ngayon.

"Hindi mo man lang ichi-cheer si Kuya?" Tanong ni Rica.

Umiling ako. Bakit pa ako magsasayang ng energy kung hindi naman niya ako maririnig 'di ba?

Ang dami nang nagchi-cheer sa kanya, tama na 'yon.

"Kahit isang beses lang Ate Sizzi. Please?" Pangungulit pa ni Rica.

Umiling ulit ako.

Medyo kampante ako na hindi kami makikita no'ng nagmamasid sa amin since sobrang daming tao.

Baka kasi Breaker 'yon, baka maidamay pa sina bunso kaya medyo dumidistansya ako sa kanila.

Mahirap na.

Hindi nagtagal ay tumunog na ang buzzer. Hudyat na magsisimula na ang laro kaya lalong lumakas ang sigawan.

Medyo humina nga lang kasi hindi kasama sina hinayupak sa first five. Bakit ba hindi pa sila nasanay? Eh sa third quarter pa pumapasok ang mga 'yan tapos wala nang labas-labas.

No'ng magsimula na ang laro ay parang inilampaso ng 4-A ang 3-A. Grabe. Ni hindi maka-score ang 3-A sa galing mang-block ni Lincent, 'yong sinasabing ace player ng 4-A. Pa-easy-easy pa nga siyang magpa-shoot eh.

Kaya ayun. Ang laki agad ng lamang ng 4-A. No'ng end ng first quarter, ang score 12-29. My goodness.

No'ng mag-second quarter na ay lalong lumaki ang lamang ng 4-A. Hindi ko alam kung sinasadya ba 'yon ng 3-A o ano. Pero mukhang kampante pa rin sina hinayupak.

Ang dami nang nagrereklamo na ipasok sina hinayupak. Grabe, feel na feel naman nila ang panonood.

Ang score nong mag-end ang second quarter ay 25-48. Pambihira.

Sina Rica ay prente ring mga nakaupo. Mga kampante rin ano?

No'ng mag-buzzer ulit para sa simula ng third quarter ay tumayo na ang tatlong ugok. Kaya ayan, sobrang lakas ng sigawan. Kulang na lang talaga ay magiba itong gym.
(A/N: Magiba = masira)

"Kyaaaaaa~ Finally! Ang Big 3!"

"Panalo na ang 3-A! Hoooo~"

"Go Therence! Go Jayzee! Go Clark!"

Lumingon sa gawi namin si hinayupak. Kaya nagtilian 'yong mga nasa likuran namin. Kesyo sa kanila raw nakatingin si hinayupak.

Nakatingin pa rin siya sa gawi namin kahit na nagpito na 'yong referee. Aba? Ano bang hinihintay nito?

Dinunggol-dunggol naman ako nina Rica na para bang 'I-cheer mo na Ate Sizzi!'

Ang ginawa ko ay ngumiti ako kay hinayupak saka tumango na para bang nagsasabi na 'Galingan mo'.

Fight Until the End (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon